“ARE YOU out of your mind, Ashton Phillip! Itinakas mo ang asawa at anak ng isang mayor na nasasangkot sa malaking eskandalo ngayon! Hindi ka na ba nag-iisip!” Pilit na nagpakahinahon si Phillip. Hindi niya hahayaan na magsalubong ang init ng ulo nilang maglolo at baka sumabog sila pareho. Nasa study sila ng Lola Ancia niya. Katatapos lamang nilang maghapunan. Nais sana niyang basahan si James ng libro hanggang sa makatulog ito ngunit nag-demand ang lolo niya na ngayong gabi na sila mag-usap. “Lolo, calm down,” mahinahong sabi niya rito. “How can you expect me to calm down now?” Bumuntong-hininga siya. “I—no, we did the right thing. River and I did the right thing. Tama lang na inilayo ko ang mag-ina kay Benito Escarlan.” Marahas na huminga ito nang malalim. “Hindi mo gagawin ito kung

