“KUMUSTA na kayo diyan, Ate Pilita?” tanong ni Sassa sa hipag niya habang kausap niya ito sa telepono nang hapong iyon. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na tawagan ito upang makumusta ito at ang pamangkin niya. Nag-aalala rin siya sa kalagayan ng mga ito. Baka pati ang mga ito ay nadamay sa galit sa kanya ni Benito. Ayon kay River ay maganda ang nagiging progreso ng mga kaso ni Benito. Sa dami ng mga ebidensiyang nakalap bilang patunay ng illegal drug activity nito at napakaraming katiwalian, malamang na makulong ito. Patuloy raw sa pagtanggi sa mga akusasyon ang asawa niya. Dahil maimpluwensiya ang pamilya nito, natatagalan ang paghahatol ng hustisya. Nangako si River sa kanya na gagawin nito ang lahat upang makulong na nang tuluyan si Benito. Kapag nasa kulungan na ito ay tu

