43

1480 Words

NAGISING si Sassa dahil may yumuyugyog sa balikat niya. Napapaungol na nagmulat siya ng mga mata. Pagod na pagod siya dahil maghapon siyang naging abala sa kusina. Tinulungan niya si Yllen Stacy at ilang mga kawaksi sa pagluluto ng mga espesyal na putahe para sa buong hacienda. Nagpakain si Lola Ancia dahil masagana ang ani nang taong iyon. Taon-taon daw ginagawa iyon ng hacienda, ayon sa matatanda sa hacienda. Pasasalamat iyon ng pamilya sa mga tao sa pagiging masipag sa trabaho. Hindi na siya pinapatulong dahil mabigat ang mga gawain at marami naman nang mga ginang ang nag-alok ng serbisyo, ngunit nagpumilit siya. Kailangan niyang abalahin ang kanyang sarili upang hindi na niya gaanong maisip si Phillip. Lalo niya itong iniwasan pagkatapos nilang mag-usap. Hindi rin maaaring hindi siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD