TULIRO pa rin si Sassa hanggang sa makauwi siya sa boardinghouse niya. Hindi pa rin niya lubos na naiproseso ang lahat ng mga nalaman niya sa kanyang isip. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang iisipin, kung ano ang kanyang gagawin. Kinalma niya si Pilita na iyak nang iyak pagkatapos mapalabas ng ospital. Kahit na nakaladkad palabas, patuloy ito sa pag-eeskandalo. Umiiyak at tumatawa nitong sinabi na binigyan ito ng pera ng matanda upang manahimik na. Hindi muna niya inisip ang kanyang sitwasyon. Inasikaso muna niya ang kanyang hipag hanggang sa mapasakay niya ito sa bus pauwi sa Sta. Catalina. Gusto sana niyang sa boardinghouse na ito patulugin, ngunit ayaw raw nitong iwan nang matagal ang anak nito. Lumuwas lamang talaga ito upang eskandaluhin si Glanys. Papasok pa lang siya sa gate

