NAIILANG man, hindi maiwasang mapangiti ni Sassa habang pinapanood ang anak sa paghabol ng mga tutubi. Kasama nilang mag-ina si Phillip na naglalakad. Pupunta sila sa isang magandang talon na malapit lamang sa villa. Tuwang-tuwa si James sa mga nadadaanan nila. Natutuwa rin ito sa mga insektong nagliliparan. Sa Sta. Catalina ay hindi ito masyadong pinapayagan ni Benito na maglalabas. Maagang-maaga silang umalis ng villa upang maagang makapaglunoy sa tubig si James. Nang nagdaang araw ay nagkulong siya buong umaga sa silid na inookupa niya. Nalaman niyang silid pala iyon ni Phillip sa villa. Hindi siya nito kinausap hanggang sa tawagin siya para sa tanghalian. Pagkakain ay kaswal siya nitong niyaya na magtungo sa mall upang mamili ng mga gamit nilang mag-ina. Umakto ito na tila walang nan

