Chapter 1
Blair’s POV
"Asia's Pop Heartthrob is finally back. Dinumog ng mga fans ang Manila International Airport umaasang makita ang kanilang idolo. Pagkatapos niyang tanggapin ang ikalawang Tony Award ay inaasang ngayon ang pagdating ng sikat na singer."
I was fixing my notes when I heard the news report about Zeke Hache. I quickly turned my gaze and sat on the couch to focus my attention sa new update niya. He's finally back. Hindi ko napansin ang oras dahil pinapanuod ko ang mga video clips na nagpapakita kung paano niya kinuha ang kanyang award. He’s dashing as always. Pagkatapos nilang maibalita ang tungkol kay Zeke ay pinatay ko na ang telebisyon. Doon ko lang narinig ang pag-ring ng telepono ko mula sa coffee table. “Ailee calling,” I read my phone. Hala!
Dali-dali akong bumaba mula sa 2nd floor ng apartment na inuupahan ko. I saw a girl standing beside her white Audi A6 sedan patiently waiting for me. It's Ailee my rich kid best friend. As usual ay napakaganda nito at halatang mamahalin ang kanyang suot na white dress. Lumapit ako kaagad nang makitang nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa ‘kin.
Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis umaasang hindi na ito mainis pero hindi niya ako pinansin. "Pinanood mo nanaman si Zeke no!" bulyaw ni Ailee habang naka-crossed arms.
Sabi ko na nga ba eh. Nag-pout nalang ako at nagpa-cute sa kanya. "Sorry na best, alam mo namang siya lang ang nakakapagpasigla ng umaga ko eh. Tsaka finals natin ngayon dapat may inspirasyon ako," I sweetly said.
Inirapan lang ako ni Ailee saka pumasok sa kanyang sasakyan. Sumunod naman ako at umupo sa tabi nito. "Huwag ka ng magalit," I pleaded. Aminado naman akong palagi nalang nangyayari ito. Dahil sa kapapanood ko sa updates tungkol kay Zeke palagi akong nahuhuli. Buti nalang talaga at nandito itong bestfriend ko.
Hindi umimik si Ailee at pinaandar na ang sasakyan. "Alam ko namang ikaw ang pinakamatalino sa klase natin pero tuwing pinapanood mo 'yang si Zeke hindi mo napapansin ang oras. Mahuhuli ka na sa exam. Kung hindi pa kita sinundo rito ay baka hindi ka na nakaabot," pagpapaliwanag naman ni Ailee habang nagmamaneho. Ngumiti nalang ako at nagpasalamat sa best friend kong palaging nagtitiyaga sa katangahan ko. Well, I can’t help it. Simula nang marinig ko ang mga kanta niya wala na akong ibang inisip kung hindi siya.
“Kumusta na pala si tita?” tanong ni Aileen a nagpatigil sa pag-imagine ko. Biglang nanikip ang dibdib ko nang maalala ko si mama. Imbes na siya ang alalahanin ko ang pagpapantasya ko pa ang inuna ko.
“She’s fine, I hope. Pagkatapos ng exam natin luluwas sila ni tita para sa check-up niya. Sasamahan ko sila mamaya. I just hope na good news naman ang marinig namin,” I explained saka nagbuntong hininga.
Naramdaman ko nalang ang isang kamay ni Ailee sa balikat ko. “She’ll be fine best friend. May tiwala akong magiging okay rin ang lahat,” she comforted me. Sa tuwing sinasabi niya ang mga ‘yon gumagaan ang pakiramdam ko. Nginitian ko nalang ulit siya bilang pasasalamat.
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa Unibersidad. Ngayon ang huling araw namin bilang third year students. Sa susunod na taon ay magiging junior intern na kami. Pagkatapos ng exam ay maghahanap nanaman ako ng part time job dahil mahal ang gamot na iniinom ni mama araw-araw. Hindi pa kasama roon ang pagpapa check-up niya. Kahit napapaaral ako ng natanggap kong scholarship ay kailangan ko paring magtrabaho sapagkat ako nalang ang inaasahan ni mama.
Magkaiba ang course namin ni Ailee, nasa business department siya. Habang nasa medical department naman ako. Gusto kong pagalingin si mama dahil hindi ako naniniwalang wala nang pag-asa ang sakit niya. Pagkatapos ng exam ay pinatawag ako ni Professor Wu sa office niya. Mukhang alam ko na kung bakit.
“Professor?” I asked nang makarating ako sa office niya at nakitang busy sya sa isang dokumento. Tiningnan niya ako at sumenyas na pumasok.
Ipinakita niya sa ‘kin ang kanina pa niya inaaral na papel. “Nabanggit ko na ang tungkol sa exchange student program sa ‘yo diba? Hindi mo parin ba ito napag-iisipan? Sayang ang galing mo Dionne Blair Chantria Kemp. Malaki ang maitutulong nito sa iyo,” pagpapaliwanag ni Professor Wu.
“Professor, alam niyo naman po ang kalagayan ni mama. I really appreciated your concern professor pero hindi ko po siya pwedeng iwan dahil ako lang ang inaasahan niya,” sagot ko naman sa kanya.
Nginitian ako ni professor. “Take your time Blair I really hope that you can go. May isang taon ka pa para pag-isipan ito ng mabuti,” he said. Gusto ko siyang hindian pero umaasa akong sa mga susunod na buwan ay maging okay ang lahat. In my three years of studying medicine natutunan ko na itong mahalin. Gustong-gusto kong tanggapin ang offer ni professor, but I was being held back. My mom needs me.
“Salamat po,” I smiled at him and exited his office. Simula nang mag-aral ako dito siya ang unang nakakita ng potential ko. He always guided me. Last month pa nga niya ako kinukulit tungkol sa exchange student program.
“It’s okay. Everything will be okay. The road may…” Zeke’s song played and I realized that my phone was ringing. Tiningnan ko ito at nakita na si Ailee ang tumatawag.
“Hello?” I answered. “Best! Sorry kailangan kitang isturbuhin ah. Bigla kasing dumating ang secretary ni daddy. Sinundo niya ako may emergency daw sa bahay. ‘Yong kotse ko ikaw na bahala ah?” tuloy-tuloy niyang paliwanag. “Teka, paanong hindi...” pinutol niya agad ang pagprotesta ko. “Sige na sige na pupuntahan ko nalang bukas sa apartment mo. Nilagay ko na sa locker mo ‘yong susi. Okay lang na gamitin mo sa pagsundo kina tita sa terminal. Bye! I love you,” sambit niya.
Naku talaga ang babaeng ‘yon. Akala niya hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit niya iniwan ang kotse niya. She had been trying to help me since nalaman niya ang tungkol sa sakit ni mama. However, I didn’t want to accept her help. Ayokong maging dependent sa ibang tao. Kaya ito nanaman siya gumagawa ng paraan para tumulong. But I’m really grateful to her. Simula nang nag-aral ako dito siya palagi ang tumutulong sa ‘kin. She even taught me how to drive para kapag nalasing daw siya ay ako ang bahalang sumundo at maghatid sa kanya.
Lumapit na ako sa kotse niya at nakita ang masasamang tingin ng mga estudyante. “Gosh wala talagang sinasanto ang babaeng ito. Pati ba naman ang kotse ni Ailee ay pagdidiskitahan niya,” rinig kong sambit ng isang babae. “I know right,” sagot naman ng kasama niya. “If I know nilapitan niya lang si Ailee dahil sa pera niya. Palibhasa pulubi,” buwelta ng ikatlong babae. “I know right,” sambit ulit ng babae kanina. Wala na bang ibang alam sabihin ito kundi I know right?
Hindi ko nalang sila pinansin at sumakay na sa sasakyan ni Ailee. I was driving nang marinig ko nanamang mag-ring ang cellphone ko. It was my mom. “Hello ma papunta na ako sa terminal hintayin niyo ako ni tita,” sagot ko. “Tapos na akong magpa check-up anak pauwi narin kami ng tita mo. Hindi mo na kailangang pumunta sa ospital,” hininto ko ang sasakyan sa tabi ng isang café pagkatapos kong marinig ang nanginginig na boses ni mama. “Ma naman eh. Bakit hindi niyo ako hinintay,” I said. “Anak huwag ka ng mag-alala finals niyo ngayon at dapat mag-focus ka sa pag-aaral mo. Okay lang ako,” she said. Magsasalita na sana ako nang maputol ang linya.
Si mama talaga napakatigas ng ulo. Uuwi na sana ako ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Naku po, bakit ngayon pa. Mabuti nalang at nasa tabi ako ngayon ng isang café. Siguro naman ay may comfort room sila doon ano. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng café. Nilibot ko ang mata ko at nakita na maraming tao ang nasa loob. Malawak din ito na pwedeng pagdausan ng party o kahit anong event. Nang mamataan ko ang CR ay dumeretso ako doon. Pumasok ako sa female’s at nakita ang limang pintuan, pumasok naman ako sa may malapit sa entrance ng CR.
Lalabas na sana ako pagkatapos kong ilabas lahat ng sama ng loob ko nang biglang may pumasok at ni-lock ang pinto ng CR. “Sino ka?!” sigaw ko agad pagkatapos mapagtanto na lalaki ang pumasok. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay nasa pader dahilan para mapasandal ako doon. Para kaming nasa telenovela sa itsura namin ngayon. Sinubukan kong pumalag at buksan ang pinto pero napakalakas niya. “Stay,” his voice commanded. Napatigil naman ako nang marinig ang malamig na boses na iyon. I can hear his heavy breaths lalo na ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Napakalapit niya sa ‘kin kaya naaamoy ko kung gaano siya kabango. Ang sarap sa ilong.
“OMG friend nakita raw si Zeke dito,” kinikilig na sambit ng isang babae sa labas ng CR. “Hala, talaga? Bilisan mo kailangan natin siyang maabutan,” sagot naman ng isa at narinig namin ang pagtakbo nila palabas.
Ilang sandali pa ay humiwalay siya sa ‘kin. Huwag! Gusto ko sanang isigaw pero natampal ko ang noo ko. Malandi ka, sigaw ng konsensya ko. Pagkalayo niya ay doon ko nakita na naka-cap at facemask siya. Pero hindi nito naitago ang matangos nitong ilong at magagandang mga mata. Malakas ang kutob kong siya ang tinutukoy ng mga babae sa labas. Busy siya sa pagsilip kung may mga tao pa kaya hindi niya ako pinapansin. Dahan-dahan ko namang itinaas ang kamay ko at ibinaba ang facemask niya. Ohhh my…
“Z…Zeke,” nanginginig kong sambit. Nagulat ata siya nang marinig ang pangalan niya. Nang maramdamang wala siyang suot na mask ay agad niya itong ibinalik mula sa pagkakababa ko. Tiningnan niya lang ako ng mabilis saka umiwas uli ng tingin. Patuloy parin niyang sinisilip ang labas ng CR. Doon ko narealize na nagtatago siya mula sa fans niya.
“I’ll help you,” sabi ko sa kanya at hinila ang kamay niya. “Hey!” he shouted pero hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang pinto ng CR saka siya sinabihan ng takbo. Tumakbo kami papalabas na nakita naman ng mga fans niya. Patay! Binilisan pa namin ang pagtakbo at nagtungo sa parking lot. “Sakay!” sigaw ko saka kami sabay na sumakay sa kotse. Pinaandar ko agad ang sasakyan dahil malapit na kaming abutan ng mga fans niya.
“Aaaaaah, Zeke!” rinig kong sigaw ng mga babae pero mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Sabay kaming tumawa dahil sa nangyari. Hanggang ngayon ay napakabilis parin ng t***k ng puso ko. Hindi ko talaga akalaing makikita ko si Zeke.
Bigla kaming tumahimik dahil ang awkward. Nakalayo na kami sa café pero ang tahimik ng paligid namin. I wanted to talk to him and tell him how much I loved his songs pero hindi ko mabuka ang bibig ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na kinikilig. Grabe, halo halo ang nararamdaman ko ngayon.
“Uhhhh, I…ikaw ba ‘yong hinahabol nila ka…kanina?” I stuttered. Natampal ko nanaman ang noo ko dahil sa tangang tanong ko sa kanya. Kaya nga kami tumakbo kanina kasi hinahabol nila kami. Nababaliw na ako.
Palihim ko siyang sinusulyapan para sana muling masilayan ang kagwapuhan niya nang marinig ko siyang magsalita. “Eyes on the road,” malamig niyang sambit. Napatitig naman ako sa kalsada dahil sa sinabi niya.
Tahimik ulit kami nang mag-ring ang telepono niya. “Hello…yes…okay,” rinig kong sabi niya sa kausap niya. Ako naman ay patuloy na nag-drive ng deretso kasi hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. “Itabi mo,” sabi niya kaya itinabi ko malapit sa isang lalaking nakatayo sa gilid. Bumaba na siya pero bago niya isara ang pinto narinig ko ang “thank you” niya. Gusto kong sumigaw sa kilig pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.
Pagkatapos lumapit ni Zeke sa lalaking nakatayo sa gilid ay pumasok na ito sa van na kasalukuyang nakaparada malapit sa kanila. Lumapit naman ang lalaki sa sasakyan kung nasaan ako. “Hi, I’m Jian. Zeke’s manager. Maraming salamat sa pagtulong mo sa star ko ah,” sambit niya habang nakangiti. “Wala po iyon,” sabi ko naman saka ngumiti pabalik sa kanya. Umalis na ito saka ko pinaandar ang sasakyan para umuwi. Kailangan kong umalis sa lugar na ito bago pa ako mag-hysterical.
to be continued...