ALAM na agad ni Gabriel kung bakit siya sinuntok ni Kapitan Arnold at iyon ay dahil sa sinabi na dito ni Almira ang nangyari sa bahay nina Maureen kagabi. Sapo ang nasaktang panga ay tumayo siya at hinarap ang mag-ama. Inaasahan na niya ang eksenang ito at handa na siyang magpaliwanag sa mga ito tungkol sa totoong nangyari. “Kapitan, Almira, hayaan ninyo akong magpaliwanag muna.” Mahinahon niyang sabi. “Almira, mali ka ng iniisip. Hindi ko magagawa sa iyo iyon. Hindi kita kayang saktan—" “Pero ginawa mo na, Gabriel! Sinaktan mo na ako. At anong paliwanag pa ang gagawin mo? Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa ninyo ni Maureen. Huwag ka nang magpaliwanag! Para ano pa? Para bilugin ang ulo ko?!” Naluluhang sagot sa kaniya ni Almira. Bakas sa mukha nito a

