MY PLAN WORKS! Matagumpay na tili ng utak ni Maureen. Nangyari ang plinano niya kanina sa kaniyang utak. Magkukunwari siyang masama ang pakiramdam tapos ay magpapasama siya kay Gabriel sa kwarto niya habang si Almira ay tinatawag ang parents niya. Kapag pumunta na sina Almira, ang mommy at daddy niya ay dapat maabutan siya ng mga ito na kunwari ay may nangyayari sa kanila ni Gabriel. Iyon ay upang umurong na si Almira sa kasal. Tapos ang parents naman niya ay ipapakasal siya kay Gabriel. Kilala niya ang mga ito na masyadong sagrado ang tingin sa s*x. Relihiyoso din ang mga ito. Kaya alam niyang pilit siyang ipapakasal nito kay Gabriel. Mabilis na umalis si Gabriel sa ibabaw niya. Siya naman ay hinablot ang kumot upang ipangtakip sa kaniyang dibdib. Ngunit ang kasiyahan ni

