WALANG pagsidlan ang saya ni Maureen nang matapos na ang pagsasayaw nila ni Gabriel. Masaya siya pero bitin. Kahit pagod ay nais pa niyang makasayaw nang mas matagal ang lalaki. Kanina, manaka-naka siyang tumitingin kay Almira at talagang halata sa mukha nito ang pagseselos. E, wala naman siyang magagawa dahil kaselos-selos naman talaga siya. Napaka arte naman kasi ng kaibigan niyang iyon. Ayaw pang sagutin si Gabriel. Pero mabuti nga iyon. Mas magiging madali ang pag-agaw niya kay Gabriel habang wala pang relasyon ang dalawa. Hindi na dapat siya magpatumpik-tumpik pa. Dapat ay kumilos na siya agad. Iyong mabilis! Matapos ang sayaw nila ni Gabriel ay inalalayan pa siya nito sa pag-alis sa dance floor. Hawak ang isa niyang kamay. Umarte pa siya na matutumba dahil sa taas n

