MALAKI ang ngising nakapaskil sa labi ni Ralph nang makita ito ni Miguel na pumasok sa kwartong kinaroroonan niya. Hindi niya maintindihan pero nagdulot ng kaba ang ngisi nito na iyon. Para bang may ginawa ito na dapat niyang ikatakot. Naglalaway na siya dahil sa mouth gag na nakalagay sa bibig niya. Simula nang ilagay iyon ni Ralph sa kaniya ay pilit na niya iyong inaalis gamit ang dila niya. Medyo nagalaw niya iyon at parang kaya niyang alisin. Kumuha ng damit si Ralph at nagbihis ito sa harapan niya ng pambahay. “Alam mo bang nasa ibaba ang asawa mo? Siya na mismo ang lumapit sa akin. Itinanong niya kung alam niya kung nasaan ka,” bahagya pa itong natatawa. “Hindi ako sinungaling na tao kaya sinabi ko na nandito siya. Sumama siya sa akin at alam mo naman ang balak ko, `

