MATIYAGANG nag-abang si Almira sa labas ng construction site kung saan dating nagtatrabaho si Miguel. Eksakto lang ang dating niya dahil ayos sa trabahador na napagtanungan niya kanina ay naroon pa raw ang engineer na si Ralph. Kailangan niya talaga itong makausap. Baka sakaling pumunta o kinausap ito ni Miguel nang gabing umalis ito sa bahay. Hiling niya ay alam nito kung nasaan ang kaniyang asawa. Teka, tama pa bang tawagin niyang asawa si Miguel gayong walang bisa ang kasal nila? Hindi na siguro pero mahal pa rin niya ang lalaki sa kabila ng tunay nitong kasarian. Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalabasan na ang mga trabahador. Tinalasan niya ang mata at baka malagpasan siya ng taong hinihintay. Hanggang sa makita na niya si Ralph na lumabas ng construction site. I

