Kabanata XXVII

1848 Words

                LUMIPAS ang magdamag pero walang Ralph ang dumating. Ang buong akala ni Miguel ay darating ito kagabi ngunit hindi. Nanatili siyang nakatali sa kama hanggang umaga. Mag-isa at nanghihina na dahil sa gutom at uhaw. Ang huling pagkain pa niya ay kahapon ng umaga. Hindi naman kaya papatayin siya ni Ralph sa gutom at uhaw bilang pagganti? Diyos ko, huwag Niyo po muna akong kukunin. Gusto ko pang mabuhay para kay Almira… piping dasal ni Miguel habang nakatingin sa kisame. Maya maya ay bumukas ang pinto. Pumasok si Ralph na gusto ang suot na polo at magulo ang buhok. Pagkalapit nito sa kaniya ay nahinuha niyang lasing ito. Amoy-alak. “Sorry, ha. Hindi ako nakauwi kagabi. Nagkayayaan kasi kami ng friends ko na mag-bar!” anito. Tumabi ito ng higa sa kaniya. Umunan ito sa isa niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD