ANNALOU LUMIPAS ang isang buwan na hindi pa rin ako pinapansin at kinakausap ni Steven. Kapag hindi siya lasing ay hindi niya man lang ako matingnan sa aking mga mata. Sa tuwing magtatangka akong kausapin siya ay lumalayo siya at isang araw na hindi umuuwi dito sa bahay. Araw ng linggo ngayon kaya nagluluto ako ng pananghalian namin. Nag-presinta ako kay Manang na ako muna ang magluluto, tutal ay wala naman akong ginagawa. Tapos na akong maglinis sa kwarto ko at nalabahan ko na rin ang mga damit ko. Sa tuwing lalabas ako sa kwarto ko'y napapatitig na lang ako sa pinto ni Steven. Naaalala ko ang gabing nagdala siya ng babae doon at matagal bago nakalabas ang babae. Hindi ko na nga nahintay pa ang paglabas doon ng babae dahil pumasok na ako sa aking kwarto at doon ay umiyak ako nang umiya

