ANNALOU "MISSY, pwede ba tayo mag-usap? Pagkatapos ng isang linggo na pagha-hunting ko sa kanya. Sa wakas ay nahanap ko na rin siya. May narinig kasi ako na dito raw ang tambayan nila sa garden kaya naman agad ko silang pinuntahan dito. Naabutan ko siyang kausap ang dalawang babae na kasama niya noong sinundo nila ako at dinala sa isang hotel. Humarap siya sa akin nang nakahalukipkip at nakataas ang kilay. Tumayo rin ng maayos ang dalawang babae na kasama niya at tinaasan rin ako ng kilay. "Oh, hello!" plastic niyang bati. Pero wala ako dito para makipag-plastikan sa kanya. "Umamin ka nga sa akin. May alam ba kayo sa nangyari sa akin sa hotel?" matapang kong tanong sa kanya. Hindi na ako nag-paligoy-ligoy pa dahil iyon naman talaga ng dahilan kung bakit ko siya hinahanap. Ngumis

