ANNALOU HINDI niya man lang ako binigyan ng pagkakataon na mag-protesta sa ginagawa niya. Sa tuwing magsasalita ako para pigilan siya sa kanyang ginagawa ay binabalikan niya ang labi ko at nilalamukos iyon ng halik. Walang duda na namamaga na ang labi ko dahil ramdam ko na ang pangangapal nito. Kung saan-saan na rin humahaplos ang ang mga kamay niya na nagbibigay kuryente sa buo kong katawan. Unang beses na may humawak sa buo kong katawan lalo na sa maselang bahagi nito. Kakaibang sensasyon ang dulot niyon sa akin na hindi ko maintindihan. Sinubukan kong hulihin ang kamay niya para pigilan sa ginagawa niyang paghaplos sa akin, pero wala ring silbi dahil mabilis niya lang din iyon natatabig. Nakatayo pa rin kami sa tabi ng ref, at ang nagkalat na bubog sa sahig ay natatapakan na namin. N

