ANNALOU NAGISING ako sa isang silid na kulay puti ang kisame. Pumipintig pintig pa ang sentido ko nang idilat ko ang aking mga mata. Nanunuyo ang aking lalamunan at hindi ko ito maibuka. "Annalou, mabuti naman at nagising ka na!" Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses. Tama nga ang nasa isip ko na si Manang ito. Lumapit siya sa akin na may nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Biglang bumalik sa alaala ko ang lahat bago ako nawalan ng malay kanina. Panaginip lang ba ang lahat? tanong ko sa aking sarili. "T-Tubig..." nahihirapan kong usal. Agad na kumuha ng tubig si Manang. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Pakiramdam ko'y hinang-hina ang katawan ko at hindi ko ito magalaw ngayon. Inalalayan ako ni Manang para maka-upo ng maayos. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay saka ako na

