Chapter 17
I woke up by the rays of the sunlight that came from the window. Nakalimutan ko sigurong-- fvck!
Dali-dali akong napabangon at napangiwi sa sobrang sakit. Napatingin ako sa aking pulso. There's no mark of handcuffs. Naglibot din ako ng paningin. No..this is not a dormitory!
"You're awake." A beautiful lady entered the room. She's holding a tray full of foods and a glass of milk. "Did you sleep well?"
"Sino ka?" I asked instead. Napangiwi pa ako nang maigalaw ko ang aking binti.
She chuckled. She looks like someone. "I'm Shiela Amadeo. Shaun's older sister. We meet again."
"Again?" What does she mean? "Ngayon pa tayo nagkita."
Gulat ako nitong tinignan. "Didn't Shaun told you I was the one who changed your clothes back when you were so drunk? Dito ka rin natulog."
That explains everything. Kung bakit pamilyar sa'kin ang lugar na'to. "Am I in Shaun's condominium?"
She nodded her head. "He brought you here. Ayaw ka niyang makita ng iba doon sa University na nasa ganyang sitwasyon."
Napahawak ako sa aking sintido. "N-nasaan ang damit ko?"
"You're wearing his shirt and boxer. So I suppose he wrecked your clothes last night. But I brought you some. Magkasize lang naman tayo." Umupo ito sa kamang kinauupuan ko. She held my hand and gripped it lightly. "What you've done to him before is the reason why he's so obsessed with you."
"Ano?"
She just smiled. "Kumain ka na. After eating, ihahatid ka na ng driver namin."
Hindi na ako sumagot pa at tinitigan lamang ang pagkaing nasa aking kandungan.
Memories from last night hunts me now. Paano ako makakakain kung ang nasa isip ko ay ang kababuyang ginawa namin kay Criza?
"Stop overthinking." Sambit ni Ate Shiela. "Just eat now. I'll be leaving."
I watched her walked out of the room. Muling tumahimik ang silid at tanging ugong nalang ng aircon ang naririnig. I never initiated a move. Masyadong masakit.
Of course, you did a lots of rounds last night. Said by a voice inside my head.
Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga. I heard the door opened but I didn't bother to open my eyes. Not until a soft thing kissed my forehead.
"Good morning." Napadilat ako at nadatnang matamang nakatingin sa akin si Shaun.Maaliwalas ang mukha nito. Unlike any other days.
Napaiwas ako ng tingin. "I want to go home."
Tumango ito. "By the way. Kaye hand me your phone this morning." Inilahad nito ang phone ko na mabilis kong inabot.
Napangiwi na naman ako. Mukhang hindi ako makakalakad ngayon, ah."Fvck." I murmured.
Shaun sat on the bed next to mine and caressed my cheeks. "Does it hurts so bad?"
Walang pagdadalawang isip akong tumango. "Yes. And this is your fault."
Ngumiti ito at muli na namang hinalikan ang noo ko. "Sorry."
"W-what happened last night.." Napaiwas ako ng tingin dito. "Is a mistake, Amadeo. Hinding-hindi--hmm.." Naputol ang anumang sasabihin ko nang sinilyohan niya ang labi ko sa isang halik.
"Remember what I said last night? After what happened to us, I already yours. Criza doesn't own me, and she never will."
A tear escaped from my lips a realization hits me.
The fast heartbeats whenever he's around that I keep ignoring is something else. The excitement of seeing him on our building everyday is another thing. The happiness whenever we're together is another level of joy.
Am I falling inlove with him?
"Hey," pinahiran nito ang luhang nasa aking mga pisngi. "Hush now."
"I'm getting married soon, Amadeo. P-paano kung may nabuo-"
"Then I would be the happiest man alive, Angel." He cut me again. "I don't care if you're getting married. Kaya kitang itakas sa kanila."
Tuluyan na akong napahagugol sa narinig. Kinuha niyang ang tray na nasa aking kandungan at nilapag ito sa nightstand. He immediately pulled me into his tight embrace.
"B-bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to." I whispered.
"I don't know either." He replied. "But I want to spend my whole lifetime with you."
Umiling ako. "Hindi pwede 'yang iniisip mo, Amadeo. May natatapakan kang tao."
"Who? Si Criza?" He laughed nonchalantly. "I don't care about her in the first place.""A-ano?"
"Ikaw lang ang tumatrato sa kanya na pinsan, Angel. But she? She keep destroying your image to me." Tumiim ang bagang nito.
"What do you mean?" Naguguluhan na ako.
Umiling lang ito. "Eat up. I'm taking you home."
Hindi na ako umimik pa nang tumayo ito at lumabas ng silid. Napabaling naman ako sa cellphone kong nasa kumot na nabitawan ko kanina.
Mommy's Calling...
"Mom?"
"Oh gosh! Thank goodness you answered the phone!" Mommy exclaimed from the other line.
"Hey, mom." I tried to make my voice sounds so cheerful. "Napatawag ka?"
"It's about your marriage."
Napabuntong hininga ako. "What about it?"
"Ipapakilala na sa'yo ang mapapangasawa mo, anak."
Tuluyan na akong nawalan ang lakas sa narinig. So it's final? Ikakasal na talaga ako?
"Hello, Angel? Still there?"
Napakurap-kurap ako upang mapigilan ang pagtulo ng traydor kong mga luha. "Y-yes, mom. Kailan daw po?"
"Tonight. Mag-absent ka nalang ngayon."
Napakamot ako sa aking batok. "Hindi kami pwede lumabas during weekdays."
"We already talked to your dean. Makakalabas ka ng school mamaya. Make yourself presentable, okay? I'll hang up."
Hindi na ako nakakuha pa ng pagkakataong magsalita nang patayin niya ang linya.Walang lakas kong binaba ang cellphone at naglibot ng tingin. The texture of the surrounding calms me.
The texture or the scent? Said by the voice inside my head.
Napailing na lang ako bumangon. Napangiwi ako sa sobrang sakit. Fvck. Makakalakad pa kaya ako?
____
"Where have you been?" Nag-aalalang sambit ni Stracy nang makapasok ako ng dorm.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay napapangiwi ako sa sobrang sakit. Ngunit hindi ko ito pinapahalata. "Umuwi ako sa bahay kagabi."
"Ba't paika-ika ka? Okay ka lang ba?" Mabilis akong dinaluhan ni Cy.
"P-patulong paakyat sa kwarto." Mahinang sambit ko.
She didn't utter a thing. Akay-akay niya ako habang paakyat sa kwarto. She's just silent. One thing I like from Stracy..
Marunong siyang makiramdam.
As soon as we reached my room, we silently entered and she immediately closed the door behind us.
"B-bakit nandirito ka pa? Huwebes pa walang pasok ang engineering, ah?" I asked as I laid down on the bed.
"Criza was crying as we got home from last night."
Otomatiko akong napatingin sa kanya. "B-bakit daw?"
She took a deep breath and sat on my bed. "Alam nating pareho kung bakit, Gel."
Napaiwas ako ng tingin dito at napapikit. "That was the greatest mistake I've ever done in my whole life."
"Iwasan mo na si Shaun." She said.
Tumango ako at nanatiling nakapikit: afraid that my tears would fall. "I'm trying, Stracy."
"You're getting married soon. Hindi ako tanga at lalong-lalo ka na para hindi mapansin na nalalapit na ang loob mo sa kanya." She said.
Muli na naman akong napabuntong hininga. "I'll be meeting my fiancée tonight."
Tumango ito. "May nagpadala ang dress dito. From Arnaldo Eleazar to you. I guess 'yun ang susuotin mo para mamaya."
I nodded my head. "I'll just take a sleep, Cy. Pakigising ako ng 6pm."
"Sure." was all I heard from her before she walks out from the room.
Bumaling ako sa aking kama at napangiwi ng bahagya nang sumakit na naman.I need to sleep. Hindi ako hinayaang matulog ni Shaun kagabi. Medyo nananakit din ang lalamunan ko kakasigaw.
Dumapa ako sa kama at pinigilan ang sariling mapangiwi. I badly need to sleep. But my eyes just won't. My mind is wondering somewhere.
Binuksan ko ang aking mga mata at dumapo ito sa isang kahon na nasa mesang katabi ng aking kama.
Bumangon ako. Nasasanay na ako sa p*******t ng kelanan ko kung kaya't hindi na ako ngumingiwi, ngunit hindi ko maiwasan ang pag-ika sa paglakad. Inabot ko ang box.Bumungad sa'kin ang isang blue above the knee dress at isang high heels na kulay blue. It's glitters shimmers whenever it was hit by a light.
Ugh. Final na yata talaga.
Muli na naman akong humiga kama at tumitig sa kisame. Ganun lang ako hanggang sa tangayin ako ng antok.
"Nye nye nye. Sumbong ka pa sa mama mo." Wika ng isang batang lalaki habang nakatingin sa isang batang nakaupo sa lapag. "Tabachoy!"
"Papayat din ako!" Inis na sabi ng batang mataba at sinubukang tumayo, ngunit nabigo siya nang muli na naman siyang tinulak ng lalaki.
"Wala ka ng pag-asang pumayat, Shaun. Taba!" And he laughed hard together with his friends.
Nangunot ang noo ko. "Hoy!"
Napalingon sa'kin silang lahat. Lumapit naman ako sa lalaking nakaupo sa lapag at tinulungan itong tumayo. Medyo nahirapan pa ako sa sobrang taba niya. Matapos ay humarap ako sa mga lalaki.
"Bakit ba kayo nang-aaway, ha? Hindi naman kayo ginawan ng masama, ah." Kunot-noong sukmat ko sa apat na lalaking nasa harap namin ngayon.
Tumawa ang nasa gitna. "Huwag ka nang makisali pa, bata. Aral ka muna abcd." They all laughed again.
Naglibot ako ng tingin sa paligid at napansin ang kahoy na dala ko kanina. Binitawan ko 'yun kasi sabi ni yaya baka makatama ako ta's magkasala pa.
I immediately run towards that wood's direction and picked it up. Kumuha rin ako ng mga bato para pantapon sa kanila.
Muli na naman akong tumakbo at iniharang ang sarili ko ang lalaking mataba. Hindi ko alam ang pangalan, e.
"Sige, subukan niyong lumapit." I showed the stone.
Tumawa ang isang bata at lumapit. Walang pagdadalawang isip ko itong binato at sumapol ito sa kanyang noo. Hindi na ako nagulat pa nang dumugo ito. Natural. Natamaan, e.
"Isusumbong kita kay mommy!" The kid runs away together with his friends.
Humarap ako sa batang mataba at ngumiti. "Huwag ka papabully sa kanila. Sapakin mo. Ang laki kaya ng kamay mo."
Umiwas ito ng tingin. "S-salamat."
I smiled. "Anong pangalan mo, bata?"
Nilahad niya ang kamay niya. "Ako si Shaun. Shaun Amadeo."
"Ako naman si Angel Eleazar. Friends na tayo, ah?" I smiled as I accepted his hands.
Tumango ito na nagpasaya sa'kin. "Excited akong makilala ka ng pinsan ko!"
He also smiled. "Bakit mag-isa ka lang?"
Nagkibit-balikat ako. "Tumakas ako sa yaya ko. Ikaw?"
"Kinaladkad nila ako dito." Nanubig na naman ang mga mata nito.
"Hanla, Shaun. 'Wag ka umiyak. Natamaan ko naman ang lalaki kanina, e. Ang ganda pa naman ng mata mo. Kulay green." Alo ko dito.
He chuckled. "Sa'yo rin, e. Kulay gray."
"Edi parehong maganda ang mata natin." I smiled sweetly.
"Ayon, mommy! 'Yung batang babae ang bumato sa'kin!"
Napalingon ako nang marinig ko ulit 'yung matinis na boses ng binato ko kanina. May kasama itong isang babaeng nakatakong at maarko ang kilay.
"Ikaw ba ang bumato sa anak ko?!" Singhal nito sa'kin.
Ano ba 'yan. Hindi naman nakakasindak. "Opo. Ang bad kasi ng anak niyo, binubully si Shaun. Wala namang ginagawa si Shaun sa kanila, e."
"Angel! Jusko kang bata ka!" Mabilis akong binuhat ni yaya at humarap sa babaeng masungit. "Naku, ma'am. Pasensiya na po kung nagkasala--"
"Pasensiya?! Mabubura ba ng pasensiya mo ang sugat ng anak ko?!" Muling singhal nito."Huwag mong awayin yaya ko! Ang sungit mo talagang gurang ka!" I yelled.
Nanlaki ang mga mata niyo at akmang kukurutin na ako nang may nagsalita na naman."What's happening here?" It was Lolo!
"Don Arnaldo," sambit ng babae. "Ito kasing batang 'to, binato ang anak ko." She pointed me.I struggle on my babysitter's arms and run towards my grandfather. Mabilis naman akong kinarga ni Lolo. "Totoo ba 'yun?" He asked.
I nodded and pointed Shaun. "Eh kasi binubully niya si Shaun. 'Di ba po masama mangbully?""At masama ring mambato." Lolo said.
Sumiksik ang ulo ko at leeg nito. "Lolo, sorry na."
Ramdam kong bumuntong hininga si Lolo. "Bring your child to a private hospital. I'll pay for the bills."
"Thank you, Don Arnaldo."
"And educate your child properly. Huwag niyong konsintehin ang bata sa mga ginagawa nila. Binabalaan ko kayo."
"Y-yes, Don Arnaldo."
"Umalis na kayo."
Inangat ko ang aking ulo nang maglakad si Lolo palapit kay Shaun. "Hey there, Amadeo. Where's your grandfather?"
"He's in Spain." Shaun replied.
"I see. Go home now. Baka hinahanap ka na." Lolo said.
Ibinaba ako ni Lolo kung kaya't humarap ako kay Shaun. "Aalis na kami, Shaun."
"Magkikita pa ba tayo?" He asked.
Tumingin ako kay Lolo. "Magkikita pa po ba kami?"
"Of course, you will." Sambit ni Lolo.
Muli na naman akong bumaling kay Shaun. "Oo."
"Promise?"
I raised my pinky finger. "Pinky promise, Shaun. We'll meet again."
"Hey, wake up!" Napabangon ako bigla nang marinig ko ang boses ni Stracy.
Tiningala ko ito. "Anong oras na?"
"It's already six-thirty. Bumangon ka na."
Osht!
Dali-dali akong bumangon at pumasok sa banyo dala ang aking tuwalya.
My shower didn't took so long. Nagmamadali akong nagbihis sa dress na pinadala ni Lolo sa'kin."Kalma, hindi ganyan ang pagsuot sa heels, tanga." Sambit ni Stracy at lumapit.
"W-wala bang bumusina sa labas?"
"Kaya nga kita ginising dahil nasa salas ang kuya Damen mo. Bilisan mo daw kumilos."
Tumango ako at akmang itatali na sana ang buhok ko nang bahagya niyang tinampal ang aking braso. "I'll take care of your hair."
Hindi na ako umangal pa nang paupuin niya ako sa silya kaharap ang salamin. She began brushing my hair. Blow dried. And she starts curling it.
"Gusto mo talaga 'pag nakakulot dulo ng buhok ko, 'no?" I asked.
She nodded. She even applied a light make ups on my face.
"Bilisan mong kumilos." Nakasimangot na sambit ni Kuya nang makababa ako ng sala.Alonzo and Laurente are talking to my brother. Gusto ko sanang magtanong kung nasaan si Criza nang tumayo na si Kuya at naglakad palabas ng pinto.
I bit my lower lip and followed him.
Mabilis akong pumaso sa passenger's seat at sinuot ang aking seatbelt."Ready, lil'sis?" He asked.
I took a deep breath. "I guess I am."
Tumango lang ito at pinausad ang sasakyan. He maneuvered the car in a fast speed. Siguro dahil na rin sa ganyang paraan ng pagpapatakbo ni Amadeo ay nasasanay na ako.Speaking of which.
Siya ba 'yung batang mataba na niligtas ko noon?
Pero ang layo masyado, e. Sobrang taba ng lalaking 'yung tapos si Shaun naman talagang perpekto at hulmado ang katawan.
But could it be possible?
"Hey. We're already here. Baba ka na." Sambit ni Kuya Damen.
Napairap ako dito at tinanggal ang aking seatbelt. I opened the door beside me ad stepped out of the car. My brother assisted me and let me hold his arms.
Kalmado lang kaming naglakad papasok sa isang nakapamamahaling hotel. Sinalubong naman kami ng isang babae at giniya kami sa isang pribadong silid.
Kuya Damen held my trembling hand. "Keep calm. Andito na tayo."
Wala sa sarili akong napalunok at tumango. "Yes, kuya."
As the door opened, I feel like my heart is going to burst any moment. Malakas ang kabog ng dibdib ko at tuluyan nang lumakas ang t***k nito nang mapasok kami sa loob.
"There they are." Ani ni Kuya Damen at inakay ako palapit sa kanilang mesa.
"Glad you finally came, Angel." Lolo said.
Bahagya akong yumuko dito. "Good evening, Lolo."
"This is your granddaughter, Arnaldo? Napakagandang binibini." Puri sa'kin ng isang matanda."Maraming salamat po." I smiled.
"Bagay na bagay kayo nitong apo ko."
My eyes settled on the man that is sitting on his chair while looking intently at me.Wala sa sarili akong humakbang paatras.
"I-ikaw?"