Chapter 13

1506 Words
Chapter 13 : Trouble "Ate," ngumuso si Xian sa isang ulam.  Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Alas dos na, ewan ko lang kung pananghalian pa tawag dito. "Gusto mo 'to?" I asked.  Tumango naman ang bata. Akmang kukuha na sana ako sa ulam na gusto nito nang pigilan ako ni Shaun sa pamamagitan ng paghawak sa aking pulso.  "Hindi siya pwedeng kumain ng ganyan." Pagsusungit nito.  Nagbaba naman ako ng tingin kay Xian at napansing parang maiiyak na ito. Sinamaan ko agad ng tingin si Shaun. "Gusto mo ng chocolate?" Nakangiting sambit niya kay Xian.  Sunod-sunod na tumango si Xian at pumalakpak pa. Napairap naman ako. He won.  "Change your dress, I said." Kaswal na sambit ni Shaun at nagsimulang sumubo.  Magkaharap kami sa mesa habang kandong ko si Xian. He keeps playing my hair. Sometimes, kissing my cheeks.  "Wala namang problema sa damit ko, ah?" Kunot-noong tanong ko. "Maganda nga, e." "Ate," muli na naman akong tinawag ni Xian. "I want to sleep."  I kissed his cheeks and smile. "Nasaan mama mo?" I heard Shaun murmured something I can't understand. "Nakakarami na'tong batang 'to, ah."  "Ano?" Pinanliitan ko ito ng mata. "May sinasabi ka? Umiling ito at muling sumubo ng pagkain. Hindi ko nalang ito pinansin at tumayo na upang ibigay si Xian sa kanyang mama.  "Mama.." Tawag ni Xian nang makalapit kami sa isang babae.  "Xian! Jusko, akala ko kung saan-saan ka na pumunta!" She hurriedly went near us. "Salamat, miss. Kanina ko pa hinahanap ang batang 'to."  I smiled before transferring Xian towards his mom's arms. "Pasensiya na po. Nagpakarga po kasi kay Sebastian kanina si Xian tapos isinama ko nalang sa pananghalian namin dahil may ibang lakad si Seb."  Tumango ang ginang. "Anong pangalan mo, hija? Napakaganda mong bata ka. Ilang taon ka na?" Sunod-sunod nitong tanong.  "Uhm," napakamot ako sa aking batok. "Angel po pangalan ko. I'm 18 years old po."  "Napakaganda mo. Ngayon lang kita nakita." She said.  "Ngayon lang po kasi ako nakarating kasama si Shaun."  "Si Shaun? Naku! Napakabutihing bata nu'n. Boyfriend mo ba siya?"  Nagulat ako sa tinanong nito. "Naku, hindi po."  "Talaga?" She asked, and I nodded.  "Aunty Marina. Kamusta po?" Napalingon ako sa nagsalita. And it was Shaun.  "Oh, kamusta. Buti naman nakarating ka." Ngumiti ang ginang.  "Kung hindi kaagad naayos ang tulay, baka hindi kami makakarating." Sagot naman ni Shaun. "Aalis po muna kami, aunty."  "O, siya. Humayo na kayo." Tumango ang ginang.  I smiled towards her. "Alis na po kami."  _____ Nakaupo lamang ako at nakatingin sa mga lalaki at kay Stracy na tumutulong magbigay ng relief goods.  Sila Criza naman at Alonzo ay busy sa pagpapakain ng lugaw sa mga bata ma may halong karne. Ano ba tawag diyan? Nakalimutan ko.  "Angel," tawag pansin sa'kin ni Laurente.  "Oh?" I asked.  "Pwedeng pabigay ito sa kapitan? Nasa loob ng mansiyon." Ani ni Laurente at inabot sa'kin ang isang mangkook na may lamang lugaw.  May sakit ang kapitan? "I know that look. Walang sakit ang kapitan. Ibigay mo na 'to."  Napairap at tumayo. Bahagya namang hinangin ang dress na suot ko kung kaya't maagap akong napahawak sa hem nito upang hindi na hanginin pa. The hem of my dress is just 3inch above the knee. Madaling hanginin. Hindi na rin ako nag-abala pang magbihis. Bahala si Shaun.  "Salamat," Laurente smiled.  Maingat naman akong pumihit paharap sa malaking bahay at halos mabilang na ang aking lakad sa sobrang bagal. Mahirap na kapag natapon. "Nasaan ang kapitan?" I asked with a smile on my lips.  "Nandoon, miss. Para sa kanya ba 'yan?" Anang babaeng sumalubong sa'kin nang makapasok ako ng sa malaking bahay.  "Ahh," nagbaba ako ng tingin sa dala kong mangkook bago muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Opo, ate. Para po sa kanya 'to." Tumango ang babae at muling itinuro ang sofa. Muli na naman akong nagpasalamat dito at maingat na naglakad patungon sa deriksyon na itinuro nito.  Napapangiwi ako sa tuwing hinahangin ang dress na suot ko. Ang manyak naman ng hangin. Lantad na nga ang likod ko at cleavage, gusto pang tingnan ang ilalim ng skirts ko. Nakakabanas na, ah.  "Good afternoon, kap." I greeted with a smile making the captain look at me.  "Good afternoon rin, hija. Anong sadya mo?" Pormal nitong tanong.  Tumikhim muna ako at inangat ng konti ang dala kong mangkook. "Pinapabigay po nila sa labas."  "Sure," tumingin siya sa lalaking sa tingin ko ay halos kaedad lamang ni Shaun na prenteng nakaupo sa single sofa at nakapikit ang mga mata. "Lucas, kunin mo ang mangkook." Nagdilat naman ito ng mga mata at dumapo ito sa'kin. Walang salita itong tumayo at lumapit sa'kin.  Just like Shaun, he also has this intimidating aura. What's his name again? Lucas?  "Thank you." He uttered.  Tumango naman ako at muling ngumiti. "You're welcome." Tumingin ako sa kapitan at bahagyang yumuko. "Aalis na po ako, kap."  "Sige, hija. Marami din salamat." The captain nodded. "Ano nga ulit pangalan mo?"  Nag-angat naman ako ng tingin sa anak nitong lalaki na matamang nakatingin sa'kin. Kalahi yata 'to ni Shaun.  "Angel Eleazar po." I smiled.  "Eleazar." Lucas' baritone voice lingered on my ears. "An elite family. I'm Lucas Clemente. Nice meeting you."  Nice meeting you daw pero 'yung ekspresiyon parang ayaw akong makita.  "Eleazar," napalingon naman ako sa aking likuran nang may tumawag sa pangalan ko. And it was Shaun. "What took you so long?"  Hilaw akong napangiti dito tumikhim. "Hey,"  "Lucas," bungad nito kay Lucas at bahagyang tumango. Ganun din ang ginawa ng huli.  "We'll get going, cap, luke." Pagpapaalam nito. Tumango ang kapitan habang si Lucas ay tumalikod lang at muling naglakad pabalik sa kanyang inupuan kanina.  "I told you to change your dress, right?" Naiinis na sambit nito.  "Napakapakealamero. Kung naiinggit ka, magdress ka rin." Inirapan ko ito at binilisan ang aking mga hakbang. "Pag-inggit, pikit." Pagpaparinig ko dito. _______ "Anong nangyayari?" Nangtataka kong tanong.  Papatulog na sana kami nang bigla nalang magkagulo.  "Si Shaun at Sebastian! Nagsusuntukan!"  Ano daw?  "Oh? Pake ko?" Bagot kong tanong.  Binatukan naman ako ni Stracy. "Tanga, nagtanong ka kaya sinagot. Engot ka rin minsan. Diyan ka na nga."  Halos sabay silang tumakbo palabas ng bahay. Sa tent kami matutulog. Nakicr lang kami para magbihis dito. Nagtaka naman nang tumakbo palapit sa'kin si Kaye.  "Girl, tara!"  At hindi na mga ako nakaangal pa nang hilahin ako nito. Hinawakan ko pa ang pyjamas kong kamuntikan ko nang maapakan.  "Saan daw ba?" I asked. Trying to make myself interested about what's happening.  "Sa baybayin daw." Sabi ni Kaye. Hindi na lang ako nagtanong pa at mas piniling maglakad ng mabilis. Takteng bakla 'to. Ang hahaba ng binti.  "Shaun, ano ba?!" I heard Criza's voice.  "Bilisan natin." Halos kaladkarin na ako ni Kaye palapit sa senaryo.  Mabilis lang rin naman kaming nakarating. Nagkakagulo sila. Pio and the other guy is holding Sebastian while Criza and Lei is trying to stop Shaun.  "Show me you deserve her!" Anas ni Sebastian. "She was mine in the first place, Sebastian!" Pulang-pula ang mukha ni Shaun.  Teka, ano bang pinag-aawayan nila?  "Mukhang tungkol sa babae 'to, ah." Ani ni Kaye sa gilid ko.  Napasinghap ako nang iwinaksi ni Shaun si Criza mula sa pagkakayakap sa kanya at muli na namang sinugod si Sebastian.  "Oh my gosh!" Nagsilapitan kami nila Alonzo at Laurente kay Criza.  "Are you okay?" Bungad kong tanong at inalalayan siyang tumayo.  She's crying. "Shaun, pre. Tama na." Jeremie and Lei is trying to stop Shaun pero sa sobrang lakas ni Shaun, hindi nila kakayanin siya. "She's mine, Sebastian. At kukunin ko siya sa'yo." Shaun sounds so desperate.  "Criza, a-anong nangyayari?" I asked, oblivious of what's really happening.  "T-they're fighting for a girl.." Suminghot si Criza at niyakap ako. "And who's that girl?" I asked as I hugged her back.  Umiling si Criza. "H-hindi ko alam.."  "He don't love me.." She whispered.  Parang bigla akong nanlumo sa narinig. Moments later, kumulo ang dugo ko.  Wala sa sarili kong kinalas ang pagkakayakap ni Criza sa'kin at pumihit patalikod upang puntahan si Shaun. I don't care if he's a mafia heir. How dare him to hurt my cousin?! Slapping her with the fact that he didn't loved her!  "Bitawan mo ako," malamig kong usal sa isang lalaking humawak sa pulso ko.  "Whatever you're trying to do, do it in Manila. Not here." Ani ni Lucas.  Akmang tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak nito nang mas higpitan niya pa ang kapit sa aking pulso at nagsalita.  "Stop it, Amadeo and Castro." Dumagundong ang boses ni Lucas. "Kung ano ang hindi niyo pinagkakasunduan, better settle it in Manila. Not here in my territory."  Napalingon sa pwesto namin si Shaun at Sebastian. Kita ko namang kumalma si Shaun at muling bumaling kay Sebastian dala ang isang masamang tingin. "Hindi pa tayo tapos." He said as he walked out of the scene.  "Criza!" Napalingon naman ako sa grupo ng mga babae nang bigla nalang tumakbo si Criza upang sundan si Shaun.  "No one will follow them." Binitawan ni Lucas ang pulso ko. "Let them settle everything for a while." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD