Chapter 12

2334 Words
Chapter 12 : I don't like it Mataas ang sikat ng araw at naisaayos na rin ang nasirang tulay. We're already on our way back to our destination. "Kompleto na ba lahat? Wala ka ng naiwan?" He asked. Umakto akong nag-iisip at natatarantang humawak sa handle para mabuksan ang pinto. "I left something." "Ano?" Kumunot ang noo nito. "Naiwan ko brief mo." Pilit kong isinupil ang isang ngiti nang makita kung paano sumama ang timpla ng kanyang mukha. The 3 days I spent with him is worth it! After nung nangyaring pag-iyak ko sa kanya ay gumaan na ang loob ko. Magaan na rin ang loob ko sa kanya. Hindi na ako natatakot sa t'wing sinasamaan niya ako ng tingin at kapag mas malamig pa sa yelo ang tinig niya. "It's not a good joke." He rolled his eyes as he start maneuvering the car. Humalakhak ako at tumingin sa kanya. "Can I turn on the stereo?" I asked. Tumango lang ito. I immediately turned on his stereo and The Vamps' song 'somebody to you' blasted. Shiz. My fave song! Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumabay na sa kanta. "Look at me now, I'm falling!" I even pointed myself. "Can't even talk, still smiling.." "Shut up. Binabasag mo eardrums ko." He said kaya sinimangutan ko ito. "Napakaepal." I murmured, enough for him to hear me. Nilipat nito ang station kaya tumahimik na ako. Minsan epal din 'to, e. Sarap sakalin. "Stop murdering me inside your head, Eleazar." He said, not taking his eyes away from the road. "I am not, Amadeo." Pagsusungit ko din dito. It's already nine. Tumawag si Criza kanina para ipaalam na okay na ang lahat. Wala naring mall na madadaanan since medyo bukirin na rin ang nilalakbay namin ngayon. "Woah," I whispered as I saw the blue ocean from below. "Ang ganda.." Gusto ko sanang magrequest na ihinto muna ang sasakyan sa gilid pero hindi nalang. Mukha kasing delikado lalo na't medyo pakurbada ang daanan at paakyat pa kami. "You can take photos later. May dagat naman doon." He said as if he just read my mind. Tumango nalang ako dito at tumingin sa labas ng bintana. "Alam mo, napakaswerte ni Criza sa'yo." Mahinang usal ko habang nanatili parin ang tingin sa labas. "Why?" I heard him. "Kasi kahit napakacold mo sa panlabas, mabait ka naman pala. You care for other person. Ta's nakikinig ka pa sa mga rants lalo na nung naiyak ako sa'yo. Hindi mo ako sinabihan ng madrama. Tapos.." "Tapos ano?" Nilingon ko ito at nginisihan. "Mayaman pa. Pwede nang maging sugar daddy." Napahalakhak ako nang muli na namang sumama ang timpla ng mukha niya. "You really love making fun of me." "Nakapainitin kasi ng ulo. Ang bilis mo mapikon. Nakakatuwang inisin." And I laughed again. Kita kong napailing nalang ito. Hinugot ko naman ang phone ko sa aking bulsa at napasimangot nang walang signal. Maglalaro sana ako ng mobile legends, e. Ano ba 'yan! Itinago ko nalang ang phone sa aking bag at bumaling kay Shaun. "Ano ba mga commonly ginagawa niyo sa medical mission na 'yan." Curious ako, e. "Check up. Then giving relief goods." Tipid na usal nito. Nagtitipid siguro sa laway. I'm starting to feel comfortable whenever he's around. Hindi ako nahihiyang ipakita kung ano ang tunay na nararamdaman ko. "Ahh, kaya pala. Magha-hiking din ba tayo?" I asked in pure excitement. "It's a medical mission, Eleazar. Not a vacation." Pagsusungit nito. Inirapan ko lang ito. "Sungit." Pagpaparinig ko dito. Patuloy pa rin ito sa pagmamaneho. Sa sobrang boredom na nararamdaman ko, muli ko na namang kinuha ang bag ko at inopen ang camera. Binaba ko ang windshield sa tabi ko at pasimpleng kinunan ng litrato ang mga nadaraanan namin. "So the journalism you're talking about is photo journalism?" He suddenly said out of the blue. Nilingon ko ito at tumango. "I love photo-journ. Mahilig ako magbigay ng meaning lalo na sa mga kinukunan ko ng litrato." He nodded his head not even glancing at me. Bumalik naman ako sa pagkukuha ng litrato nang biglang umangat pasara ang windshield. Muli akong bumaling sa kanya dala ang isang masamang tingin. "Why did you closed the window?" He glanced at me. "Delikado." Sa sobrang inis ko, pinindot ko ang video na naisipang pagtripan siya. Tinutok ko sa kanya ang camera. "So guys, pinagmamaneho ako ni Shaun Amadeo. Ang swerte ko di'ba? Bente-singko sentemo ang sweldo niyan." I said as if I am doing a live video. "Stop it, Eleazar." Inis nitong saad. "This is your punishment for closing the window," I said, not even turning the video off. "Punishment?" He chuckled before glancing at my direction. "Then I should punish you for punishing me that way." "Then I should punish you for punishing me that way." I mimic his voice. "Isa," he counted. "Eto na nga, e." Sumimangot ako at pinatay ang pagkakarecord ng video. "Delete that shoot." He commanded. Pasimple kong pinindot ang power button at pinakita sa kanya. "Lowbat na." He rolled his eyes on the road. "Delete it." "Lowbat nga. Bulag ka? Kita mong nag-off 'yung phone, e." Inis kong wika. Kita kong pasimple ako nitong tinignan bago muling nagfocus sa pagmamaneho. Naisahan kita, Amadeo _____ "Angel!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Criza. Sinagot ko naman ito at mahinang natawa. "Are you okay? Wala ka bang galos from the typhoon?" She worriedly asked. Umiling ako. "I'm fine, Criz." Tumingin siya sa likod ko. "Si Shaun? Magkasama kayo di'ba?" I nodded my head. "Nauna siyang bumaba sa'kin. Nakatulog ako sa biyahe. Nasaan sila Stracy at Clyde?" "Angel!" Napalingon ako sa tumawag at si Stracy nga. "Hey." Niyakap ako ni Clyde at ganun din si Stracy. "Kamusta ang biyahe?" Stracy asked. "It's fine." I smiled. "Uhm, guys?" Criza interjected. "Have you seen Shaun?" "Ahh, oo. Nandoon sa mga bata." Sagot ni Clyde. Tumango si Criza at nagpaalam. Mabibilis ang hakbang nito habang papunta sa lugar na kinaroroonan ni Shaun. "I heard you both stayed in a hotel," panimula ni Clyde habang nagsisimula kaming maglakad. "Yeah. But we have separate rooms." I replied. Okay. That was a lie. "Mabuti kung ganoon." Ani ni Stracy. "Queen can't stop talking about him. Kada buka ng bibig ay puro Shaun. Nakakaumay." Mahina akong natawa. "Umay nga. Ganyan din 'yan sa bahay." Tumango si Stracy. "Punta tayo sa mga bata? Hinahanap din nila si Shaun simula nang dumating kami, e. Tapos gusto ka rin nilang makilala." "Talaga?" Excitement rush into me. I love kids! Clyde chuckled. "Calm yourself. Baka mamaya masakal mo mga bata sa sobrang gigil." "Grabe ka naman." Angal ko at natawa. Mula sa pwesto namin, kitang-kita ko ang nakakunot-noong si Sebastian habang kausap si Pio at isang lalaki. He's looking at the stone but I know his mind is somewhere not here while listening to Pio. "Ang tagal mong nakarating." Nakasimangot na salubong ni Kaye at kumawit sa aking braso. "Sinolo mo talaga ng mabuti si Shaun." Mahina ko itong siniko. "Gaga, hindi." Tumawa ito at sumabay sa aming paglalakad. Habang palapit kami sa pwesto nila, doon ko lang napansin si Shaun na nakatayo sa gilid habang may bitbit na bata. Katabi nito si Criza at ang dalawa pang bata. I roam my eyes around. The place is quietly relaxing. Nandito kami sa parang malaforest na lugar pero merong isang malaking bahay na gawa sa kahoy at the same time, semento. Meron ding nakatayong tent at marami ding bahay sa paligid. I saw how the kids settled their eyes on our direction. Kita ko rin kung paano magbulungan ang dalawang batang babae na katabi ni Criza at tumakbo papunta sa'min. "Gina, Nene, mag-ingat kayo sa pagtakbo. Baka madapa kayo." Saway ni Stracy sa mga bata. Nang makalapit ang mga ito sa pwesto namin at ngumiti sa akin ang isa. "Hello po." Bahagya akong yumukod upang mapantayan ang bata. "Hello," "Ang ganda mo po, ate. Ano pong pangalan niyo?" Ani naman ng isa. Mahina akong natawa sa sinabi ng isa. "Ate Angel. Tawagin niyo akong ate Angel." "Hello po, ate Angel. Ang ganda po ng damit niyo." Ngumiti ang isang bata. "Ako po si nene." "Ako rin po si Gina." The little girl smile. Siya 'yung nagsabi sa'kin na maganda. "Hello, Gina at Neme. Ang ganda niyo rin." I smiled. "Gusto niyo 'tong damit ni ate?" I'm wearing a floral blue dress. Medyo lantad pa ang likod ko. It was paired with a black sandals. Nagbihis ako kanina pagkagising ko nang mapansin kong wala si Shaun. "Opo." Nahihinay usal ni Nene. Mahina akong natawa. "Ate will give you one next time." Kita ko na naman ang pagsiko ni Nene kay Gina. "Ano daw sabi ni ate? 'Di ko maintindihan." "Ako rin, e." Bahagya namang kinurot ni Kaye ang tagiliran ko kung kaya't mabilis akong umayos ng tayo. "Huwag ka magsalita ng english dito, girl. Hindi nila masyadong naiintindihan. Hindi sila nakakapag-aral, e." He eyed me head to toe. "Ngayon ko lang rin napansin outift mo. It suits you. Pero may pagkalantad ang dibdib at likod mo." Puna niya. "Oo nga," segunda ni Stracy. "Napansin ko outfit mo kanina pero hindi nalang ako nagsalita. Bagay naman sa'yo, e. Maputi ka naman so it's fine. Gifted din." She said as she eyed my chest. Napailing nalang ako at muling bumaling kina Nene at Gina. Kita kong binuhat ni Kaye si Gina kaya binuhat ko din si Nene. Ang gaan! "Nene," "Po?" She asked. "Kumain ka na ba?" Tanong ko dito. Tumango naman ang bata. "Opo. Minsan lang po kami makakain ng masarap dito. Kapag nakakapunta lang po sila kuya Shaun." Nakaramdam ako ng awa sa bata. "Talaga? Gutom ka ba ngayon?" Umiling ang bata. "Busog po. Pinakain po kami ni tita Kaye." Napatingin naman ako kay Kaye at napansing nagmamalaki ang tingin nito sa'kin. "Pinakain ko sila churvaness." Tumango ako ito at muling bumaling kay Nene. "Nasaan magulang mo?" May itinuro itong bahay na sinundan ko naman ng tingin. There I saw a woman weeping the ground. Napatango naman ako. "Tara lapit tayo kila pres." Anyaya ni Kaye sa amin at naunang maglakad habang bitbit si Gina. Sumunod naman kaming tatlo ni Clyde at Stracy habang karga ko si Nene. "Hi, Angel!" Bati sa'kin ni Pio dahilan upang mag-angat si Seb sa akin ng tingin. I smiled. "Hello." "Ate," bumulong sa'kin si Nene. "Baba ako." I nodded my head and carefully put her down. Pinanood ko ang batang kumaway sa kanyang kamay kasama si Gina at nagtakbo sa kung saan. "Ako lang ba o talagang nakapambabae si Angel?" Pangbubuska sa'kin ni Pio na ikinairap ko. "First time?" I asked. "Oo. First time ka namin makitang nakasuot ng dress. It suits you. Pero what happen to the boyish Angel?" He asked again. "Ewan ko kung sinong naglagay nito sa bag ko. Pero sinuot ko na. Nakakatamad halughugin ang bag ko." Nagkibit-balikat ako. Tumango lang ito. "Sige. Ihahanda ko muna tanghalian niyo. Sabi ni Shaun kanina wala pa kayong kain." "Sige." I smiled. "Angel," napabaling naman ako kay Stracy nang magsalita ito. "Maiwan ka muna namin dito. Maglilibot muna kami." I nodded my head. Nagpaalam din si Kaye so ang ending, kami nalang ni Sebastian ang magkasama. He gestured the way and we both walked. "Your dress fits you." "Thank you." Nakangiti kong wika. "Kamusta nag biyahe?" Himala hindi nagyeyelo ang isang 'to? "Mabuti naman." I shrugged. "Naabutan ng bagyo sa daan pero nakaraos din." I chuckled. "Nothing bad happened?" Paninigurado nito. Tinignan ko ito at nginitian. "None. We're safe and sound." He nodded his head. Napahinto naman kami sa paglalakad nang may batang humarang sa daanan namin. "Kuya, karga." Ani ng batang lalaki. I saw how Sebastian smiled and carried the kid. Tumingin naman sa'kin ang bata na may pagtataka. "Kuya, sino?" The kid pointed me. "That's ate Angel." Pakilala nito sa'kin. "Hello!" I smiled as I pinched his cheeks lighty. "Ilang taon ka na?" Tumingin ito sa kanyang kamay at pinakita sa'kin ang apat na daliri at nagsalita. "Three." I chuckled before holding the child's hand. "Ganyan. 'Yan ang three." Tumingin naman ang bata sa kanyang kamay na ikinangiti ko. How adorable. "You want to carry Xian?" Sebastian asked. Tumango ako dito at nasasabik na kinuha si Xian sa bisig ni Sebastian. He leaned on to transfer the child carefully on my arms. "Sebastian." Saad ng isang malamig na boses sa aming harapan. Nang tuluyan nang mailipat ni Sebastian sa akin ang bata ay saka niya lang sinagot si Shaun. "Oh? May kailangan ka?" "Ate danda." Wika ng bata. I kissed his cheeks soundly. "Ate Angel." "Angel." Xian said. Napangiti naman ako bago bumaling sa dalawang taong kaharap namin. It was Shaun together with Criza. I saw how Shaun eyed me. "You changed?" Tumango ako at pinasadahan ng tingin ang sarili. "Mainit, e." "Gladly you wore the dress I bought for you." Sambit ni Criza habang nakangiting nakatitig sa'kin. "So ikaw pala naglagay?" Pakunwaring pagtataray ko. "Bagay naman sa'yo, e." She laughed. Mahina akong natawa bago inayos ang pagkakakarga sa bata. Pinaglaruan naman nito ang buhok kong hanggang baywang. "Angel, Shaun!" Someone called our names. And it was Pio. "Halikayo sa loob. Kumain muna kayo." "Sige." I nodded my head. Bumaling naman si Pio kay Criza at Sebastian. "Hinahanap kayo ng kapitan ng baranggay. Tara." I saw how Sebastian nodded his head. Si Criza naman ay sumimangot. "Saglit lang 'to, babe." She kissed Shaun infront of us dahilan upang takpan ko ang mata ng batang karga ko. "Criza!" Pinandilatan ko ng mata si Criza. "Manners! Nasa harapan tayo ng bata." Tumawa lang si Criza at pabirong inirapan ako. "Walang jowa." "Aba't--" "You should eat." Putol ni Sebastian. "Take Xian inside with you. Eatwell." Tumango lang ako bago naglakad papunta sa malaking bahay. Ito yata 'yung sinabi ni Criza na mansiyon. Pinaglalaruan pa rin ni Xian ang buhok ko. Minsan humahagikhik ang bata sa tuwing humahangin at tumatama ito sa kanya. Naramdaman ko namang tumabi sa'kin si Shaun at nagsalita. "Change your dress. I don't like it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD