Chapter 9 : Cousins
Napasimangot ako nang muli na namang tusukin ng tinidor ni Clyde ang broccoli na nasa pinggan ko. Kanina pa 'to, ah.
"Isang tusok pa ng broccoli, tatamaan ka sa'kin." Sinamaan ko si Clyde ng tingin na ikinatawa niya.
We're having a lunch together. Magkatabi kami ni Criza at Alonzo while Stracy is beside Clyde and Laurente. Magkaharap lang kami ni Clyde kaya madali lang sa kanyang abutin ang plato ko at magnakaw ng pagkain.
"Ang init 'ata ng dugo ko ngayon, ah? May dalaw ka?" Natatawang tanong nito.
"Hindi," si Alonzo ang sumagot. "Umiinit siguro kakaisip kung bakit full pack ang locker niyang mga chocolates at candies. May mga letters pa. Dinaig pa si queen, e."
Muli na naman ako napasimangot. I'm acting childish lately, argh! "Nakakainis. Nagmamadali ako kahapon kasi malelate nako sa subject ko, tinambakan pa libro ko. Tang ina."
Nagtawanan sila sa table ngunit bigla nalang silang natahimik nang may isang grupo ng mga kalalakihan ang lumapit.
"Hi! Pwede makishare?" Nakangiting ani ng lalaking sa pagkakatanda ko, siya 'yung kasama ni Shaun nang sinundo ako. 'Yung may piercing sa ilong.
Infairness, ang gwapo niya pala.
"Sure," ngiti-ngiting sagot ni Criza at iminuwesta ang upuan. "Kaso isa nalang ang bakante."
"No probs." Sambit ng lalaki at hindi na ako nagulat nang maghila sila ng isang mesa at apat na upuan.
Apat silang kasama ni Shaun. Shaun was silent. Then the text message I received last night popped inside my head.
Is he the one who sent it?
"Hoy, y-wa. 'Yung broccoli ko." Angal ko nang hindi ko mamalayang tinusok na naman ni Clyde ang nag-iisang broccoli sa pinggan ko at walang habas na kinain. Sungalngalin ko bibig nito, e.
"Bakit ka ba kasi tulala? Nung linggo ka pa, ah." Puna nito at uminom ng tubig.
Napabaling ang tingin ko sa apat na taong nakapwesto sa bagong hilang mesa. Tumabi si Shaun kay Criza. And yes, napapagitnaan kami ni Criza.
"Hi, Angel!" Kumaway 'yung lalaking may piercing sa ilong. "I didn't got the chance to introduce myself last time. I'm Lei Sparks."
Ngumiti ako dito nang mapansin kong sa akin ito nakatingin. "Hello, Lei. I'm Angel Eleazar."
Hindi naman masyadong malayo ang pwesto namin kung kaya't nagkamayan kami. I smiled after the shake hands. Lei also smiled showing his dimples.
Ang gwapo talaga..
He has this two cute dimples at the each side of his cheeks. Chinito eyes na kung ngingiti, parang mawawala na ang mga mata. Bumagay din sa kanya ang buhok nitong blonde.
Tumikhim naman ang isa, he's the guy who waved his hands before Amadeo carried me. "Hi, Angel. I'm Jeremie Sanchez."
Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaki. "Sanchez?" Tumingin naman ako kay Clyde na busy sa pagkain. "Magkaano-ano kayo?"
"We're not related," Sanchez chuckled, well I'm pertaining to Jeremie; the guy with a reddish hair. "Magkaapilyedo lang."
Napatango ako at pinasadahan ng tingin ang lalaking nagngangalang Jeremie. May halong pula ang buhok nito. Hindi siya chinito kagaya ni Lei ngunit mahahalata mong half ito dahil sa accent ng pananalita.
Napasimangot ako nang magring ang alam clock ng phone ko. Time to go.
"Mauuna na ako sainyo. Pupunta pa akong locker." I said.
"Ingat ka." Ani ni Criza at nginitian ako.
I just nod my head before making my way out of the cafeteria. Sumasakit ang puson ko. Baka bukas magkakaroon ako.
Nagtataka ako sa mga tingin binibigay sa akin ng mga lalaking nadaraanan ko. My forehead creased in confusion but I remained quite.
Nang makarating ako sa locker area namin ay agad ko itong inunlock. Umiinit ang ulo ko nang meron na namang mga chocolates at may rosas pa. 'Yung libro ko natatabunan.
"Punyeta. Balak siguro nilang sirain ngipin ko." Naiinis na bulong ko.
Tinabi ko ang mga chocolates at kinuha ang kailangan ko. I still have 30mins para sa next class ko. Napabuga ako ng hangin sa isiping dalawang palapag na naman ang aakyatin ko. Ayaw nilang ipagamit ang elevator, e. Ang damot.
I turned around and was about to walk again when an arms slide through my frame. Nagbaba ako ng tingin dito at napansing may pinulupot ito sa'kin.
"Don't move." I heard a very familiar voice whispered calmly.
Nang matapos na niyang maitali ang jacket sa aking beywang, agad akong lumayo dito at hinarap siya ng may pagtataka habang hawak ang jacket na nasa baywang ko.
"Para sa'n 'to?" I asked.
Napasinghap ako at napahigpit ang kapit sa aking dalang libro nang hinila nito ang aking braso.
He leaned on and whispered. "May tagos ka."
Napaawang ang bibig ko sa narinig. "A-ano?"
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinawakan nito ang balikat ko at pinihit ako patalikod sa kanya.
"Walk," he commanded.
Napalunok naman ako at nagsimulang maglakad habang yakap-yakap ang libro.
"S-sa'n mo'ko dadalhin?" Mahinang usal ko.
"Comfort room. You need to change."
Napalunok ako sa paraan ng pananalita nito ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad. I saw some students looking at us. Marahil ay nagtataka kung bakit hawak ni Amadeo ang balikat ko.
Ganun lang kami ni Amadeo hanggang sa makarating kami sa isang banyo.
Hinarap ko kaagad ito at naiilang na ngumiti.
"S-salamat.." Napayuko ako at kinamot ang aking batok. Nakakailang.
"Am I making you uncomfortable?" Tanong nito sa malamyos at mahinang tono.
I gulped once again. "H-hind--"
"Tell me the truth," napaigtad ako nang haplosin niya ang aking pisngi.
I unconsciously stepped back at yumuko. "Oo."
Narinig ko ang paghugot nito ng na hininga. "Please, don't be."
Mariin kong pinikit ang aking mga mata bago ako nag-angat ng tingin sa kanya at ngumiti.
"O-okay na ako dito, Amadeo."
Nangunot ang noo nito. "Amadeo?"
Nakagat ko ang aking ibabang labi at napahigpit ang hawak sa libro. "T-that's your surname, right?"
His green eyes looked into me. Mataman ako nitong tinitignan at para bang may tinatantiya sa isipan. "Just call me Shaun. Calling me Amadeo feels like you're calling my whole family."
Napaiwas ako ng tingin. "O-okay, Shaun."
"Good." Tumango ito. "Aren't you going to change?"
Muli na naman akong yumuko. "Wala akong dalang pamalit."
"Okay," napaangat ang tingin ko dito nang magsalita ito. "Stay here and wait for me."
Wala sa sarili akong napatango at pinanood siyang naglakad palayo hanggang sa mawala sa paningin ko.
Ano daw? Bakit ko naman siya iintayin?
Kasi wala kang dalang pamalit. Ani ng isang munting tinig sa'king isipan.
Just what the heck?!
Hindi nalang ako nagsalita pa at pumasok nalang ng banyo. Binaba ko ang libro sa gilid ng sink at pinatong dito ang bag ko.
Naghalungkat ako sa'king bag, baka sakaling may extra akong dala. But I found none.
Napasimangot ako at dumapo ang paningin sa jacket na nakapulupot sa'king baywang. Inalis ko ito sa pagkakatali at tumalikod sa sink, only to see kung gaano karami ang tumagos sa'kin.
"Fvck," I murmured and tied the jacket back.
Just by the thought na nakita 'yun ni Shaun, parang gusto ko nang matago sa lupa at 'wag nang magpakita pa.
I looked at my wristwatch. Matagal pa ba si Amade-- Shaun? Kanina pa ako dito. Nakakabagot na.
Napaigtad ako sa gulat nang may kumatok sa pinto. I opened it and saw Shaun holding a plastic bag.
"Here. Bilisan mo. May pupuntahan tayo."
Magtatanong pa sana ako ngunit hindi ko nalang itinuloy. I took a deep breath and smile before accepting the plastic bag.
"S-salamat."
He just nodded.
Muli kong sinarado ang pinto at kinalkal ang laman ng plastic bag.
Mahina akong natawa nang may makita akong isang dosena ng panty at tatlong pack ng klase-klaseng tampoons. Magkaiba ang brand?
Did he bought this?
Okay that was a dumb question. Halata namang siya ang bumili, tinatanong pa.
Napatingin naman ako sa isang dark blue jeans at isang white oversized shirt. My taste.
____
"Seryoso? Kasama kami?" Sabik na wika ni Laurente.
"Yes. AU always do this every year. The next day, may medical mission kami sa isang lugar na hindi naabutan ng tulong." Ani ni Castro.
"Me, together with Sebastian and the ssg councils will come over. Sasama rin ang mga kaibigan ni Shaun. At kayo." Wika ng vice president.
Kinurot naman ako ni Criza sa tagiliran sa sobrang excitement.
Who's Sebastian?
"Seb," bumaling ang VP kay Castro. "Mauuna na ako. May exam pa ako."
Castro nodded. So siya si Sebastian? "Dismiss."
Pawang nakangiti ang apat habang palabas ng guidance office. Kita ko namang nakapulupot ang braso ni Criza kay Shaun.
Akmang lalabas na sana ako ng pinto nang tawagin ni Castro ang pangalan ko.
"Yes, pres?" I replied.
"Why are you not wearing your uniform?" Kunot-noong tanong nito.
Napaiwas ako ng tingin. "Something happpened."
"Hindi bumagay sa suot mong school shoes." Pamimintas nito.
"Alam ko, hindi mo na kailangan pang mamintas." Inirapan ko ito.
Tumayo ito at nakapamulsang naglakad palapit sa pwesto ko. "I didn't introduced myself formally."
"Ano?"
He extended his hands. "I'm Sebastian Castro. Business Management student. And the Supreme Council president. It's very nice meeting you, Angel Eleazar."
______
"Ang gwapo talaga ni pres." Alonzo said dreamingly as she eats her nova.
"Sinabi mo ba. Ang cool niya nga kanina habang nagsasalita." Gatong naman ni Laurente.
"Pero mas hot si Shaun. Ang swerte na ni queen sa kanya." Said by Alonzo.
"Ang iingay ng bibig niyo." Ani ni Stracy.
Umingos si Alonzo. "Palibahasa kasi, nakakubit na. Si Clyde pa talaga na parte sa top 10 ng school."
Napairap ako. "Could you please try to shut your mouth up? Nanonood ako."
"Oh, Angel. Nanliligaw ba si pres sa'yo?" Ngumisi si Alonzo habang nakatingin sa'kin. "Sabi ni queen nung nagdaan na hinatiran ka daw dito ng pagkain."
I raised my eyebrow. "Is it a big deal?"
"Big deal 'yun!" Umayos ito ng upo. "The president just cooked a food for you. Imagine pinagluto ka ng presidente ng paaralan na pinsan ng may-ari."
Nangunot ang noo ko at biglang namuo ang kuryosidad sa katawan ko. "Pinagluto? He cooked that?"
Tumango si Alonzo. "Sabi kasi ni Pio, e."
Magkakilala sila ni Pio?
Gusto ko sana 'yang itanong pero may tanong pa ako na nais niyang masagot. "Anong pinsan ng may-ari?"
"Hindi mo alam?" Sabay na tanong ni Alonzo at Laurete samantalang si Stracy ay tahimik lang habang pumapapak ng pop corn at nonood sa tv.
"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.
Kita kong napafacepalm si Alonzo. "Sebastian Castro at Shaun Amadeo are cousins!"