Chapter 10 : Sleepwell
"Ba't konti lang dala mo?" Takang tanong ni Stracy nang makababa ako ng sala dala ang bag kong kulay black.
"Bakit? Three days lang naman tayo du'n, ah?" Taas-kilay kong balik-tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Tara na. Nauna na sila queen, Jillian at Kirstin. Sinundo sila ni Shaun, e. Nasa entrance daw sila ng university maghihintay."
Tumango ako at tumingi sa aking pambisig na relo. It's still 6 in the morning. Sabi kasi ni Cas-- Sebastian na malayo ang pupuntahan namin. Halos isang araw ang biyahe kaya maaga kaming lilisan sa school.
Sa totoo lang inaantok pa ako. Pero wala akong magagawa. At saka, nasasabik narin ako sa kung ano ang madadatnan namin du'n. My former school doesn't have this kind of tradition.
I can't hide my excitement as I saw Kaye waiting for us outside while eating his lollipop.
Hindi ko maiwasang matawa nang kumumot ang noo nito habang tinitignan ako.
"Ba't ganyan ang suot mo?" He asked as he went near us. Kinuha niya ang bag sa'kin at isinukbit sa kanyang balikat.
"What's wrong with my outfit?" Taas kilay kong tanong.
Well, I'm wearing an oversized white tshirt printed with adidas and a dark blue jeans paired with black converse shoes na may white linings sa gilid. Nakabun din ang buhok ko. Criza did it kaya hindi messy.
"Nothing." Nagkibit balikat ito at tumingin kay Stracy sa likod ko. "Sumakay na kayo."
I nodded my head as I opened the passenger's door. Nagtungo naman si Stracy sa likod at doon sumakay sa backseat.
"I badly want to bring my car." Nakasimangot na tugon ni Kaye at pinausad ang sasakyan.
"Why not?" Takang tanong ko habang naglalaro sa aking cellphone.
"Gagi ka ba? Ano? Dadalhin ko 'tong mercedes sa bukid? Gosh, girl. Okay ka lang?" Tinarayan na naman po niya ako.
Mahina akong natawa at hindi nalang sumagot. Si Stracy naman ay tahimik lang at busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone nang matignan ko ito sa rearview mirror. Maybe she's texting Clyde.
"Nga pala, Gel." Napabaling ako kay Kaye nang magsalita ito. "Kanino ka sasabay? Sa van o kay Shaun?"
Napataas ang kilay ko dito. "Hibang ka ba? Of course sa van ako sasakay. Paano mo nasabing kay Shaun?"
"What? Akala ko boyfriend mo siya? Sinundo ka niya sa school--hmp.." Hindi na nito natuloy pa ano mang sasabihin nang takipan ko ang bibig nito.
"You're spitting too much information." I said.
"Come on, Gel." Napalingon ako kay Stracy. "Napapansin ko narin mga galawan ni Shaun. You can't hide it."
Napairap ako sa binitawan ang bibig ni Kaye. One thing I like that's why I befriend Stracy. She's observant. Pero nakakainis din minsan.
"What do you mean?" I asked her.
"Nothing. Observant ka sana kaso manhid lang."
Nangunot ang noo ko at balak ko pa sana magtanong nang ianunsiyo ni Kaye na nakarating na kami. Humikab ako at ininat ang aking mga braso.
"Ako na magdadala sa bag mo. Hintayin mo ako." Ani ni Kaye at halos sabay sila ni Stracy na lumabas.
Sinalubong naman siya ni Clyde at kinuha ang bag na dala. Kasama yata ang damuhong 'to.
Mula dito, kita ko naman sila Alonzo at Laurente na busy sa pag-uusap. Habang si Criza naman ay katabing nakatayo si Shaun. Her hands were wrapped around his waist while Shaun is looking at the car where I am in.
Binuksan ni Kaye ang pinto sa gilid ko at kinuha ang bag kong nasa aking kandungan. Muli niya itong sinukbit sa kanyang balikat at inakay ako palabas ng sasakyan.
"Thank you," I whispered.
Tumango lang ito at kinawit ang braso niya sa'kin. "You're pretty. Palit tayo katawan?"
Mahina akong natawa dito. "Baliw."
Nang tuluyan na kaming makalapit sa kanila. Tumango naman si Sebastian at nagsalita.
"Angel will be coming with me to buy some snacks." Ani ni Castro. Mahaba ang Sebastian, e.
"What?" Nagsalita si Shaun. "Who will be with them inside the van?" Kunot-noong sambit niya.
"Ssg councils." Castro replied. "Let's go." Kinuha nito ang bag kong bitbit ni Kaye.
Hindi na ako nakaangal pa nang hinila nito ang braso ko at dinala ako palapit sa isang kulay blue na hilux. Napairap ako nang buksan nito ang pinto sa gilid ng passenger's seat.
"Pasok," he commanded.
"Hindi ba pwedeng iba nalang ang isama mo? Gusto ko sa van."
"Makikipagsisikan ka du'n?" Kumunot ang noo nito which earned a roll eyes from me.
"I'd rather stay there."
Magsasalita pa sana ito nang may tumawag sa kanyang phone. "Hello? Yes.. Hindi pwede.. Fvck. Okay, fine!"
Napataas ang kilay ko. Galit ba 'to?
"What now?" Bagot kong saad.
"You'll buy some snacks with Shaun. Kailangan kong mauna doon." He said.
"Ano?" My forehead creased. "Bakit si Shaun? Hindi ba pwedeng si Criza nalang--"
"Criza will be assisting the girls. Inatasan ko na siya sa gagawin niya. Mag sasakyan din si Shaun kaya siya ang sasama--"
"I'll be assisting the girls." I volunteered. Fvck, hindi ba niya makuha na ayaw kong makasama si Shaun Amadeo?!
"No." Napalingon ako sa nagsalita. "Give me her bag and let's go."
Tumango si Sebastian at ibinigay kay Shaun ang bag ko. I hopelessly settled my stare towards Castro. If stare could kill, siguro patay na si Castro ngayon.
"Don't feel awkward when I'm around." He said as he turned his back.
"Amadeo," namayani ang malamig na tinig ni Sebastian. "Take care of her."
I heard Shaun 'tsked'. "You don't need to tell. I will always protect her in all cost. My Queen." He whispered the last two words.
Ano daw?
____
"Sigurado ka bang matutuloy ang medical mission niyo? Parang masungit ang panahon, e." I said as I look outside of the car.
Totoo naman, e. Kung kanina napakatirik ng araw, ngayon naman parang nagsusungit. Madilim ang kalangitan na para bang iiyak ano mang oras.
"Ang ingay mo." Mahinang usal nito habang seryosong nagmamaneho.
Napatingin ako dito at tinaasan siya ng kilay. "Kanina pa tayo nagbabyahe. Malayo pa ba?"
Naunang naglakbay ang van nila Criza habang ang sasakyan naman ni Castro ay mabilis ang pagpapatakbo. So ang ending, kami ang nahuhuli ni Shaun. Dumaan pa kami sa mall at dalawang drive thru. Nagutom ako, e.
"Malayo pa." He said.
Muli akong napatingin sa labas at tama nga ako. Tuluyan na ngang umiyak ang langit. Sinabayan pa ito ng kidlat na ikinagulat ko. Fvck, I'm afraid of lightning.
Wala sa sarili akong napahawak sa braso ni Shaun nang muli na namang gumuhit ang kidlat sa maitim na langit.
"Fvck," I murmured as I closed my eyes and took a deep breath.
Napadilat din ako kaagad nang kunin ni Shaun ang kamay kong hawak ang braso niya. All I thought is that he will push my hands away. Pero hindi.
Instead, he used his right hand to hold mine. Nakahawak naman siya sa controller habang hawak ang kamay ko.
"Afraid of lightnings?" He asked, not even taking a glance of me.
Wala sa sarili akong tumango at napahigpit ang kapit sa kamay niya nang muli na namang kumidlat.
"Turn on the radio," he said in a low voice.
Gamit ang malaya kong kamay, binuksan ko ang sterio ng kanyang sasakyan. The voice of a reporter blasted throughout of the car.
'Pag-uulit ko lang po, manatili po tayo sa loob ng bahay. Maghanda ng flashlight baka sakaling magbrown out ang iilang baranggay. Manatiling ligtas mga--'
"Fvck," halos sabay naming usal ni Shaun.
Siya ay dahil sa balita, habang ako ay dahil sa kidlat. Puny-ta.
"W-wala bang malapit na hotel dito? Palipas lang tayo ng isang gabi? Mukhang delikado, e." Nanginginig ang mga kamay kong wika.
I can feel him tighten the hold of my hands. "Okay,"
Natahimik ang buong sasakyan at tanging ang tinig nalang mula sa sasakyang ang naririnig. It was said that the bridge connected to place of our destination was broken. Nag-aalala ako para kay Criza.
"There." Binitawan ni Shaun ang kamay ko at iniliko sa isang entrance ang sasakyan. Nagulat pa ako nang nangapa ang kamay nito sa kandungan ko.
"W-what--"
"You hand," he said as he opened his palm.
Kunot-noo kong pinatong ang kamay ko dito at napasinghap nang paglingkisin nito ang kamay namin. The warmth from his hand is giving me the assurance that I'll be fine.
How is that even possible?
"Wait for me inside. Dalhin mo mga gamit natin. I'll just park this car." He commanded. Bossy amp-ta.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango at kinuha ang iilang gamit at bag. Akmang kukunin ko na sana ang bag niya nang pigilan niya ako.
"Go on." He said.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintong nasa tabi ko. Mabilis ang mga paa kong tumakbo papasok sa entrance ng hotel. Hindi namin alam kung anong pangalan ng hotel na'to. Basta ang importante may matutuluyan kami.
"Hello, ma'am." Bati ng isang babae sa front desk.
"Hi. Uhm, I'll get two rooms." I smiled.
Tumingin ito sa kanyang handbook at nag-angat ng tingin sa akin. "We only have one room left, ma'am. Napuno na po kasi dahil sa mga naabutan ng bagyo sa labas."
"Bagyo?" May bagyo? Hindi na sila nanonood ng tv at tinuloy pa ang pagpunta dito?
"Yes po." She nodded her head. "Three days pa po bago magland fall ang bagyo, pero ngayon pa lang malakas na ang bugso ng ulan."
"Ahh," sheyt self. Nakakahiya ka.
"Would you take the last room left, ma'am?" Nakangiti nitong tanong.
"Uhm, wala na ba--"
"Sure, we'll take it." Napalingon ako sa likod ko nang may magsalita.
And it was Shaun. Busy ito sa paggulo ng buhok niyang basa. Tumutulo pa ang tubig sa sintido niya patungo sa kanyang leeg. Medyo nabasa pa ang damit nitong kulay maroon at ang suot niyang khaki shorts. He looks..hot
Napatingin ako sa harap nang marinig ko ang impit na tili ng babae. Tumikhim ako at pilit na ngumiti.
"Sure, we'll take it." I smiled.
Hindi na ako nagulat pa nang kunin ni Shaun sa akin ang bag ko.
"Magjowa po kayo, ma'am, sir?" Pang-uusisa ng babae ulit.
Umiling ako. "No. But he's in a relationship with my cousin."
Tumango ang babae. "Sayang. Mas bagay pa naman kayo."
Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik din naman si Shaun sa gilid ko. Napabuntong hininga ako.
"Here's the key, ma'am." May inabot itong susi at meron din lumapit na bell boy.
"This way, ma'am."
_____
Humikab ako habang nagpapatuyo ng buhok. May blower naman dito, e. Nagkausap na rin kami ni Shaun na sa lapag siya matutulog. Of course, sipain ko siya kapag ayaw niya.
Hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan. Walang humpay rin ang pagkulog at pagkidlat. Minsan napapaigtad ako sa gulat kaya minabuti ko nang isarado ang mga bintana at ang pinto papuntang terrace.
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang magring ang phone ko. And it was Criza.
"Hello?"
"Gosh, Angel! Nasaan kayo? Are you safe? Si Shaun?" Sunod nitong tanong.
I bit my lower lip before responding. "We're in a hotel, Criz. And yes, safe kami. Si Shaun naman.." Should I tell her he's in the shower? Pero baka iba ang iisipin niya.
"Si Shaun ano?" She raised her voice. Maybe dahil sa lakas ng ulan para marinig niya ako.
Tumikhim ako. "He's on his room. Magkaiba ang kwarto namin. How about you? Are you all safe?"
"Yes. Safe naman kami. Actually pinatuloy kami dito sa mansiyon. Mahina ang signal dito. Kayo nalang ang kulang. I'll call you back tomorrow. Take care, Angel. Pakisabi din kay Shaun na mahal ko siya."
"Sure." I replied just as when the line went dead.
"Magkaiba ng room?" Napaigtad ako sa isang baritonong boses na nagsalita.
Nilingon ko at mabilis ko rin binawi ang aking tingin. "G-get dressed."
I heard him chuckled and it's giving me goosebumps. Fvck. "You haven't seen this anyone--"
"Of course, I have seen one. Get dressed now." Nakatalikod kong sambit.
Hindi na ito nagsalita pa. Moments later, I heard him talked.
"Face me now."
Dahan-dahan akong humarap dito. Lumuwag agad ang paghinga ko nang makinang nakadamit na ito at nakasuot ng isang jersy shorts.
"Uhm, bakit?" I tried to sound natural pero ayaw yatang makisama ng boses ko.
Umupo ito sa kama habang nagpupunas sa kanyang basang buhok. "Bakit ka nagsinungaling kay Criza na magkaiba tayo ng kwarto?"
Umiwas ako dito ng tingin at bumuntong hininga. "Baka iba ang isipin niya--"
"Bakit naman mag-iiba ang--"
"Ano pa nga ba ang iisipin niya kapag nalaman niyang nasa iisang kwarto tayo?" I cut him. I'm frustrated, dmn it!
"Chill," natatawa nitong sambit.
Okay? Did he just laughed?
"I-inaantok na ako." Umiwas muli ako ng tingin.
"Okay. I need to dry my hair first." Nagpatuloy ito sa pagpupunas ng kanyang buhok.
Tumango ako at umayos sa aking kinauupuan. I took a deep breath as I laid down on the bed. Agad akong nagtalukbong ng kumot at pinikit ang aking mga mata.
"Do you have a close relationship with your cousin?" He asked. Malamyos ang boses nito. Kakaiba sa tono ng boses niya kanina habang kausap si Sebastian. Should I call him Seb? Ang haba masyado ng Sebastian.
"Yes," napangiti ako nang maalala si Criza.
"Did you imagine yourself falling inlove with a guy she loves?" He suddenly asked.
Wala sa sarili akong napabangon at napatingin sa kanya. Nakasabit ang tuwalya nito sa balikat. His shirt emphasized his torso. So lean and by the looks of it, parang matigas.
Why am I describing him anyway?
"Are you telling me to imagine myself falling inlove with you?" I asked. Napahalakhak ako. "Joker ka rin minsan, Shaun."
Hindi ito nagsalita. Sa halip, tumayo ito. Hindi ako umimik at hinihintay ang susunod niyang gagawin.
Napasinghap ako nang itulak ako nito pahiga sa kama. "What the hell--"
"Sleep," siya na mismo ang nagkumot sa'kin. "Goodnight."
At hindi na ako nakaangal pa nang idampi niya kanyang labi sa aking noo.
"Sleepwell, baby."