Chapter 19
Kasalukuyan akong nag-e-empake sa aking mga gamit dito sa loob ng akin silid habang si Shaun ay nasa kama at naglalaro ng mobile legends.
Today is the 3rd month of being an exchange student. Tapos na. Babalik na kami sa aming paaralan. Si Criza ay pinauna na nila ate Sunshine.
We never got the chance to talk. Sa tuwing nagkakasalubong kami ay sinasamaan niya ako ng tingin. I also transferred to Shaun's dorm. Pinayagan kami ni dean Kevin Amadeo matapos nitong malaman ang nangyari at matapos niyang malaman na malapit na kaming ikakasal ni Shaun.
Natigilan ako sa pagpapasok ng mga damit sa aking maleta nang hawakan ni Shaun ang braso ko.
"Bakit?" Nagtataka ko itong tinignan.
Umiling lang ito at hinila ako paupo sa kama. He held my hands and gripped it gently. "Stop taking a deep breath and tell me what's bothering you."
Umiling lang ako at humilig sa dibdib niya. He immediately encircled his arms around me and pulled me closer.
Sa loob ng ilang linggong pananatili sa dormitoryo ni Shaun, masasabi kong komportable na akong sa presensiya nito. Sometimes we make out. Sometimes we make love.
Is it called make love? Kung gayong ako lang naman ang nagmamahal?
I took another deep breathe.
Inaamin ko nang tuluyan na nga akong nahulog kay Amadeo. Who wouldn't? When he's very gentle towards me? Protective and always shows smile soft smile.
"Tell me what's bothering you. I hate your silence." He murmured as he tightened his embrace.I heaved another deep breath again. "Still thinking about Criza."
"You should take care always from her, baby. Baka may gawin naman siyang bagay at saktan ka."So tell me who wouldn't fall? "It's fine."
"It's not." I feel him kissed my hair. "Ihahatid kita sa school niyo."
Hindi na ako umangal pa at tumango na. Wala nama ako magagawa kung hihindi ako sa sasabihin niya. "Okay."
"Let's go? Baka malate ka pa." He said.
Tumango ako at tinulungan niya akong bumangon. He also helped me to finish packing everything.
"Papasok ka pa ba sa loob ng school?"
Pinaningkitan ako nito ng mga mata. "Of course, I will. Ayaw mo akong papasukin?"
Inirapan ko nalang ito at isinarado ang maletang nasa harap ko.
Minsan napakachildish din nito, e.
_____
"Uhm.." Napakamot ako sa aking batok at napatingin kay Shaun. "Dito ka nalang."
"May tinatago ka ba sa loob?" He asked, raising his right brow.
"Of course, there's not! I mean.. Pagkakaguluhan ka sa loob--" he cut me again by sealing my lips with his.
"I don't care. Let's go." Siya na mismo ang humawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa entrance ng school.
I bit my lip as we entered the school. Boys aren't allowed here. Pero alam na ni ate Sunshine na sasama si Shaun sa loob. Knowing Shaun. He don't accept a word no.
At tama nga ako.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa school ay agad kaming pinagtitinginan ng mga estudyante. I bit my lower lip to hide my embarrassment as I saw them looking at our intertwined hands.
Palihim ko ring pinasadahan ng tingin ang aking sarili. I'm wearing a white pants paired with a black sleeveless. Pinilit naman ako si Shaun kanina na magsuot ng denim jacket.
'Siya 'yung pinsan ni Queen, 'di ba?'
'Grabe! Naging exhange student lang nakabingwit na.'
'Ang gwapo!'
'Kapag sila naghiwalay, talagang aakitin ko 'yan.'
Napaismid ako sa sinabi ng huli. Aakitin? Weh? Talaga?
"What's the matter?" Takang tanong ni Shaun habang n
aglalakad kami sa hallway.
"Wala." Tipid kong sagot dito.
Ganun pa rin hanggang sa hallway. Puro bulungan. 'Di ko alam kung bulungan ba talaga o pagpaparinig. Kasi kahit malayo ako, rinig ko pa rin sila, e.
Napasinghap ako nang bitawan niya ang aking kamay ay hinapit ang beywang ko palapit sa katawan niya.
"My baby's jealous. Hmm?"
Inirapan ko ito. "Bakit naman ako magseselos?"
He chuckled. Rinig ko ang mahinang tilian ng mga kababaihan. "Right. Bakit ka naman magseselos? When I am yours in the first place?"
Pilit kong sinusupil ang ngiti sa aking labi. "Baliw."
"Crazy for you." He whispered as he kissed my hair.
Hindi nalang ako umimik pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad sa kabila ng bulungan na naririnig ko.
As we entered ate Sunshine's office, bumungad sa'min si Tita Crizelda.
"You're here." Bumakas ang tuwa sa mukha nito at nilapitan ako.
"Tita," I chanted. Alam na kaya niya ang nangyari sa amin ni Criza?
Bumeso ito sa akin at ngumiti. "I'm formally inviting you to have a dinner at me house tonight, hija."
"She won't come." Shaun interjected. "I hope you're already aware about what happened between them inside my school."
Kita ko kung paano bumagsak ang mga balikat ni Tita Crizelda. "Okay. Maybe next time, Angel. But good to see you again."
Para akong naguilty sa sinabi ni Shaun. Tita Crizelda is a very kind person to me. Siya ang minsang nagbabantay sa'kin kapag wala si mom o 'di kaya may iba pang gagawin ang yaya ko.Pumihit ako paharap dito nang malapit na siya sa pinto. "Sure, tita. It's my pleasure. What time po?"
"What?!" Rinig kong mahinang usal ni Shaun kaya mahina ko itong siniko sa gilid."Really, hija?" Bumalik ang kasiyahan sa mukha nito. "Punta ka sa bahay mamaya. Hihintayin ka namin. Be there at seven pm."
Ngumiti ako dito at tumango. "Yes, Tita."
"Sige, aalis na ako." She smiled once again before walking out of the room.
"Sasama ako mamaya sa'yo."
"Ipapaalam ko 'yan kay Lolo."
Nagulat ako sa sabayan nilang pagbigkas. Napapantastikuhan kong tinignan si Shaun."Really, Shaun? Sasama ka? Ako lang inimbitahan, e." Pagtataray ko dito at bumaling kay Ate. "At, Ate. Bakit kailangan 'yung malaman ni Lolo?"
Nagkibit-balikat si Ate. "Lolo already prohibited Criza to come near you. Tapos iimbitahan ka pa ni tita Crizel. So Lolo needs to know about this."
"Pero--"
"Sunshine is right." Napalingon naman ako kay Shaun na nasa tabi ko. "Grandpa should know that."
I crossed my arms along my chest and keep switching my glares towards my cousin and Shaun. "Pinagtutulungan niyo ba ako?"
Ngumiti lang si Shaun at muli na naman akong hinapit palapit sa kanya. "We're just thinking about your safety, baby."
"Cringe." Angal ni ate dahilan upang lingunin namin ito.
"'Wag mo kaming tingnan." Anas ni Shaun.
Ate Sunshine shrugged. "Hindi ko alam na may kakesohan pala ang bunso ng mga Amadeo."
"Oh, just shut up." I saw how Shaun rolled his eyes. "Ano bang kailangan mo?"
"Wala na. Si tita lang talaga ang may kailangan kay Angel at hindi ako." Inirapan din siya ni ate bago ito nagbaba ng tingin sa binabasa niyang dokumento.
"Whatever," Muli na namang umirap si Shaun at giniya ako palabas ng opisina.
Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway habang nakahawak ang kanyang kamay sa aking beywang.
"Hindi ka pwede sumama mamaya." I stated.
"Sasama ako." Finality is laced in his voice.
I just took a deep breath and nods my head. Wala na kaming imik hanggang sa makarating kami sa loob ng kanyang sasakyan.
"Let's go home?" Patanong nitong sambit.
I forgot to state, but we're already living in our own house. Yes. Own. 'Yun ang bahay na iniibig sabihin ni Grandpa.
"Okay sige." I nodded my head.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang lalaking nakasuot ng cap habang nakatingin sa kotse namin. Moments later, he hid himself into the bush.
"Anong tinitignan mo?" Sinundan ng tingin ni Shaun kung saan ako nakatingin. "Something's wrong?"
Umiling ako dito at ngumiti. "W-wala. May tinignan lang ako. Tara na."
He nodded his head and maneuvered the car.
Naglakbay naman ang isip ko sa lalaking nakita ko kanina. It's giving me goosebumps. Creepy. Bakit niya titignan ang sasakyan namin ng ganun? Wearing a hat and hiding?
The thought of Shaun being the mafia heir crept into my head. Minsan nakakalimutan kong isa palang mafia ang lalaking mapapangasawa ko. He looks so harmless when we're together. Caring and gentle.
Posible kayang si Shaun ang sadya ng lalaking 'yun?
Napabaling ako kay Shaun na seryosong nakatingin sa kalsada.
Lumukob sa sistema ko ang kaba. Hindi dahil sa kanya. Kundi sa isiping baka totoo ang mga hinala ko. Mafias are dangerous, right? Lalong-lalo na't isa siyang tagapagmana.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka habang natutulog kami, may nagtatangka na pala sa buhay namin. Na baka habang naglalakad kami sa daanan ay bigla kaming barilin.
Natatakot ako..
Para sa kanya...
He held my hand and squeezed it, bringing me back from my deep thoughts.
"I don't like the way you stare. Your silence." He took a deep breath and parked the car at the side of the street. "Tell me. Ano ang nakita mo kanina?"
Sa halip na ibuka ang aking bibig, bigla nalang nanubig ang mga mata ko habang iniisip na ano mang oras.. mawawala siya sa'kin.
"Hey, why are you crying?" Natataranta nitong pinahiran ang mga luha kong nagpatakan sa aking pisngi. "Dmn. Tell me, please?"
I looked away and wiped my tears. "W-wala."
Bumuntong hininga ito at tinapik ang kanyang kandungan.
Bagsak ang mga balikat kong tinaggal ang aking seatbelt at umupo sa kanyang kandungan. I immediately settled my face on his neck to hide the bunch of tears that are starting to form on my eyes.
"Hush. Don't cry. breaking me." He whispered.
"I saw a man with a cap. Hiding himself behind the bush." I whispered. "S-shaun.. n-natatakot ako.."
He encircled his arms on my waist, embracing me tightly. "Hush now. That's nothing."
"Then naisip ko na isa ka palang mafia. Na baka ikaw ang sinusundan ng lalaking 'yun. Shaun, natatakot ako na baka isang araw, habang naglalakad tayo bigla ka nalang barilin. Habang natutulog tayo, may kikitil sa buhay natin. Shaun, natatakot ako para sa'yo. H-hindi ko alam--"
"Hush.." He pecked a kiss on my lips and caressed my cheeks. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nag-aalala ka sa'kin o masasaktan dahil umiiyak ka."
Hindi ko na napigilan ang pag-angat at pagbaba ng balikat ko sa pag-iyak. "Natatakot ako.." I said and he chuckled. "Bakit ka tumatawa?!"
He smiled and kissed my cheeks. "My baby's worried. I'm happy."
I slam his chest. Ngunit parang kamay ko pa ang nasaktan sa tigas ng dibdib niya. "Ang sama mo."
"Nah," he kissed my lips. "Don't worry about your baby. I can protect myself and you."
Naputol ang usapan namin nang may tumawag sa kanyang telepono. Akmang aalis na sana ako sa kanyang kandungan ngunit pinigilan ako ng kanyang braso.
He then answered the call while his other hand is busy making circles on my waist.
"Hello?" He planted soft kisses on my clothed shoulders. "Bakit hindi nalang ikaw?"Kung siguro hindi ko kilala si Shaun, manginginig ako sa boses na ginagamit niya sa kanyang kausap.
"Okay, fine. I'll be there. Just send me the location." He said as he turned off the call.
"Sino 'yun?" I asked out of curiosity.
Niyakap ako nito at hinalikan ang aking pisngi. "It was my secretary. May nililigawan kaming kompanya at mag-iinvest ito base sa proposal mamaya. At ako ang balak nilang pasiputin."
"You should go tonight." I said in a low voice. Somewhat disappointed knowing he can't be with me tonight.
"Paano ka?" He asked.
"I can handle myself. Criza's family is harmless."
___
"Have a sit now, hija. I'm very glad you came." Nakangiting sambit ni tita Crizel.
"It's my pleasure, tita." I said as I sat on the vacant chair. "Nasaan po si Criza?" Tanong ko nang mapuna kong wala siya sa hapag.
"She's already asleep." Sagot ni tito Allan.
I nodded my head. "I see."
"Here, hija." May inabot si tita na isang putahe. "It's your favorite. I really cooked that one for you."
"Naku, marami pong salamat, Tita." I smiled.
"Let's eat?" Aya ni tita Crizelda na tinanguhan lang namin ni tito Allan.
Tahimik lang kaming kumakain. Tanging pagsanggi lang ng kutsara sa pinggan ang maririnig.Tita Crizelda broke the silence. "I actually invited you, hija, to ask for an apology towards my daughter's action."
Napaangat ang tingin ko dito at kay tito Allan bago muling binalik kay Tita Crizelda. "O-okay lang po 'yon, tita. Naiintindihan ko naman po."
"Salamat, hija." She smiled. "Kung hindi mo rin mamasamain, Angel. May isa akong kahilingan. Sana pagbigyan mo ako."
Tuluyan na akong tumigil sa pagsubo at binaba ang hawak kong kubyertos. "Sige po. Ano po 'yun?"
"Just give Criza this chance to marry the one she loves." Nagsusumamo ang mga mata nito."P-po?" Anong ibig niyang sabihin?
She took a deep breath. "Ayokong bumalik sa dati ang anak ko. Alam kong alam mo ang kondisyon niya. At alam ko ring marami kang sinakripisyo para sa anak ko. At alam ko namang kaya mo pa rin magsakripisyo sa kanya, 'di ba?"
I lost my appetite to eat. "Hangga't sa kaya ko. Gagawin ko."
Tumango ito. "This time, I'll be the one to ask you a favor."
"What favor?" Ramdam kong unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Ibigay mo si Shaun kay Criza." She said. "Mahal na mahal ng anak ko si Shaun. Magpinsan naman kayo. The contract is still the same. Magkakaisa parin naman ang kompanya--"
"Stop tolerating your crazy daughter, Crizelda." Sambit ng isang baritono at nakakatakot na boses.
Sabay kaming napalingon sa b****a ng pinto at doon namin nakita si Lolo. Kasama ang dalawang guwardiya nito.
"D-don Arnaldo.." Utas ni tita habang si tito naman ay mukha ring nagulat ngunit hindi na nagsalita.
"Hindi bagay ang isang tao upang ibigay sa kung kanino." Lolo gestured me to come near him. And so I did.
"Hindi bagay? Pero hindi ba't 'yan ang ginagawa mo kay Angel? Pinapamigay mo siya kapalit ng pagkakaisa ng kompanya niyo."
"Watch your mouth, lady." Seryosong sambit ni Lolo. "Hindi ko pinapamigay si Angel. Pinapalagay ko lang ang magiging kinabukasan niya."
"That's bullsht, Don Arnaldo." Iritadong sambit ni tita.
"Another foul words from you Crizelda. Sisiguraduhin ko nang wala ng perang makukuha ang pamilya mo sa akin." I saw Lolo settled his eyes on tito Allan who is now holding his wife's hand. "I don't like your family since then, Allan. Ayusin mo ang buhay mo."
Tumalikod si Lolo at hinawakan naman ako sa braso ng isa niyang guwardiya at giniya ako palabas ng mansiyon nila Criza.
"Sa akin sa sasabay, Angel. May pag-uusapan tayo."