bc

Naniniwala Na Talaga Ako

book_age18+
96
FOLLOW
1K
READ
dark
comedy
humorous
heavy
serious
mystery
witty
male lead
realistic earth
horror
like
intro-logo
Blurb

Istoryang hango sa Pilipino Folklores o Kwentong Bayan at mga Pilipinong Mitolohiya o Philippine Mythology na hinaluan ng makabagong pagsasabuhay. Ang istoryang ito ay tungkol kay Tristan at sa kanyang mga karanasan bilang tigapagsalaysay sa buong istorya tungkol sa pakikipagtunggali nya sa iba't ibang uri ng nakatatakot na nilalang na nagmula sa Pilipinas tulad ng Aswang at marami pang iba.

Hindi ito ang tipikal na istoryang Aswang na kung saan ay dinudumog ng mga kampon ng kadiliman ang bida sa istorya. Ang istoryang ito ay tungkol sa pakikibaka ng bida sa kanyang buhay na may kinalaman sa pagtugis sa malalakas na Aswang, Engkanto, Kapre, Diwata, mga tao, mga Diyos, at iba pang nilalang na may kinalaman sa Pilipinong Literatura at Sining.

Si Tristan ay isang tipikal na kabataang katatapos lamang mag aral ng sekondarya. Bilang tulong sa sarili at sa tiyuhin nyang bumubuhay sa kanya, napagdesisyunan nyang magtrabaho sa Lino's CafeBar kung saan magbabago ang daloy ng kanyang buhay at paniniwala nya sa buhay. Bilang si Tristan ay hindi naniniwala sa kwentong matatanda, ang kultura na para sa kanya ay lumipas na, at sa paniniwala ng iba, dito ay masusubok sya kung talaga bang hindi sya maniniwala.

Ang istoryang ito ay isang uri ng piksyonal o kathang isip lamang, walang Tristan o kahit sinumang karakter sa istoryang ito ang nasa tunay na buhay. Maraming salamat sa pagbabasa! Subaybayan ang istorya ni Tristan kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho! Arat!

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Ako Si Tristan
Tristan's Point of View "Kelan ba ko makakahanap ng trabaho? Walang kwenta..." Ah grabeng buhay ito, trabaho lang naman gusto ko, tsaka malapit na ako magdisi-otso, nasa tamang pag-iisip naman ako, tsaka wala naman akong saket, bat ba parang alalang-alala sila sa akin at ayaw nila akong tanggapin sa trabaho?! Hays bwisit, pangatlong linggo ko nang naghahanap ng trabaho, kagagraduate ko lang ng senior high school. Pinagkokolehiyo na ako ng tiyuhin ko sa Unibesidad ng Pilipinas para medyo mura at hindi mabigat sa bulsa. Sya nalang ang nagsusuporta sakin dahil yung tatay ko nakakulong dahil pinagbintangan sya ng sindikato nyang amo na sya ang pumatay sa asawa nun. Ang totoo nyan, nakita mismo ni tatay na yung amo nya na lalaki ang bumaril sa amo nyang babae, sinet up sya kumbaga dahil sya sana ang witness. Ito namang nanay ko nasa mental hospital, nabaliw sya noong namatay ang kaisa-isa kong kapatid na lalaki, bata pa ako noon, nasa walong taon palang ako habang sya apat na taon palang. Halos sampung taon na rin pala. Hindi na ako nasasaktan, pero hindi ko parin matanggap na ganun ganun nalang, unsolved case ang pagkamatay ng kapatid ko, kaya mag-aaral ako ng forensics at criminology para sa kanya. Sa katunayan sapat naman yung pinapadala sa akin ng tiyuhin ko, nasa Europe kase sya at nagtatrabaho bilang Chef. Kaso ewan, ayokong walang ginagawa sa buhay, kaya naghahanap ako ng kahit anong klase ng trabaho, nang makapag ipon na rin at mabili ko ang luho ko. "Putek na! Walang gustong tumanggap sa akin bwiset..." Naglalakad na naman ako, gabi na, palakad na ako kaso napatigil ako sa bar na 'to sa Q.C. Gusto ko magrelax muna kaya pumasok ako sa loob "Boss isang pilsen, yung maliit lang, tsaka mani." Hinain sakin ng bartender yung alak at isang platito ng mani. Umiinom ako habang iniisip ko yung mga taong nawala sakin. Kung pwede lang puntahan ko yung tatay ko kaso sabi nya wag daw kaming magpakita sa presinto nya dahil papatayin daw kami paglabas. "Tsk, bwiset." Yung nanay ko naman minsan ko lang dalawin, di ko rin naman syang makausap ng maayos dahil nagwawala sya sa tuwing nakikita nya ako. Kaya naman, ang puntod nalang ng kapatid ko ang pinupuntahan ko, nililinis ko palagi, dinadalhan ko ng bulaklak, minsan nga natulog ako dun haha. Yung tiyuhin ko kelan kaya ulit uuwi? Iniwan ba naman ako sa ninang ko na may ari ng apartment na tinitirhan ko, minsan ko lang din naman makausap yun gawa nang bakasyonista ang matandang iyon, parang di na nga ako pinapabayad pati sa kwartong inuupahan ko. "Ah, napakalungkot ng buhay!", Napatingin ang iba sa sigaw ko. "Ganun talaga haha, laging may lungkot kapag laging may saya.", sabi ng isang waiter na dumaan sa likod ko. "Isa pang alak?", tanong sakin ng bartender. "Di na, okay na 'to, di ko pa nga nauubos.", sagot ko. Napalingon ako sa maliit na stage nila na walang ilaw at halatang di na ginagamit. Nakakita ako ng piano. Naalala ko tuloy noong bata pa ako, tinuruan ako ng isa kong pinsan tungkol sa piano. Tumayo ako at pumunta sa stage, hinimas ko ang piano at nababalot ito ng alikabok. Tinanggal ko ang takip sa pindutan at naupo ako sa maalikabok na upuan. Pinatong ko ang alak ko sa piano at tumugtog ako ng Jazz, tumugtog lang ako nang tumugtog. Pagkatapos ay nagpalakpakan ang mga taong nanonood sakin na pawang mga matatanda. Nagpasalamat ako sa pagpalakpak nila at tumayo na ako. Pumunta ako sa bartender at binayaran ang alak at mani at inorder ko. Kinuha ko ang gamit ko at minabuting umuwi na. Maghahating gabi na rin. Baka bukas di muna ako maghanap ng trabaho, nakakapagod din eh. Nang makarating ako sa apartment parang nakakalungkot pag masdan, ako lang nangungupahan sa pangalawang palapag. Parang wala akong kapitbahay pero okay na rin yun, ayoko kasi ng maingay na kapitbahay. Buti dito medyo tahimik, sa taas kase panay patugtog ng rakista, tsaka yung mga binatilyong nagsisigawan tsaka nagkukulitan sa taas. Tapos sa baba madalas mag-away yung mag-asawa, sigawan ang batuhan ang eksena tuwing lunes, kaya I hate Mondays e. Humiga ako sa kama at nakita ko na naman ang isang bote na naglalaman ng langis na nakasabit sa bintana ko. Di ko alam kung para saan iyon, nalimutan ko na. Iyong ninang ko ang naglagay noon, napakamapamahiin talaga, 2019 na eh dami pang iniisip. Ako nga pala si Tristan, ako ang bida sa kwentong 'to kaya ako ang unang chapter ha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.5K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.1K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook