Bago kami tumuloy sa bahay nila Yvonne sa Lucban dumaan muna kami sa isang mall sa Lucena. Nagpagas na din muna kami sa gas station. Bale noong nandoon na kami sa mall kalat-kalat muna kami dahil yung iba ay tumingin ng ibang mga gamit dun at yung iba nasa supermarket. Sinamahan ko nalang si Komang, si Ernesto at si Patrick eh sumama din sa amin. Di ko alam kung bakit sa hardware dumiretso si Komang, bibili ata ng mga kailangan sa van. Kumuha ako ng flashlight kasi naalala ko na nasira pala flashlight ko kahapon dahil nagulungan.
"Tama yan, kumuha ka pa ng flashlight.", sabi ni Komang.
"Bakit?", tanong ko.
"Apat na flashlight lang kunin mo.", sabi nya.
"Bakit?", tanong ko ulit.
"Oo, apat na flashlight lang, yun lang kailangan.", sabi ni Patrick.
"Eh? Bakit nga?", tanong ko.
"Sapat na iyang apat para sa ateyn.", sabi ni Ernesto.
"Bakit ba? Anong meron?", tanong ko.
"Oo, para di masyadong hassle.", sabi ni Patrick.
"Eh, bakit nga? Tsaka bakit maraming flashlight?", tanong ko.
"Tara na pwede na yan.", sabi ni Komang at talagang di parin nila ako pinapansin.
"Hoy, mga gago, ano bang pinag-uusapan nyo ha?", tanong ko.
"Ay, di mo pala gets pinag-uusapan?", tanong ni Patrick.
"Oo nga, akala ko pa naman.", sabi ni Komang.
"Eh ano ba kasi yun ha?", tanong ko.
"Kailangan natin yan pag natrap tayo sa dilim. Napanood ko na ito sa mga pelikula eh.", sabi ni Komang.
"Tindi ng imagination mo ah. Eh, bakit di nalang walong flashlight?", tanong ko.
"Apat lang kasi dapat tandem. Kung sino kasama mo, isa sa inyo hahawak ng flashlight at yung isa nangangapa.", sabi ni Patrick.
"Ehy, sino ga iyong tandem?", tanong ni Ernesto.
"Ako tatandem kay Yvonne, mas mapoprotektahan ko sya.", sabi ni Komang.
"Oo na, oo na, sayo na si Yvonne.", sabay na sabi namin ni Patrick.
"Sayo si Ramona, Tristan, mukhang malapit naman kayo sa isa't isa. Si Eko at Bertonino hindi sila pwedeng magtandem dahil hindi sila aware tungkol dito. Kaso di pwedeng Ernesto ang tumandem kay Bertonino kasi baka di makontrol ni Ernesto yung baklang maskulado na yun kaya ikaw Patrick ang pumartner sa kanya, total magkapitbahay lang naman kayo nun at mukhang mas magkakasundo kayo.", sabi ni Komang.
"Sige payag ako dyan.", sabi ni Patrick.
"Sino sa akin?", tanong ni Ernesto.
"Si Eko malamang, sya nalang walang tandem eh. Tsaka mas mabuti na yung si Eko kasama mo kasi di ka mahihirapan, alagad ng simbahan yun, walang takot yun sa mga impakto.", sabi ni Komang.
"Ala ehy, mabuti nga.", sabi ni Ernesto.
"Oh ito, tig-iisang flashlight tayo dito ha.", sabi ni Komang.
"May armas ako dun sa kotse, ikaw nalang humawak nun Patrick. May binigay din yung tatay ni Ernesto. Ernesto, gusto mo ikaw humawak nun?", tanong ko.
"Wag na, mayroon akowng armas duown sa akeng bag.", sabi ni Ernesto.
"Oh sige, bahala na kung sino makakuha nun.", sabi ni Komang.
"Teka. Bakit parang nagpaplano tayo kung paano makasurvive sa Zombie Apocalypse? Di ba pwedeng isipin nalang natin na mag-enjoy?", tanong ko.
"Ano ka ba? Naghahanda lang kami. Baka mayari tayo eh delikado. Natrauma na kaya kami sa mangyari sa atin.", sabi ni Patrick.
Kumuha na din si Komang ng mga tools na kulang tsaka kumuha sya ng tali, di ko alam para saan pero baka sa gamit nya lang yun kasi maikling tali lang kinuha nya.
Paglabas namin ng hardware nasalubong namin sila may mga dalang shopping bag. May mga pinamili ata sina Yvonne at Ramona na mga damit.
"Guys, ano pinamili nyo?", tanong ni Yvonne.
"Wala, flashlight lang.", sabi ni Komang.
"Eh kayo ano binili nyo?", tanong ko.
"Swimsuits, bili na din kayo dun oh. Magsswimming tayo sa Gumaca!", sabi ni Yvonne.
"Ahahahaha, di kami nagsusuot ng swimwears.", sabi ko.
"Hey guys tara na! Kalerki kayo chumichika pa.", sabi ni Betty habang nakatayo sa exit ng mall.
Nagsipaglabas na kami ng mall at sumakay na ng van, excited ang bakla makapunta ng Lucban eh. At ayun, pumunta na nga kami ng Lucban, nadaanan pa namin yung Kamay ni Hesus at nagsibaba sila para magpapicture saglit dun sa loob habang ako nandito lang sa van sa may parking lot para magpahinga, di kasi ako naniniwala sa mga santo at rebulto kahit nabinyagan ako sa Katoliko, pero respeto nalang sa paniniwala ng iba.
Patulog na sana ako nang biglang may kumatok sa windshield, matanda na nanlilimos. Binuksan ko yung windshield tapos inabutan ko sya ng isang bote ng tubig, isang rice meal, at tinapay, nag abot na din ako ng pera. Naaawa lang ako kaya di ako naghehesitate magbigay. Nagtanong yung manong kung dyan daw ba kami magpapalipas ng gabi sa Lucban.
"Ay, oho. Bakasyon po muna kami dito saglit", sabi ko.
"Mag-iingat kayo mga hijo, mukhang pilyo at makukulit pa naman mga kasama mo. May mga nawawala ditong mga kabataan tuwing sasapit ang pista.", sabi ng matandang pulubi.
"Eh, bakit po kaya?", tanong ko.
"Hindi ko alam pero talamak dito yun, mas mabuting wag kayo maghihiwa-hiwalay. Marami na din akong binalaan pero di sila nakikinig sakin. Tsk tsk tsk, mga kabataan talaga.", sabi ng matanda habang kinakain yung tinapay.
Biglang kumatok sa kabilang windshield si Eko, agad ko namang binuksan yung windshield.
"Tara Tristan, nandito yung pari na nag-aalok sa akin na magseminar. Dito din ata yung simbahan nila, tara sumama ka sa loob.", sabi nya.
"Sige sige, susunod ako.", sabi ko naman kay Eko.
"Sige sumunod ka ha, una muna ako d'un.", sabi ni Eko saka umalis.
"Manong aali-", sabihin ko sana sa matanda na aalis muna ako kaso nawala bigla yung matanda, siguro nainip sa usapan namin ni Eko. Sinara ko nalang yung windshields tsaka yung pinto. Nasa akin pala yung susi.
Naglakad ako papunta doon sa loob at nagbayad ng entrance. Pagpunta ko dun nakita ko na pumasok si Betty sa loob ng parang opisina kaya sumunod ako doon. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko nakita ko sina Eko, Patrick, Betty at Ramona. Tinanong ko kung nasaan sina Komang, ang sabi nag picture-picture daw dun sa paakyat kasama si Yvonne at ginawang cameraman si Ernesto. Bale wala naman kaming masyadong ginawa dun bukod sa kinamusta kami ng isang pastor tsaka si Eko kinakausap naman ng pari. Tapos nakipagkamay pa ako kay Father pagkatapos nila mag-usap ni Eko. May inabot si Father na mga libro kay Eko at isang bote ng Holy Water. Tapos nagpabless kami kay Father, sayang wala sina Komang dito pero sinama na din namin sila sa prayers. Pagkatapos nun umalis na din kami, nakita namin sina Komang na naglalakad palabas kaya sinundan na namin sila. Sumakay na din kami ng van at dumiretso na sa bahay bakasyunan nila Yvonne.