Kabanata 10: Pagsasanay

881 Words
Putangina, di ko talaga malimutan. Nakakasulasok! Oh jusko ano bang nangyayaring ito?! "Mukhang stress na stress ka na sa mga nangyayari buhay mo ah.", tanong sa akin ni Maverick, actually stress na stress na talaga ako. At mula noong pumasok ako sa CafeBar na 'to lalo lang naging miserable ang buhay ko. "Hayssss!!!....", singhal ko. "Alam mo buti nalang dito ka dumiretso. Isasalang ka na namin sa matinding seminaryo at pagsasanay. Nagpapunta na din ng mga tauhan si Mang Pepe sa apartment mo para linisin ang dapat linisin.", sabi ni Jonathan. "Ano ba talaga ang nangyari mula noong dumating yung babaeng yun sa inyo?", tanong ulit ni Maverick. "Mula noong dumating yun nahumaling na talaga ako sa kanya, chix kasi. Hinatiran pa nga ako ng ulam kaso tinapon ng ninang ko. Eh pano, naghinala na aswang dahil di makapasok sa bahay nila dahil dun sa telang pula na kagaya nung pinasabit nya saken sa taas ng pinto.", kuwento ko. "Nako buti nalang may proteksyon ang apartment mo, kung wala baka nilusob ka na nun sa loob. Alam mo ang aswang, nagtatago yan sa sulok ng bahay o di kaya sa ilalim ng kama at mesa.", sabi ni Maverick. "At buti nalang kamo itinapon ng ninang nya yung pagkain, baka kase magayuma sya at maging katulad na rin sya ng mga yun. Nako kawawa naman si Tristan pag nagkataon, kasi madali lang natin syang pupulbusin! AHAHAHAHA!", dagdag ni Jonathan na nagbiro pa, tarantado talaga 'to. "Pagkatapos nun, kusa nalang akong pumayag sa paghingi nya ng tulong. Tapos dinilaan pa nya ako sa tainga.", dagdag ko. "Ginayuma ka nun. Tsaka dinilaan ka nun sa tainga para di ka na makawala sa kanya. Eh libog ka pa sa kanya kaya naghahabol ka din ng atensyon. Talagang yari ka.", sabi ng tarantadong to libog daw ako, ay este si Jonathan, tarantado to ah, di ba pwedeng utog lang? "Haysss, buti nalang.", sabi ko sabay buntong hininga. "Buti nalang kamo napatay mo.", sabi naman ni Maverick. "Oh, Tristan. Isasanay ka namin dito kung paano makipaglaban sa aswang, at ipapaliwanag namin sa iyo kung ano sila, saan sila nagmula at kung paano sila tatapusin.", sabi ni Mang Juan na biglang dumating. "Ang tanong, nakahanda ka ba?", tanong ni Mang Lino. "Para sa kapakanan ng buhay ko, HANDANG HANDA NA AKO!", agad kong sabi. Sinanay nila ako sa loob ng tatlong buwan, malapit na ang kaarawan ko. Pinaalam din sa akin ang ibat ibang terminolohiya at gamit tungkol sa aswang at pagpaslang sa kanila. Kinabisado at isinapuso ko din ang mithiin, misyon, at obligasyon ng aming kapatiran. At ang mga techniques ng pakikipaglaban ay naisagawa ko na din, sinanay ko ang sarili ko kahit mahirap. Hampas ng latigo, hiwa ng patalim, pagsasanay sa pagtanggap ng lason at iba pa. Ito ay para tumatag ang katawan ko sa kahit anong hamon at pinsala. Ang lahat ng ito ay hindi maaaring ituro o ipaalam sa iba lalo na sa mga hindi kabilang sa organisasyon, para na rin sa kaligtasan ng kapatiran at mga miyembro nito. Pagkatapos ng lahat, pinaso nila ako sa likod ng kanang balikat ko, tanda na kabilang ako sa "Night Owls". Maraming organisasyon sa buong Pilipinas ang pumapatay ng aswang at isa na roon ang grupo ng Night Owls. Ang sentro ay ang "Pugad", kung saan ang lahat ng mga maalamat at nakatataas na miyembro ay nabibilang at lahat ng pinuno ng bawat organisasyon ay obligadong makipagpulong sa kanila sa oras na sila ay tawagin ora-mismo. Pakiramdam ko ang lakas lakas ko na pagkatapos ng pagsasanay na ito! Whhooo! Ready to fight na ako! "Bata, dahil ikaw ay ganap nang Night Owl, ibigay mo na sa amin ang iyong karambit.", sabi ni Mang Juan. "B-Bakit ho?", tanong ko sabay abot ko ng karambit. "Tanggapin mo ang handog namin sa iyo.", sabi ni Mang Pepe sabay abot ng isang kahon. "Ano po ito? Isang asero?", tanong ko naman nang makita ang laman ng kahon. "Hindi lang iyan basta asero, isa iyang espedyalisadong asero na may de-spring na survival knife. Matalim ang knife blade at ang saw blade nyan kaya ingatan mo ang paggamit pero ayos naman ang lock nyan. Alam namin na malayo layo ang mararating mo, kakailanganin mo yan, ilagay mo ang pang kwintas sa kanya upang di ka mahirapang itago yan kung saan saan. At isa pa, itago mo ang asero na yan sa pocket nya. Dinisenyo iyan para hindi madetect ng metal detector. Ang mga operasyon natin ay hindi lamang sa labas kundi maging sa loob din ng mga establisyimento.", paliwanag ni Mang Jose. "Gawa iyan sa brass, bronze, copper. Epektibong uri ng metal laban sa mga kalabang nilalang na siguradong kasasaktan nila.", dagdag ni Mang Juan. "Protektahan mo ang sarili mo hijo. Kahit may armas ka, palagi mong unahin ang kaligtasan mo kaysa ang paggamit ng armas na iyan. Wag padalos-dalos.", payo ni Mang Pepe. "Protektahan mo din ang mga mahihina at walang kalaban-laban, kahit kapalit pa noon ay ang iyong buhay.", sabi ni Mang Lino. Mukhang seryosong seryoso sila at kailangan kong i-apply ang mga sinasabi nila. Pero gagawin ko talaga ang lahat para sa kapakanan ko at ng mga nakapaligid sa akin. Naniniwala na talaga akong totoo sila. Pero kahit na nagsanay na ako, di parin mawala-wala ang takot ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD