Kabanata 9: Si Jona

1406 Words
Hayst di ako makatulog ah. Ano ba naman kasi yang animal na impaktong hayop na yan? Tumatak sa utak ko yung pagmumukha nun. Nakakasuka ang itsura nya, parang ninanana yung pagmumukha. Makapagkape na nga lang ulit. *Tok tok tok* Panigurado si Ninang 'to, mabuti pa ikukwento ko nalang kaagad yung nangyari sakin! "Nako ninang buti duma-", pagbukas ko ng pinto yung babaeng chikababes sa kabila yung sumalubong sa akin. "Ay, ikaw pala, ah eh, anong sadya?", tanong ko naman agad. "Ah hehe, pasensya na sa abala. Di pa nga pala ako nagpakilala kahapon ano? Ako nga pala si Jona.", sabay abot nya sa akin ng kanyang porselana at makinis na kamay na sinalo ko naman ng dalawa kong kamay. "A-Ako naman si Tristan. Hehe, di rin pala ako nagpakilala kahapon. Ano ang iyong sadya nga pala?", tanong ko ulit. "Eh, hingi lang sana ako ng tulong, yung lababo kasi barado tapos yung gripo naman sira yata, basang basa dun sa kusina...", sabi nya sa akin. "Ano?! Teka saglit lang, sayang ang tubig.", agad kong tugon. Dumiretso ako agad sa main valve para isara muna yung daloy ng tubig, baka bahain ang buong kwarto nya tsaka sayang din tubig eh. Pumasok na din ako sa loob ng apartment nya para i-check kung anong sira ng lababo nya. Tinanggal ko yung strainer sa lababo at may barang pinag-iwanan ng pagkain, puro buto na pinagkasya sa tubo kaya di lumulusot ang tubig. Ang salaula naman ng dating nakatira dito. Kinalas ko yung tubo sa baba para maalis ko yung nakabara kaso nasira yung tubo, sobrang rupok na at may cracks na din dahil siguro sa mga nakabara. Minabuti ko munang tignan yung sa gripo, may sira din sa linya ng tubig, nilagari ko yung sirang parte at kinunan ko na din ng litrato yung tubo sa lababo para mabilhan ko ng kaparehong itsura at sukat. Eto namang si Jona, naglalampaso, bahang baha sa sahig nila. Teka, basang basa na ang damit nya... Minabuti kong tulungan syang maglampaso para mas mapabilis. Inabot pa kami ng isang oras dahil binuhat at pinunasan ko pa yung mga gamit na nabasa. Uy, bakat, pucha napatitig ako bigla. "Hmm Tristan? Ayos ka lang? Tulala ka ata?", bigla naman nyang tanong sa akin. Bigla akong nabuhayan at napalingon sa ibang direksyon. Puchanggala, naninigas, naninigas yung paa ko. "Ahh, ehh, sige Jona bili nalang ako ng mga tubo sa palengke tapos balik ako dito mamaya para ayusin yang mga yan", dali-dali kong sabi upang makaiwas sa ano. "Sige, salamat Tristan!", nilapitan nya ako at dinilaan sa tainga. Puta nakakabigla. Teka... Baka may gusto sa akin tong si Jona. "T-Teka, para saan yun? Ang bilis mo naman ahahahaha.", pagtataka ko sa kanyang ginawa. Tila ba inaakit ako. "Wala naman, paraan ko lang ng pasasalamat sayo.", sabi nya habang hinahaplos ang aking dibdib. Bago pa mapunta ang lahat sa mga bagay na di na dapat pang mangyari, agad na akong lumabas at nagpaalam sa kanya. Pumasok ako agad sa apartment ko at dali dali akong nagtanggal ng shorts at dumiretso ako sa banyo, para magbanlaw ng katawan at maligo, mali yang iniisip mo. Nagtagal ako sa banyo, grabe yun ah, whoo! Nilabhan ko pa kasi yung mga damit na nabasa pagkatapos kong maligo. Nagbihis ako agad at didiretso akong palengke, mamimili ako ng tubo ng iba pang ilalagay sa ref. Grabe, di talaga ako makatulog at di man lang ako inaantok. Lalo pa nga akong nabuhayan nang aking masilayan ang.... araw, whoo! Palagi na kasi akong tulog sa araw at gising sa gabi eh. Dumiretso na akong palengke, bibili na din ako ng prutas. Napadaan ako sa isang mamihan, nakita ko yung barkada ko, si Patrick tabachoy, kaso sa karinderya sya kumain. "Oh Tristan, anong ginagawa mo dito?", tanong nya sakin habang kumakain ako sa mamihan. "May bibilhin lang, ikaw bat nandito ka?", tanong ko naman. "Ah, kumain lang ako dyan oh. Sarap ng mga ulam kela Aling Sonya, busog na busog ako.", sagot nya. May paghimas pa ng tiyan. "Aba aba, mapera ka ata ngayon.", sabi ko naman. "Oo, dyan lang ako nagtatrabaho sa loob ng palengke, tumutulong sa bigasan. Try mo dyan tol, sarap dyan kumain.", alok nya sa akin na kumain kina Aling Sonya. "Mag mamihan lang ako ngayon pre. Kakain din ako sa bahay mamaya eh.", pagtanggi ko. "Eh sige sige, una na ako ha.", paalam nya sakin. "Sige, sa sunod pag may gala ha.", sabi ko naman. "Oo! Sama natin sina Komang! Ahahahahaha!", dagdag nya. Sabay alis ni tabachoy, pareho kaming ulila nyan ni Patrick. May mga nagmagandang loob lang na tumulong sa kanya para makapagtapos sya ng senior high school. Mula elementary di na kami naghihiwalay ng landas nyan. Ngayon lang siguro nang makapagtapos na kami. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako agad pauwi para matapos ko kaagad yung problema dun sa kusina ni Jona. Alas dos na. Napapaisip ako kung babalik pa ba ako sa Lino's. Kinakabahan na talaga akong maggagagala dun eh. Pagkarating ko sa apartment binuksan ko lang yung pinto ko para ilapag yung mga prutas at mga gamit ko sa mesa tapos tumuloy ako agad sa apartment ni Jona. Sheeet, ang sexy ng suot nya, at anlaki, basta anlaki! "Jona, aayusin ko na yung lababo hehe.", paalam ko muna. "Sige lang Tristan.", sabi naman nya. Inayos ko yung lababo at gripo. Inabot ako ng tatlong oras dahil nilagyan ko na din ng mga pamprotekta yung mga tubo at lababo para hindi masira ulit. Teka, alas singko na pala. Hays, wala namang trabaho ngayon sa Lino's kaya pwede na akong malate muna. "Tapos na, Jona, maayos na yan. Nilagyan ko na din ng mga cover at inayos ko yung pagkakalagay ng mga tubo para hindi agad masira ulit.", sabi ko sa kanya. "Maraming salamat, magpahinga ka muna. Pagtimpla lang kita ng Juice.", sabi nya sa akin. Naupo muna ako saglit at nagtanggal ng t-shirt. Pinunasan ko muna yung pawis ko. Grabe yun ah, paano ko kaya nagawa yung pag-aayos nang walang angal? Pwede namang ipagawa nalang yun sa tubero. Pero di bale na andyan na eh. "Tristan oh.", sabi nya sabay abot nya sa akin ng juice. "Salamat.", tugon ko naman. Inubos ko ang juice at medyo nahilo ako. Parang may amats, parang gin pineapple. Tumayo ako at bigla akong nalaglag at napaupo ako sa upuan. "Tristan, anong nangyari?",tanong nya sakin. "H-Hindi ko alam.", sagot ko at medyo hilong hilo talaga. Nawalan ako ng malay at paggising ko nasa kama na nya ako. Bigat ng katawan ko, tinignan ko ang relo ko at alas sais na, nako po patay ako neto. Babangon sana ako nang biglang pinatungan ako ni Jona. "Hmmmm, Tristan.", bulong nya sa akin. "T-Teka, Anong ginagawa mo Jona?", tanong ko naman. "Tristan, bakit parang ang sarap mo?", tanong nya sa akin. "Ehehehe, Jona....", shempre alam ko naman yun. Ang wild naman nito hehehehe, ito na siguro ang pagkakataon ko! "Nais ko sanang makipagtalik sayo ngayon, kaso gutom na gutom na talaga ako.", bigla nyang sabi sa akin. Natigilan ako sa sinasabi nya, "Teka, anong sinasabi mo?", tanong ko kaagad. Nabigla ako nang mag iba ang itsura nya, "Kakainin nalang kita!!!!!", sigaw nya sa akin. Putangina impakto!!!!!! Tinadyakan ko sya palayo at bigla akong tumalon ako papunta sa pintuan. TANGINA NAKALOCK!!!! PUTA, PUTAA!!!! NATATARANTA AKO!!!!! Tumalon sya palapit sa akin, bigla akong yumuko at tumama sya sa pinto. Nasira nya yung pintuan. Bigla naman akong nagtatakbo papasok sa apartment ko, buti nalang iniwan kong bukas ang pinto. Kaso putanggala hijo de puta nadapa ako! Tangina kahit nakadapa ako nagawa ko pang tumalon papasok sa loob na parang bayawak! Hinila nya ang paa ko at dinilaan nya. "TANGINA MO AMPANGET MO!!!!!!", sigaw ko sa kanya. Kumapit ako nang mahigpit sa pader at inihampas ko sa kanya yung doormat. Sumigaw sya at bumalikwas palayo. Naalala ko na may asin palang sinaboy si Ninang sa doormat, sabi nila epektibo daw yun pangontra sa aswang. Bumalentong ako papasok at kinuha ko yung karambit ko na nakalapag lang sa mesa. Putangina nagdadalawang isip ako kung susugod ba ako o hahayaan ko nalang sya dyan sa labas. Tangina nanlilisik yung mata nya, halatang gustong gusto nya akong kainin at dahil dyan napatunayan ko na totoo ngang masarap ako. Sinugod nya ako sa loob, habang nasa ere sya, sinaksak ko sya ng karambit at tinapyas ko ang leeg nya. Nagwala sya at naging abo. Tangina, ano bang nangyayari sa buhay ko? Punyeta, kinabahan ako, jusko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD