Kabanata 8: Night Owls

525 Words
"Jusko tulungan nawa ako. Muntik na akong mamatay! Tangina.", halos paulit-ulit kong sambit sa harap nila. "Ahahahahaha, takot na takot kang bata ka.", sabi ni Mang Lino. "Anong klase mga tao kayo? Bakit di kayo natatakot sa ganun?", tanong ko sa kanila. "Ano ka ba bata? Sila ang natatakot sa amin!", sabi ni Mang Jose. "Bata, narito ka sa Night Owls kaya magdesisyon ka na. Sasama ka ba sa amin o aalis ka at wag nang magpapakita sa amin kahit kailan?", tanong sa akin ni Mang Juan. Teka? Night Owls? Kinakabahan ako, puta, napepressure ako. Bigla akong nastress! Parang kapag di ako sumali sa kanila, baka patayin nila ako! "Sige, sige. Sasali na ako.", sabi ko agad. "Hmmm? Nakahanda ka ba?", tanong ni Mang Pepe. "A-Ano eh... Uhmmmm, hays oo!", sabi ko. Sang-ayon agad dahil di ko na alam ang gagawin. "Eh kung ganun, maligayang pagbati sayo, munting ibon.", sabi ni Mang Pepe. Sabay tapik sa balikat ko. Ganun na rin ang ginawa ng iba. "Munting ibon?", pagtataka ko. "New recruit.", sabi ni Maverick. Tangina kinakabahan ako sa mga to, parang may gagawin sa akin. Anong new recruit?! Bakit tunog drug dealer?! "Bukas, nakasara parin ang shop. Ikaw bata, pumunta ka dito nang maaga para maselyohan ka namin.", sabi ni Mang Lino sa akin. Nagsialisan na yung mga bisita na nakipaglulong kina Mang Lino. Pinagpapawisan parin ako sa nakita ko kanina. Parang ayoko nang lumabas, ayoko nang makakita ng ganoong mukha, basag na mukha, nakakadiri na nakakatakot! Tanginaaaaa! "Hoy Tristan, tangina pre tulala ka ah.", sabi ni Maverick. "Ahahaha ikaw ba naman kakainin ng aswang eh.", sabi ni Jonathan. "Tangina, parang mamamatay talaga ako sa takot eh.", sabi ko naman. "Wag ka mag alala, ganyan din kami noong unang beses kaming nakakita ng aswang pero hindi ganyan kagrabeng reaksyon ha.", sabi ni Maverick. "Ano bata? Ayos ka lang? Uminom ka muna ng kape, para lalo kang kabahan.", sabi ni Mang Lino sabay abot sakin ng kape. "Salamat.", sabi ko naman. Kahit kinakabahan na ako, ininom ko parin yung kape. "Ewan talaga, kabadong-kabado ako na baka mamaya atakihin ulit ako ng aswang sa labas.", sabi ko. "Paniguradong aatakihin ka ng ibang aswang dahil malamang sa malamang, maaamoy nila yung abo ng kasamahan nila sayo.", sabi ni Mang Pepe. "Paano po yan? Hindi na ako uuwi kung ganyan.", sabi ko agad. "Wag kang mag alala, may ibibigay ako sayo.", sabi ni Mang Juan. Inabutan nya ako ng asero na may karambit sa dulo. "Gamitin mo yan, pag sinugod ka ng aswang, itarak mo yan sa leeg nya o di kaya sa mukha nya. Di yan ganoon ka-espesyal pero armas parin iyan.", sabi ni Mang Juan. "Bukas, marami pa kaming ituturo sa iyo, at sa mga susunod na araw.", sabi ni Manong Jose. "Yung totoo, seryoso ba kayo?", tanong ko, syempre nakapagtataka yun, kung ikaw ba naman pagtripan ka ng mga 'to mukha silang sindikato. "Hindi ka pa ba naniniwala sa nakita mo kanina?", tanong ni Maverick. "Tangina kinikilabutan na rin tuloy ako, ayoko na nga rin lumabas.", sabi ni Jonathan. "Wag muna kayo lalabas mga hangal. Maya-maya na kayo umuwi. Mga alas singko.", sabi ni Mang Lino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD