Kabanata 20: Lababo

713 Words
Nakatulog na ang lahat pakiramdam ko. Nagising ako dahil naiihi ako, kaya bumaba muna ako para magbanyo. Pagbaba ko nakita ko si Ramona na naghuhugas ng plato, tinignan ko yung orasan at 11:00pm na pala saka palang sya naghugas. Eh wala akong imik dahil ihing-ihi na talaga ako kaya nagbanyo muna ako. Paglabas ko tapos na si Ramona maghugas ng pinggan, pumunta ako ng lababo para magtoothbrush. "Kumusta inuman?", tanong sakin ni Ramona. "Ayos lang naman.", sabi ko, pagkatapos ko magtoothbrush kinapa ko yung thermos kung mainit yung laman. "Magkakape ka?", tanong nya. "Oo, sakin sa ulo ng ininom namin.", sabi ko. "Maupo ka nalang dyan ako na ang magtitimpla.", sabi ni Ramona. "Sigurado ka?", tanong ko, syempre ang weird eh, pero sa tingin ko nasasanay na din ako na ganun sya. "Oo, magkakape din naman ako.", sabi nya. "Eh, sige, ikaw bahala.", sabi ko tapos naupo nalang ako. "Hmm, ito oh.", sabi nya pagkalapag nya ng kape. Eto, sa totoo lang amoy palang nung kape nakakabuhay na, parang kapeng barako. Nilapag nya din sa mesa yung garapon ng asukal at gatas para kung sakali daw na gusto ko pa baguhin yung lasa. "Salamat ha. Grabe yung inuman na yun ah. Ang bilis kasi umikot ng baso, grabe sila.", sabi ko. "Kumusta ka naman, Tristan?", tanong nya sakin. "Ayos lang bakit? Paanong kumusta? Ahahaha.", tanong ko. "I mean, kumusta buhay mo? Syempre alam ko namang mag-isa ka lang. Okay lang ba yun sayo?", tanong niya. "Oo naman, normal na sakin. Wala man akong magagawa kung ganun talaga ang kapalaran ko. Basta sabay lang sa agos at piliting mabuhay kahit masalimuot, ahahaha.", sabi ko. "Grabe noh, nakakainspire ka. Yung iba kasi sumusuko agad pero ikaw ang tatag mo.", sabi nya sa akin. "Pakiramdam ko di naman talaga ako nag-iisa, andyan naman si Ninang Hilda. Yun si Ninang palagi akong kinakamusta nun. Tapos si Tito sa Italy andyan palagi para sumuporta sa akin. Andyan kayong mga tropa, kaya di talaga ako nag-iisa.", sabi ko. "Ano nga palang plano mo na kunin sa college? Sa August na ang start ng sem.", sabi ni Ramona. "Di ko nga alam eh, baka mag criminology nalang ako o susubukan kong makapasok sa PNPA. Pero mas mukhang malinaw pa na hindi na ako magc-college eh, baka mag abroad nalang ako at mag ipon ng pang negosyo.", sabi ko. "Nako sayang naman.", sabi nya. "Eh ikaw? Ano kukunin mong course?", tanong ko. "Baka mag-tourism ako, o di kaya eh journalism. Pinipilit pa nga ako ni Yvonne na magbusiness ad nalang gaya ng sa kanya kaso di ko hilig yung ganun eh.", sagot ni Ramona. "Hmmm, ganun. Nga pala, ang sarap ng kape.", sabi ko, nakakagising din ng diwa. Naubos ko na nga eh. "Ako na maghugas.", sabi ko. "De, ako na. Iwan mo lang dyan sa lababo.", sabi nya. "Di, ako na nga.", sabi ko sabay lakad ko papunta sa lalabo dala yung tasa ko. "Ako na, Tristan.", sabi ni Ramona na nagmadali pang pumunta ng lababo. Nadulas sya sa basahan kaya dali dali kong sinalo sya. Medyo awkward dahil magkalapit ang mukha namin. Nagkatitigan pa nga kami at bigla syang tumayo. "Ah, eh, sige ikaw nalang. Akyat na ako sa taas hehe.", sabi nya sabay nagmadaling umakyat. Pft. Awkward, pero mas mukhang nakaramdam sya ng awkwardness kaysa sakin kaya siguro nagmadali syang umakyat. Ako naman medyo natatawa sa nangyari habang naghuhugas ng tasa. Biglang lumabas si Betty sa banyo habang naghuhugas ako ng tasa. "Oh? Kanina ka pa ba dyan?", tanong ko. "Di mo ko naramdaman ano? Landian kasi nang landian eh. Kakaagawan nyo sa lababo baka mainlababo ka dyan, hmmm.", sabi ni Betty. "Umakyat ka na nga, Bertonino.", sabi ko. "Hoy! It's Betty! FYI!", sabi niya habang naakyat. "Oo na, oo na!", sabi ko naman. Umakyat na din ako sa taas pagkatapos maghugas ng tasa para makapagpahinga na rin. Medyo awkward pala yung ganun pero napansin ko naman yung kagandahan ng mata ni Ramona nung nagkatitigan kami. Wala lang, mas lalo syang gumanda noong nag-iba yung trato nya sakin. Ewan ko ba. Basta, makatulog na nga lang. Teka, yung asero ko nga pala. Kinuha ko muna kay Komang habang natutulog, di ko na ginising at mahirap gisingin yun sa kapag lasing. Nakadikit na ata katawan nun sa kama eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD