Kabanata 19: Inuman

1392 Words
Mag-iinuman daw kami mamaya dahil nag-aya ng inuman itong si Kuya Lito. Nagkakatay din sila ng kambing na gagawing papaitan at kaldereta para pulutanin daw namin mamaya at may ulam sa hapunan. So ayun, nasaksihan ko kung pano katayin yung kambing. Iniaalay pa nga nila yung dugo sa lupain ni Kuya Lito kasi nabili na ni Kuya Lito yung bakante dun sa likod ng bahay nila, para daw mapagawa yung bahay nang mas malawak. Makalipas ang ilang oras, nagkantahan sila, party party yung mga bata na in-entertain ni Betty at ni-bless na din ni Eko yung party na iyon pati mga pagkain. Niluluto na din yung pulutan at ulam mamayang gabi. Pagkatapos ng party, luto na yung kaldereta, nagdecide sila Yvonne at Ramona na sa bahay nalang maghapunan, nasabi na din nila kay Ate Risa iyon para makaiwas sa inuman. Binigay ni Komang yung susi kay Yvonne. Sumama na din si Betty, Eko at Patrick pabalik sa bahay, si Patrick di talaga nag-iinom yan eh, si Ernesto kaunti lang uminom yun at pag lasingan ang inuman namin ni Komang di na yun nasama. Eh ngayon, wala syang choice kasi naaawa sya sa amin, iniisip nya na baka di kami makalakad sa kalsada nang maayos sa sobrang kalasingan. "Patrick, ikay pumarine.", sabi ni Ernesto. "Bakit?", tanong ni Patrick. "Eto kalamansi, tsaka yaong akeng bag, napatong duown sa higaan, alam mo naman siguro ang laman nuown?", tanong ni Ernesto na pabulong. "Oo, alam ko na gagawin.", sabi ni Patrick. "Patrick, kanina inabot ko sayo yung mga gamit ha. Tsaka ito oh, tatlong flashlights na yan, kunin namin yan mamaya.", sabi ni Komang. "Oo, sige, ako na bahala dun. Wala naman sigurong mangyayari dun na masama.", sabi ni Patrick, bulungan lang ang usapan. "Hoy tabachoy, lock mo pinto. Pag andun na kami tatawagin namin pangalan mo.", sabi ko. "Oo na, oo na.", sabi ni Patrick. "Oh, mga hija at hijo, pakabusog kayo ha.", sabi ni Ate Risa na nag-abot ng mga tupperware na may lamang ulam at kanin. "Ah, kalerki mother, dami nito. Thank you po sa masasarap na foods.", sabi ni Betty. "Salamat din, tsaka sa pagbibigay saya sa mga bata.", sabi ni Ate Risa. "Ay wala po iyon, Mother, basta ikaw hmm.", sabi ni Betty. "Salamat din, Father Eko.", sabi ni Ate Risa kay Eko. "Ay haha, di pa po ako Padre pero wala pong anuman, pagpalain po kayo.", sabi ni Eko. "Ma'am salamat po sa pagbisita sa birthday ng anak ko.", sabi ni Kuya Lito. "Wala pong anuman, Happy Birthday ulit, Yuri!", sabi ni Yvonne. Binati na din ng iba si Yuri bago sila umalis. Eto na nga iwan muna kami nila Komang at Ernesto para sa isang kaunting relax-relax muna. Nag-ayos sila Kuya Lito ng mga upuan at mesa tapos nilapag yung mga alak tsaka yung lambanog, di mawawala dyan yung Gin at Alfonso na pabirito ng mga katatayan. Nagsiupo kami at yung ibang kapitbahay ni Kuya Lito, nakipagkamayan pa nga kami dun sa mga kumpare nya. Tapos naglapag si Kuya Lito ng papaitan at iba pang putahe doon. Bale inuman na, di ako nalalasing masyado sa hard kasi pangmatagalang inuman yun at shot glass lang gamit, yung beer kasi mabilisan at pupunuin ka talaga hanggang sa nakakasuka na. Medyo nahihilo na ako makalipas ang limang oras na inuman pero tuloy-tuloy parin ang inuman. Wala lang bidyoke kasi matutulog na ata yung mga kapitbahay. May isang matandang babae doon na naglakad sa tapat ng bahay, mga nakatatlong balik sya. Yung panghuli tumigil sya. Itong si Komang medyo abala sa pag-iinom at pakikipagkwentuhan sa mga katatayan doon. Si Ernesto naman nasa tabi ko pinapapak yung papaitan. Napansin ko talaga yung matanda kasi bigla syang tumigil sa gilid tapos nakatingin lang sa amin na para bang binabantayan kami. Medyo nakakatakot kinikilos nya. Pero di lang pala ako yung nakapansin, pati yung kapitbahay ni Kuya Lito, sinigawan nya yung matanda "Hoy! Andito ka na naman ha! Gago ka iitakin na talaga kita!", sabi nung lalaki. "Bakit pre ano yun?", tanong nung katabi nung kumpare ni Kuya Lito na nanigaw dun sa matanda. "Narito na naman yung matanda eh, gago yun ah.", sabi nung lalaki. "Hoy! Putangnamo ha, g-gago ka papatayin kita eh.", sumigaw yung isa nung narinig pinag-uusapan nila tungkol sa matanda. Nagtanong si Komang kung bakit nila inaaway yung matanda, sabi ni Kuya Lito wala daw yun, dala lang ng kalasingan. Napansin ko naman na nagsara ng mga bintana si Ate Risa, yung bintana lang sa unahan ang bukas kung saan nakikita nya kaming nag-iinuman. Makalipas ng dalawang oras, umuwi na yung iba, yung iba sinundo na ng mga misis para umuwi. Sabi ni Kuya Lito, sya na hahatid nya daw kami kasi medyo hilo na ako. Ewan ko ba kay Komang bat di nahilo eh dami-daming ininom nun. Kako naman, wag na dahil kaya ko pa maglakad at andyan naman si Ernesto at Komang. Tinulungan pa namin si Kuya Lito na iligpit yung mesa at upuan dahil lasing na sya, di na kaya ng tuhod. Nagpasalamat nalang kami kay Kuya Lito tapos umalis na. Medyo hilo talaga ako dahil napalakas yung inom kong lambanog. Naglalakad kami at nakaakbay ako kay Ernesto dahil di naman ganun kalaki yun kaya madaling kapitan para makaalalay ako sa paglalakad. Nasa pagitan namin si Ernesto habang naglalakad kami nila Komang. "Hoy, may dala ka bang armas?", tanong ni Komang. "Ala ey wala, pero meron ako nare. Teka saglit.", sabi ni Ernesto sabay kapa niya sa bulsa, di na nya inabot sa kamay namin, diretso na nya nilagay sa mga bulsa namin yung kung ano man yun. "Tristan, may dala ka ba?", tanong nya sa akin. "Hmm, wait lang kapain ko. May asero ako oh, ikaw muna humawak.", sabi ko kasi di ko alam kung kaya ko bang hawakan yun eh baka malaglag lang. Noong andun na kami sa malapit sa tapat ng bahay may humarang sa amin na parang baboy ramo. Hinanap ni Ernesto yung amo kung nasa paligid kaso walang tao kaya bumulong sya sakin ng "Nako ingat tayo." Nabuhayan ako ng wisyo dun sa sinabi ni Ernesto. "Komang dyan ka sa likod, humarap ka sa likod natin at pag sinabi kong atakihin mo yang hangin, atakihin mo lang ha.", bulong ko kay Komang. Eh, syempre nakahawak ng flashlight si Ernesto, humanap ako ng paraan para bugawin yung baboy, malay natin baboy lang talaga dahil wala naman akong marinig sa paligid na kung ano. Kaya kinuha ko yung nakakalat na parang coco lumber sa sahig, di naman sobrang haba, sakto lang parang dos por dos. "Shuu! Shuu!! Umuwi ka na baboy ka.", sabi ko medyo lasing pa. Bigla akong nagulat dahil ngumiti yung baboy, ay talagang nawala ang kalasingan ko. "Tangina pati dito mayroon din.", sabi ko, sumugod yung baboy papunta samin. Sinabi ko agad kay Komang na umatake. Noong umatake si Komang sa likod, napaatras yung baboy at tumakbo palayo, mabilis tumakbo. "Gago yun ah, nga pala bat sa likod?", sabi ni Komang. "May nabasa ako na pag inabangan daw ng aswang, umatake ka sa likuran mo, dahil ang lahat sa aswang ay kabaligtaran.", paliwanag ko. Medyo nangingilatis pa kami ng paligid habang bumabalik sa bahay. Kumatok kami sa pinto at tinawag si Patrick. "Tabachoy! Buksan mo!", sigaw ni Komang. Pagkabukas ng pinto pumasok agad kami at sinara yung pintuan. Nagtanong si Patrick kung meron daw ba. "Ala ehy ano pa nga ba?", sabi ni Ernesto. "Edi meron nga?", tanong ulit Patrick. "Oo, meron talaga. Anyong baboy, parang ikaw.", sabi ni Komang. "Ano ba naman yan, pati dito meron?", tanong ni Patrick. "Nabasa ko nga sa libro na kahit saan daw mayroon. Kumbaga may mga lugar na normalized na ang ganitong senaryo, ibig sabihin wala talagang safe na lugar kahit saan.", sabi ko. "Wahaha, ano tabachoy uwi ka na?", tanong ni Komang na parang nang-aasar. "Ahahahay nako po, kapag ka iyay umuwey paniguradong yare sya doon lalo't mag isa laang sya.", sabi ni Ernesto. "Uy hindi ah, tsaka di ako natatakot noh. E-Enjoyin ko din ang bakasyon na ganito, minsan lang ito eh.", sabi nya. "Oh, lock mo pinto at bintana dito sa baba, baka pumasok yun.", sabi ko kay Patrick na may halong pananakot. Dali dali naman nyang sinara yung mga bintana at pinto na nakalock pa lahat. Sabi ni Ernesto na wag nalang patayin ang ilaw sa baba. Tsaka nag-akyatan na din sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD