Tulala ako sa pintong dinaanan ni Beatrice. Hindi ko mawari kung iyon lang ba ang sinadya niya o baka may iba pa siyang motibo. Pumunta lang siya rito para tanungin kung may dinadalang babae si Sir Arch? Naguguluhan ako ngunit bilang isang katulong, batid kong hindi ito sakop ng mga dapat kong problemahin. Kalahating oras na mula nang umalis siya. Marami sa mga minutong ito ay binuhos ko sa pagkatulala. Natauhan lang ako nang ma-realize kong hindi pa pala ako nakakapag-isip ng hapunan. Ni hindi pa ako nakakapaghanda ng miryenda na maaaring kainin ni Sir pagkauwi. Tumungo ako sa kusina at pinagmasdan ang refrigerator. Nag-isip ako ng maaaring ihanda ngunit wala na akong alam bukod sa mga naihain ko na nitong nagdaan. Hindi naman siguro ako pagagalitan o sisitahin kapag wala siyang naabuta

