Chapter 14

2168 Words

Nanatili ako rito sa labas habang nag-uusap sila sa loob. Hindi ko na ipinagpilitan pang maging malapit doon upang marinig kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. Pinili kong iligaw ang aking sarili sa mga nakikita ngayon, partikular na sa kulay pulang usbong ng santan sa magkabilang gilid ng malawak na daanan. Wala na maliban sa santan. Ito lang ang tanging halaman sa bakurang ito at baka hindi na napagtuunan pa ng pansin para dagdagan. Baka naman hindi mahilig `yong mismong amo para magtanim at maglagay ng ornamental plants? Sa totoo lang ay hindi naman ako sanay sa ganoon ngunit interesado akong matuto. Inilandas ko ang aking palad sa mga bulaklak ng santan. Dinama ko kahit bahagyang basa dulot ng halumigmig. Ginagawa ko ito para maiwaksi panandalian lahat ng mga bumabagabag sa’kin—

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD