Acutus' POV "Vis..." "Acutus... Tama na..." Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina dahilan para mapaluhod ako sa sahig. Tiningnan ko buong paligid at ang mga taong wala ng buhay sa sahig. Nanginginig ang aking buong sistema habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Sinulyapan ko ang aking mga kamay at isa lang ang nakikita kong dahilan ng lahat - ako. Ako ang siyang pumaslang ng mga narito. Ako ang siyang sumira sa bayang ito. Gaya ng nasasabi sa propesiya, ako ang siyang puno at dulo ng lahat. Walang ibang kailangang sisihin maliban sa akin. Ako ang siyang may kagagawan ng karumaldumal na sinapit ng bayang ito - ang tahimik at payapang bayan ng Pax. "Hindi... hindi ito totoo hindi ba?" tanong ko habang pinagmamasdan ang isang walang muwang na bata habang nakatingin sa akin at umiiy

