11

1312 Words
“Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang aking anak na pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa Amerika, muling narito ngayon at kasama natin sa pagdiriwang ng aking kaarawan,” nangingislap ang mga mata sa tuwang sabi ng Chairman ng kumpanya na piniling sa tapat na ilalim ng stage na lang magsalita. Katatapos lang ng unang set ng performance ng Crayons Band at nasasakupan ang stage ng kanilang mga instrumento. Tumingin ang Chairman sa dakong kinauupuan ng anak, “My only son, Romualdo Del Valle.” Tumayo si Aldo mula sa pagkakaupo sa mahabang mesa na intended para sa VIP guests saka humarap sa mga tao at nakangiting kumaway. Naupong muli pagkatapos ng palakpakan at ilang saglit pa, sinamahan na rin ng Chairman sa mesa pagkatapos nitong sabihan ang lahat na i-enjoy ang party. Iyon ang ikinagulat ni Enso. “Si Aldo, anak ng may-ari,” mahinang nasabi niya sa sarili. “Kilala mo si Sir?” nagtatakang tanong naman ni Cliff. Kinuha nito ang canned softdrink na idinulot kay Enso ng waiter ng caterer at pinalitan ng bottled water. Nagtaas naman ng kilay si Rob sa gesture na iyon ni Cliff. “Hindi siya umiinom ng softdrinks?” Nanatili si Rob sa kanilang mesa kahit nang yayain pa ito ng tiyuhing si Mr. Wil para samahan. Daig pa nito ang linta kung makadikit kay Cliff. Bagay na dinedma na lang ni Enso dahil alam niyang malaking tulong ang nurse kay Aling Irma nang ma-confine ito sa ospital. Nang hindi pansinin ni Cliff ang tanong ni Rob, hinawakan nito ang binata sa baba saka iginiya ang mukha paharap saka inulit ang tanong. “Hindi,” maikling sagot ni Cliff na mukhang itinatago ang nagsisimulang inis. Tinanggal nito ang kamay ni Rob sa kaniyang baba. “Arte naman,” komento ni Rob saka tumingin sa kaniya. Umiling si Enso. Mukhang kailangan niya ng mahabang pasensiya ngayong gabi para mapanatili ang composure sa sarili at balewalain ang lumalalang insecurities ni Rob. “Isa na lang ang kidney niya kaya kailangan niyang mag-ingat,” sagot naman ni Cliff na ikinagulat ni Enso. “Paano mo nalaman?” Napangisi si Cliff. “Kay Greta, kanina habang nagbibihis ka sa kwarto ko bago tayo umalis ng bahay.” Napangiti si Enso. “Kaya dapat lang na inaalagaan iyan at nag-iisa na pala.” “Sa bahay ninyo siya nakatira?” hindi makapaniwalang tanong ni Rob na sa tingin ni Enso ay lalong sumidhi ang hindi maitagong pagseselos nito sa kaniya. “Bakit?” Gusto na sanang sagutin ni Enso ang tanong ni Rob ng ‘Oo sa kanila ako nakatira at sobrang close na kami’ pero nagtimpi siya at baka lalong mag-alburuto ang lalaki. Isa pa, hindi na niya kailangang sabihin iyon at nakikita niyang apektado na ang lalaki sa nangyayari. Hindi na naman pinansin ni Cliff si Rob. “Kilala mo ba si Sir Rom?” ulit na tanong sa kaniya ng binata. Akala siguro ni Cliff naalala niya si Aldo sa kaniyang memorya. “Nakita ko lang kanina sa salon at pangalawa nito lang tulungan ko si Mr. Wil sa laptop.” Ilang minuto pa ang nakalipas, nagsimula ng magtawag ng mga contestant ang emcee ng party para sa unang game. “One Plus One game iyan,” sabi ni Cliff sa kaniya. “One Plus one?” Ibig sabihin kasama siya sa game kung sakaling mabunot? Hindi pa nakasasagot si Cliff nang mabunot ng Emcee ang pangalan ng binata. “And last but not the least, Clifford Evangelista and his Plus One!” Ipinihit ng binata ang upuan paharap sa kaniya saka hinawakan siya sa kamay. “Madali lang iyan. Isipin mo lang na maglalaro ka para sa mga bata. For a good cause.” Nagsimula siyang makaramdam ng panic. Kung kelan naman ayaw niyang mabulgar ang presensiya niya sa panahong ito saka naman gumagawa ng paraan ang pagkakataon na kalabanin siya. Naunang tumayo si Cliff saka siya hinala patayo. “Kasama mo naman ako Enso. Wala kang dapat ipag-alala.” Mukhang sapat na nga ang sinabi sa kaniya ni Cliff para sundan niya ito papunta sa harapan ng stage habang hindi naman maipinta ang mukha ni Rob na naiwan sa mesa. Ayon sa Emcee, dalawa ang stage ng benefit game. Una, bibigyan sila ng ice tube. Kailangang tunawin nila ang ice tube habang palipat-lipat sa kanilang mga kamay every five seconds. Bawal isubo o i-crush. Ang unang makakatunaw ay siyang maglalaro sa pangalawang round kung saan gamit ang ibibigay na karayom, papuputukin ang nakahandang lobo sa loob ng dalawang minuto na kung saan nasa loob ang amount ng perang isasama sa ido-donate sa bahay ampunan. “Hey, relax lang. I-enjoy lang natin ang game. Kahit naman sinong manalo sa larong ito, mga bata sa ampunan pa rin naman ang panalo,” sabi ni Cliff sa kaniya nang magkaharap na sila. Sila lang dalawa ni Cliff ang parehas lalaki sa hilera ng mga kalahok na naghihitay mabigyan ng kani-kaniyang yelo. Paano ba niya matutunaw kaagad ang yelo kung ganitong pinanlalamigan siya ng kamay? Ramdam rin ni Cliff nang hawakan ang kaniyang kaliwang kamay at magdikit ang kanilang mga palad. Hinila siya ng marahan ni Cliff sa kanang balikat at inilapit nito ang bibig sa kaniyang tainga saka bumulong, “Tumingin ka lang sa akin… sa mga mata ko.” Para siyang kinukuryente sa pagsagi ng mainit na hininga ni Cliff sa kaniyang punong-tainga. “Isipin mo lang iyong kaninang nasa van tayo bago umalis ng bahay. Kung paano kita tingnan.” Sinasabi na nga ba ni Enso, iyong mga tingin sa kaniya ni Cliff at paglapit ng mukha nito sa kaniya ay iba na ang ibig sabihin. Parehas ng naramdaman niya.  “Kung gaano kainit,”- patuloy nito na napalunok at suminghap ng malalim - “sa loob ng sasakyan nang makita kita sa suot mo.” Tumingin siya sa mga labi ni Cliff nang dumistansiya ulit ang binata sa kaniya at bumalik sa pagkakatayo. Ngayong bumalik sa isip niya ang tensyong iyon kanina, naramdaman na naman niya ang kagustuhang mahalikan ang mga maninipis na labing iyon ng binata. Nanunukso na ang ngiti ni Cliff nang bitiwan ang kaniyang kamay na kakatwang nawala na ang lamig para kuhanin naman nito ang ice tube na ibinigay ng miyembro ng game committee para sa team nila. Nang pumito ang game master, ipinasa na sa kaniya ni Cliff ang yelo. Ilan sa mga kalahok ang nakabitaw habang nilipat-lipat naman ni Enso sa kaniyang mga palad ang yelo. Sumunod na pito, balik ulit kay Cliff ang yelo. Pahimas naman ang ginawa ng binata na habang hawak ang kalahati ng ice tube, todo himas naman sa kalahati at malisyosong pangiti-ngiti sa kaniya. “Ini-enjoy mong masyado,” sabi niya kay Cliff. Hindi niya maiwasang tumingin sa medyo makalyong palad nito at biglang pumasok sa isip kung ano kaya ang pakiramdam ng nakabalot ang palad na iyon at mga daliri sa kaniyang - wait, stop. Ano ba itong pumapasok sa kukote niya? Ibinalik ulit sa kanya ni Cliff ang yelo na malaki na ang natunaw nang pumito ulit. “Laro nga ito kaya dapat lang i-enjoy,” anito saka siya kinindatan. Pagkalipas pa ng maraming segundo, kakaunti na ang natira sa yelo. “Himasin mo pa ng himasin, Cliff,” nae-excite niyang sigaw pagkatapos tingnan ang natitirang kalaban nila na mas malaki pa ang natitira sa mga yelo nila. Bumaba naman ang tingin ni Cliff mula sa kaniyang mga mata papuntang harapan ng kaniyang pantalon. “Pwede ba?” binuntunan ito ng pagtawa. Sa sikip ng pantalon ni Cliff na suot niya, hindi maitatago ang bagay na tinitingnan ng binata. Ramdam niyang uminit ang kaniyang mga pisngi. “Loko mo, sa yelo ka tumingin.” Paglipat sa kaniya ng yelo, ilang kaskas lang sa kaniyang mga palad, tuluyan ng naging tubig. Hinawakan siya sa kamay ni Cliff at itinaas nila ang mga kamay para ipakita sa game master na tunaw na ang yelo nila. “May winner na tayo na tutuloy sa next step. Clifford Evangelista and Plus One!” Palakpakan ang mga nanonood. “Panalo tayo,” nangingislap ang mga mata sa tuwang sabi ni Cliff.  “Oo nga. Tayo ang nakapasok sa putukan ng bola.” Bumulong sa kaniya si Cliff. “Pagkatapos maghimasan, putukan naman.” Hindi pa rin nito bitiwan ang kamay niya na lalong nagpasimangot kay Rob na namataan ni Enso sa audience. Katabi nito ang tiyuhing si Mr. Wil na todo ngiti at naka-two thumbs up signal sa kanila ni Cliff. “Puro ka kalokohan,” aniya pero hindi rin mapigilang matawa sa sinabi ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD