8

695 Words
Mas malaki ang katawan ni Enso kumpara kay Cliff kaya naman ang medyo maluwang para kay Cliff ay exact fit na sa kaniya. Kita niya sa salamin na hapit na hapit na ang black polo shirt na may white stripes sa kwelyo sa kaniyang katawan. Buti na lang at medyo stretchable ang tela kaya naman bumakat na ang well-formed pectoral muscles niya pati na rin ang kaniyang six-pack abs.  Eksaktuhan din ang mga manggas polo shirt kaya nagmukhang mas malalaki ang kaniyang mga biceps at triceps. Ganoon din ang white jeans na napili ni Greta para sa kaniya na nagmistulang pangalawang balat na niya kaya na-highlight tuloy ang kaniyang bubble butt. Naki-gamit din siya sa hair wax ni Cliff at sinuklay papuntang kanan ang kaniyang buhok. Tuloy medyo uneasy ang feeling niya nang lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.  “Hindi ba masagwang tingnan ang suot ko?” tanong niya kay Greta na naabutan niyang nasa harapan na ng bahay at nakatayo sa may labas ng pintuan. “Feeling ko para akong binalot na suman.” Ngumiti naman ang dalagita. “Hindi ako nakain ng suman pero kung ikaw ang suman, willing na willing kitang talupan,” sabay-tili nito. “Puro ka kalokohan. Iyong totoo?” Bakit ba siya nate-tense at gusto niyang marinig ang assurance ni Greta na ayos lang ang porma niya bago pa siya makita ni Cliff? Inayos ni Greta ang kwelyo ng polo shirt niya. Binuksan ang isa pang butones at iyong sa patatlo sa ilalim ang itinira sa huhales. “Relax. You look great Kuya Enso,” seryoso nitong sabi. “Bakit ba karamihan ng gwapo ngayon kung hindi taken ay bi?” Natawa siya sa tinuran ni Greta. “At bakit ke-bata mo pa pero kung ano-ano na ang naiisip mo?” Inirapan siya ni Greta. “Sige na hinihintay ka na ni Kuya Cliff,” kunwari’y naainis nitong sabi saka tumingin sa kulay pink nitong wrist watch. “Maaga pa naman at lampas alas-tres pa lang pero may dadaanan pa yata si Kuya Cliff. Anyway, just enjoy the party.” “Thanks” tugon niya na pagtalikod kay Greta, nagulat siya nang nanggigigil na hinampas ng dalagita ang kaniyang p***t saka natatawang pumasok sa loob ng bahay para magtago sakaling gantihan niya. Nakatingin sa kaniya si Cliff pagpasok niya ng van. “Masikip yata sa akin itong damit mo,” aniyang na-conscious na naman sa mga titig ng binata. “Hindi naman. Tama lang sa paningin ko. Pwede kitang i-describe in two words.” Nakahinga siya ng maluwang. Mukhang lately ang nagiging batayan na niya para sa sarili ay kung ano ang maganda sa paningin ni Cliff. Tinanggal ulit ni Cliff ang pagkaka-seatbelt, pumihit paharap sa kaniya saka nagsalita. “Hot and sexy.” Twenty-five years old na si Enso pero bakit pakiramdam niya ngayon daig pa ang teenager sa pag-blush ng kaniyang mga pisngi? At ano ang ginagawa ng mga gamo-gamong nagliliparan sa loob ng sikmura niya? Umisod pa si Cliff saka inilapit ang mukha nito sa kaniya. Kung nagkataong wala ang console box ng sasakyan sa pagitan nila, malamang nagkadikit na ang mga tagiliran nila at dumampi na sa mukha niya ang mainit na hininga ng lalaki.  Parang nanunuyo ang lalamunan ni Enso na biglang napalunok. Biglang umarangkada ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya naging lampasan sa windshield ng sasakyan ang init ng araw sa labas na biglang nagpainit sa loob ng van. Kita niya ang pagbaba ng tingin nito mula sa kaniyang mga mata patungo sa kaniyang mga labi. Hahalikan ba siya ni Cliff?  Nagpapigil sa kaniyang paghinga ang naisip. Hindi niya maikakailang gusto rin niyang halikan siya ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang present time niya, babalik din siya sa 2016 sooner or later. “Parang ikaw lang din,” balik-papuri ni Enso nang makaipon ng lakas para labanan ang sarili at basagin ang trance-like atmosphere sa loob ng van. Nagliwanag ang mukha ng binata saka idinistansiya ang mukha nito palayo sa kaniya. “Tayo na?” Tumango si Enso.  Pagkatapos ng ilang saglit na ngitian nila sa isa’t isa, pinaandar na ni Cliff ang sasakyan. Nagpasalamat si Enso sa malamig na ibinubuga ng aircon grills sa tapat niya. Enough para mag-level down ang s****l tension na nag-spike sa pagitan nila nilang dalawa ni Cliff. Pero hindi mawala-wala sa isip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng nakadikit ang mga maninipis na mga labing iyon ni Cliff sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD