Tatlong linggo ang lumipas. Wala pa ring nagbabago sa pakikitungo sa kaniya ni Renzy. Ang mga nakasanayan nitong gawin sa panliligaw sa kaniya ay consistent pa rin. Ihahatid siya nito sa pagpasok sa trabaho, at tuwing uwian niya ay lagi itong naghihintay sa labas ng Mall para sabayan siya sa pag-uwi. Lagi itong may dalang bulaklak. Noong una ay lagi itong nagbibigay sa kaniya ng isang bungkos na tulips. Sinabi niya kay Renzy na kung hindi nito gagawing isa ang tulips ay hindi niya ito tatanggapin. Pamula noong sumunod na araw, iisang tulips na lang ang ibinibigay nito sa kaniya. Kulay pink ang kulay noon at may laso na nakatali sa tangkay nito. Pag minsan ay niyaya rin siya nitong kumain o mamasyal tuwing day off niya. Hindi naman siya mahilig gumala kaya tinatanggihan niya ito. Tatlon

