Kahit na ilang beses niyang sinabi kay Renzy na hindi siya magpapaligaw, hindi pa rin ito nagpatinag. Sa araw araw ay lagi itong nagbibigay ng tulips sa kaniya. Consistent din ito sa pagbibigay sa kaniya ng mga tsokolate. Isa at kalahating buwan na itong nanliligaw sa kaniya. Hindi niya na napansin ang takbo ng panahon dahil sa sobrang bilis nito. Kada isang linggo ay napupuno ng mga chocolate ang isang layer ng drawer niya. Sa sobrang dami nito ay hindi niya na ito makain pa. Iba't ibang brand ang ibinibigay nito; may dairy milk, Toblerone, Hersey, at m&m. Wala naman siyang hilig sa tsokolate kaya hindi rin niya nakakain. Lagi niya na lang tinatawagan si Jenny para bawasan ang tsokolate na nakatago. Minsan nga ay dinadala niya sa trabaho para ibigay kay Maricar. Tuwang tuwa ito dahil m

