Kakalabas niya lang sa gate ngunit humarang na sa daraanan niya si Renzy. May takip na bungkos ng rosas ang mukha nito. Napahawak siya sa kaniyang ulo, hindi talaga natinag ang lalaki sa sinabi niya. Grabe, ang pagiging matigas ng ulo nito. Parang mahihirapan yata siyang patigilin ito. Kahit na nakaharang ang mga rosas sa mukha nito, alam niyang may ngiti pa rin na nakapaskil sa mukha ng lalaki. "Bakit ka nandito?" walang reaksyon na tanong niya. Kung ngingiti siya, baka akalain nito na masaya siya sa panliligaw nito. Kung nakasimangot naman siya, baka mahalata nitong galit siya. Kung wala siyang ekspresyon, makikita nito na wala siyang pakialam sa panliligaw nito. Baka tumigil na ito at pabor ito sa kaniya. Napatingin siya sa hawak nitong rosas. Hindi niya maiwasan na mapalunok. Inaa

