Sa mga sumunod na araw ay lagi niya nang nakikita si Renzy sa Mall. Namamasyal lang ito at tuwing oras ng uwian niya ay naghihintay na ito sa kaniya. Ilang beses niya itong tinanong kung bakit lagi itong naghihintay. Iisa lang ang laging isinasagot nito. Tatlong salita na mahirap paniwalaan. Ito ay ang—Gusto ko lang. Sa araw na ito ay alas-dyes na ng gabi ang kaniyang uwi. Muli kasing pinalitan ang kaniyang schedule. Nakita niya ang paglapit ni Renzy sa kaniyang pwesto. Napaatras siya dahil sa pagkataranta. Muntik na siyang mawalan ng balanse dahil nabunggo niya ang shelf na nasa likod niya. Patay malisya siyang umayos sa pagkakatayo. Nanatili na lang siyang nakatayo sa gilid ng shelf. Hinihintay niya na lang itong lumapit. Noong tumigil ito sa kaniyang unahan, hindi niya ito tinitigan

