"Hindi ka ba malulungkot?" tanong ni Renzy sa kaniya. Napakunot ang noo niya. Parang naitanong na rin sa kaniya dati ni Jenny ang bagay na iyon. Napatingin siya sa lalaki at nakita niya ang kalungkutan sa mukha nito. Umiwas din siya nang tingin. Pinagmamasdan niya na lang ang maleta na nasa tabi nila. "Bakit naman ako malulungkot?" tanong niya habang nakayuko. "Dahil aalis na ako?" patanong na sagot nito sa kaniya. Napabuntong hininga siya at pagkatapos ay umiling siya. Ngayon na nga pala ang alis nito. Ang bilis lang ng mga araw. Hindi na nila namalayan na may katapusan ang pananatili nito sa Iloilo. "Hindi naman," pagsisinungaling na sagot niya. Hindi niya sasabihin sa lalaki na may konti siyang lungkot na nararamdaman. Ayaw niyang aminin. "Matagal akong mawawala. Magiging magkal

