Napatingin siya kay Renzy noong naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang kamay. Ang nakangiti nitong mukha ang nakapag-palambot sa kaniyang puso. Ngumiti rin siya at ibinaba niya ang tingin sa kamay nilang magkahawak. Itinuloy nila ang paglalakad upang sundan ang mga kasama nila. Pauwi na sila sa apartment. Sina Martin, Gerod at Jenny ay nauuna na sa paglalakad, habang sila ni Renzy ay nasa hulihan ng mga ito. "Martin, ang tanga mo naman! Bakit mo hinayaan na masuntok ka ni Delgado?" inis na inis na sigaw ni Jenny. Napalingon sila kay Jenny. Itinuro nito ang mukha ni Martin na ngayon ay kitang kita na ang pasa sa kanang pisngi. Hinawakan ni Martin ang pasa niya at ngumiwi ito. Tumigil silang lahat sa paglalakad. "Nakatalikod ako sa kaniya, paano ko siya makikita! Malay ko ba nam

