Kabanata 24

2282 Words

Umupo siya sa kahoy na upuan na nasa tabi ng gate. Lumingon siya sa kabilang kalsada upang hanapin si Jenny. Napatingin na lang siya sa kaniyang relo noong hindi niya ito nakita. Hanggang anong oras pa kaya siya maghihintay? Kukunin na sana niya ang kaniyang cellphone ngunit napatigil siya. Narinig niya ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Jenny. Lumingon agad siya sa kabilang kalsada at nakita niyang tumatakbo si Jenny palapit sa kaniya. Kumaway ito habang nakangiti sa kaniya. Napangiti na lang siya noong makita ang hawak nitong pompoms. Nagmadali ito sa pagtakbo papunta sa kaniyang pwesto. Noong nakarating ito sa kaniyang unahan ay yumuko ito. Hinabol nito ang paghinga at pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya kay Jenny. Itinaas nito ang hawak na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD