KABANATA 13

2003 Words
Kinabukasan ay mas naging busy pa ang lahat para sa paghahanda sa darating na Intramurals. Ang mga team ng iba't-ibang mga sports ay buong araw rin na nasa training habang ang ibang mga estudyante naman ay abala sa paggawa ng mga banner. Syempre ay nangunguna roon ang fangirls ng basketball team. Natawa pa nga ako nang makita ang banner na para kay Heize na doble ang laki sa banner na para kay August. "Oh, Hale? Ba't nandyan ka pa? Wala pa kayong rehearsal?" Bigla ay sumulpot sa tabi ko si Avi na aligaga sa pagkalkal ng kanyang bag. Halos baliktarin na niya ang mga laman nito para lang makita ang kung ano mang hinahanap niya. "Nakita mo ba 'yung notebook kong pink? Hindi ko mahanap sa bag ko." Nagkibit balikat ako. "Wala, 'di mo nga nilalabas ang mga notebook mo eh so papano ko malalaman?" Muli ulit siyang nagkalkal ng kanyang gamit, namumuo ma rin ang pawis sa kanyang noo kaya't agad akong lumapit sa kanya para mapunasan iyon. "Para saan ba 'yun at bakit parang madaling-madali ka riyan?" tanong ko saka binuksan ang bag para kunin ang tumbler kong puno ng tubig at iniabot iyon sa kanya. "Nandoon kasi nakaipit 'yung ID ko, hindi raw makakapasok sa court kung wala 'yun. Hindi ko pa kasi nahahatiran ng pagkain si August!" Nang makumpirmang wala talaga ang hinahanap niya sa kanyang bag ay pagod siyang naupo at naghabol ng hininga. "P*cha! Bakit ba kasi nandoon iyong Colliner na 'yun! Panira ng buhay!" "Bakit daw ba bawak ang walang ID? Ka-ek-ekan niya lang 'yun, hindi naman bawal 'yun dati," panunulsol ko pa. Agad siyang humarap sa akin at malakas na nagsalita. "Diba?! 'Tsaka wala namang rules na binigay sa atin na ganon. Sadyang papansin lang talaga siya! Lahat na lang ay pinag-iinitan! Hindi maka-move on kahit hindi naman siya ang naagrabyado!" Umirap si Avi saka muling tumayo at pinulot ang mga gamit niyang nalaglag kanina. "Oh, kumalma ka lang kasi! Antayin mo na lang siyang umalis doon at baka sa court mo mismo naiwan 'yung ID mo. Salisihan mo na lang," mahina kong sabi kahit na halos wala na akong marinig dahil sa lakas ng pagdadabog niya. Ang iba tuloy naming mga kaklase ay nagsisipagtinginan na sa direksyon namin, akala mo naman kasi ay mundo ang ibinabato ni Avi sa sobrang galit niya. "Whatever!" pagtataray niya. "By the way, hanap ka pala ni Heize. Taray niyo ah, laging naghahanapan. Magsyota?" Agad kong hinampas sa kanya nang pabiro ang medyas kong kakahubad pa lang. Balak ko na kasing bumaba papuntang Hall para sa rehearsal at ayaw ko nang magpakahirap pa mamaya sa pagpapalit ng heels kaya naisipan kong magpalit na lang ng tsinelas. "Aray ko! Para namang baliw 'to! Guilty ka ba, beh? Kala mo naman maganda," tumawa siya sa akin. "Ang ingay mo, Avianne. Sana hindi umalis sa pagbabatay roon si Colliner at nang matauhan ka riya. Bleh!" Nang umamba si Avi na babatuhin ako ng sarili kong medyas ay agad akong tumayo at mabilis na itinakas ang sarili sa kanya. Nang makalayo ay dumiretso na rin ako sa Hall kung saan magaganap muli ang rehearsal. Nang makarating ako roon ay nagsimula na sa pagtibok nang mabilis ang puso ko dahil sa kaba. Naroon kasi nakatambay ang mga estudyanteng hindi kasali sa sports team. Lahat sila ay nakaupo sa kani-kanilang silya at nagkukwentuhan. Hindi pa nagsisimula ang rehearsal kaya naman nang dumating ako ay mabilis ding napunta sa akin ang atensyon nila. Bahagya tuloy akong naasiwa dahil sa titig nila sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay karamihan sa kanila ay mga freshman pa. Magbabarkada kaya't maiingay at palatawa. "Uy, Jomar! 'Yung crush mo oh!" narinig kong sabi no'ng isa na siya ring sinulsulan ng iba. "Nice one, Jo!" "Wooh! Manok ko 'yan!" Nagkantyawan pa sila pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil nagmadali na ako sa pagpunta sa backstage. Nang makarating ako roon ay halos kumpleto na rin ang lahat. In-inform na rin kami ng representatives na maghanda dahil magsisimula na ang dry run para sa pinaghahandaang pageant. Katulad ng palaging ginagawa ay sinusunod namin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kandidata. Hindi iyon naka-base sa kung anong year na kami. Gusto naming maging fair ang lahat mula sa umpisa kaya napagdesisyunan naming magbunutan na lang. At dahil nga swerte ako sa pressure, ako panang nasa pinakahuli. "Candidate number 6, Ms. Allie Jaramido!" Malakas na sigaw ng host. Nagpalakpakan ang mga nanonood kaya't mas nakaramdam pa ako ng kaba. Sinisilip-silip ko pa nga kung gaano na karami ang mga audience kaya't mas lalo pa akong kinabahan nang makitang mas dumarami pa iyon. Kada minuto kasi ay may panibagong grupo ng mga estudyante na pumapasok para manood. Dapat ay dito na lang nagbantay si Ms. Colliner para kaunti lang ang tao. "Candidate number 7, from 4th year, Engineering Department, Miss Alejandra Salvacion!" Nanlamig ang palad ko nang tawagin ang candidate bago ako. Ngumiti pa siya sa akin bago tumapak sa stage at confident na naglakad. Maraming mga 4th year students ang nanonood kaya mas malakas ang cheer sa kanya kumpara sa iba. "Alec! Ang ganda mo! Panalo ka na!" sabay-sabay na sabi ng mga audience kaya mas nakadagdag pa iyon sa kaba ko. Pinanood ko kung paano siya maglakad mula sa dulo hanggang sa gitna. Sa lahat ng mga candidates ay sa kanya ang may malaking tyansa na manalo. Bukod kasi sa tangkad at ganda niya ay nag-uumapaw rin ang kanyang charisma. Iyong tipong hindi lamang mga lalaki ang nabibighani, kung 'di pati na rin ako. Tahimik lang siya at elegante kung kumilos. Kung siya man ang mananalo ay wala na akong masasabi pang iba. Panigurado ay deserve niya naman iyon, pero syempre ay deserve namin iyon pareho. "And last but not the least, Candidate number 8, fresh from 2nd year Tourism, Miss Hale Celestina Santiago!" Huminga ako nang malalim at inalis ang lahat ng kung ano mang mga bagay ang bumabagabag sa akin. Tumapak ako sa unang hakbang ng hagdan papunta sa stage, at nang lumabas na ako roon ay agad kong narinig ang malakas na sigawan ng mga tao. Malalaki ang boses ng mga iyon pero litaw na litaw sa pandinig ko ang boses ni Heize. Nagkunwari akong walang naririnig at nagpatuloy sa pagrampa, at nang makarating ako sa gitnang stage ay doon ko lang nakita ang kumpulan ng basketball team. Kanya-kanyang cheer ang lahat habang si Heize naman ay agresibong winawagayway ang malaking banner na may drawing ng mukha ko. "Santiago, ang ganda-ganda mo!" sigaw niya. Agad na nagkantyawan ang mga kaibigan niya. Syempre ay napansin ko rin ang maasiwang tingin sa akin ng mga fangirls niya, malamang ay nagagalit. Ikaw ba naman ang sabihan ng maganda ng isang sikat na lalaki 'di ba? Pero dahil si Heize naman iyan ay hindi na ako masyado pang nagbigay ng malisya. "Wohhh ganda!!" sigaw ng iba pa. Halos puro boses ng mga lalaki ang naririnig ko sa bawat punta ko sa mga sulok ng stage. Kahit nga hindi ko kakilala ay nag-chi-cheer para sa akin. Sa kalagitnaan ng pagrampa ay nawala na ang kaba ko dahilan para mas maging maayos ang daloy ng lakad ko hindi katulad kanina na pakiramdam ko ay may nakapasan sa akin nang dahil sa bigat ng katawan ko. Pero katulad ng napag-usapan namin ni Gina ay hindi ko muna ginawa ang pinag-pa-practice-an kong lakad lalo na't mas marami pa ang mga nanonood ngayon. Nang makababa na ako sa stage ay ipinakilala naman ang mga mag-iintermission number. Sinabihan kami na ang oras na iyon ay nakalaan para sa paghahanda namin para sa susunod na category — ang casual attire. Dahil matagal ang inihandang intermission ng mga assigned club ay tumambay muna kaming lahat sa backstage. Lahat ng mga kandidata ay nagkukwentuhan habang si Alec naman ay tahimik na nakaupo sa isang sulok. Dahil nga wala naman akong ka-close ni isa sa kanila ay kumuha na lang ako ng silya saka naupo sa isang sulok na malayo sa lahat. Inilabas ko ang cellphone ko saka nagbukas ng text messages. May dalawang nag-text sa akin, si Avi at ang pinsan ko. Inuna kong buksan ang message mula sa pinsan ko dahil malamang ay galing iyon kina Mama. From: Kuya Jonas nak.. si papa mo e2, gudlak sa imo laban buwas dai.. ari lng kmi dire nakasuporta sa imo. luv you nak.. Napangiti ako at agad na nag-reply sa kanya. Me: Hello po papa at mama. Daghan salamat kaayo sa inyo. Gagalingan ko po. I love you too. Nang mai-send ko iyon ay binuksan ko naman ang text ni Avi. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mabasa ko iyon. From: Avianne Girl, may chika ako. Ichichismis ko nga dapat sa 'yo later pero 'di na ko makapaghintay so gora na 'to. Alam mo ba, lumapit si Yael kanina kay Heize, nagpapapansin ata? Ewan ko basta bigla na lang siyang lumapit. Eh syempre nagulat kaming lahat, lalo na ako noh! Tapos ayun girl nag-aalburoto siya pinipilit niyang makipag-usap kay Heize sa labas daw. Ang kapal ni ate mo??? At dahil ikaw ang kakampi ko, sinamaan ko ng tingin si Heize tapos ayun hindi na siya pumayag sa gusto ni Chelsea. Pero paano pala kung 'di ko siya sinamaan ng tingin, 'no? Sasama kaya siya? Btw ayan mag-overthink ka na! I love you beh galingan mo rumampa 'wag mong ipahalatang badtrip ka mweheheks! Mwa! Agad na kumunot ang noo ko nang matapos ko iyon basahin. Akala ko ay natapos na ang galit ko kay Chelsea pero mukhang mas nadadagdagan pa iyon. Isang taon na ang lumipas magmula noong naging rumored couple sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil doon. Ilang beses na rin namang napatunayan na ang lahat ng mga sinasabi niya tungkol sa kanila ni Heize ay mali, pero hindi pa rin talaga siya natitinag at nahihiya. Mabilis akong nagtipa ng i-re-reply kay Avi. Madiin ko pang pinipindot ang bawat letra dahil sa nararamdamang inis. To: Avianne Pangit niya kamo. Hindi ko na iyon dinugtungan pa dahil tinawag na kami dahil patapos na raw ang intermission. Muli kaming nagsipila sa backstage at katulad ng palaging ginagawa ay isa-isa kaming rarampa at pagkatapos ay magsasama-sama ang lahat para sa awardings. Nang ako na ang tinawag para rumampa ay hindi ko na naitago pa ang pagbusangot nang bumungad sa paningin ko si Chelsea na nakatabi kay Heize. Isinisigaw ng basketball team ang pangalan ko habang si Heize naman ay nakikipag-usap sa kanya. Naisip kong rehearsal pa lang naman ito at wala namang judges na nanonood kaya inilabas ko talaga ang nararamdaman kong galit hanggang sa stage. Ni hindi man lang nag-angat ang dalawang gilid ng labi ko, binilisan ko rin ang paglalakad at ang pag-pose. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko. Nawalan ako ng gana. "Bakit nakasimangot siya?" Pagbalik ko sa backstage ay iyon ang una kong narinig. Nagpatay malisya ako at muling umupo sa pwesto ko kanina at inilabas ang cellphone. Sakto rin ang pagpasok ng text ni Avi sa akin. "G*go ka. Bakit ka nakasimangot? Selos ka?" Sa sinabi niya ay mas nainis ako. Bakit naman ako magseselos? Hindi pa ako nakakapagtipa ng i-re-reply ay may panibago na naman siyang text sa akin. "Nakita niyang nakabusangot ka sa stage kanina. Nag-aalala pa nga eh, pero manhid talaga ata? Takang-taka kung bakit ka gano'n ta's 'di naman pinapaalis si Chelsea sa tabi niya. Huwag ka na ngang mag-smile sa stage hanggang mamaya! Tignan natin kung hanggang saan ang pagkamanhid neto." Agad akong nag-type ng isasagot sa kanya. Mas nadagdagan pa nga ang galit ko kanina nang makita ko mismo nang harapan ang pakikipag-usap niya kay Chelsea. Aware naman ata siyang ako na ang nasa stage 'di ba? Hindi man lang tumingin ang lalaking iyon! "Nakita ko silang magkausap habang nasa stage ako kanina. Naririnig mo ba?" Agad kong pinindot ang click at na-i-send na iyon. Mabilis ko ring natanggap ang reply niya. "Oo, ang sabi niya ay umalis na raw siya dahil ikaw lang daw ang gusto niyang makita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD