KABANATA 14

2060 Words
"Ano, Hale? Ready ka na ba? Nakatulog ka ba nang maayos?" Aligaga si Gina na sinalubong ako sa tapat ng gate ng school. Dala niya ang kanyang sasakyan at naroon ang mga damit na susuotin ko para mamaya. Mukha pa ngang nag-pa-panic na siya dahil panay ang pagtitipa niya sa kanyang cellphone nang makita ko siya kanina. "Oo, Gina, sakto lang ang tulog ko," mahinang sabi ko habang tinatakpan ang itaas ng noo dahil sa lakas ng silaw ng araw. Matagal pa bago sumapit ang tanghali pero tila namamarusa ang araw dahil sa init na dulot nito. Mabuti na lang at maaga pa at may panahon pa ako para makapagpahinga. Hassle kasi kung magiging aligaga rin ako lalo na't ganito pa kainit ang panahon. "Bakit parang natataranta ka? May problema ba?" Nang dahil sa tanong ko ay hindi nanitinago sa akin ni Gina ang pagkataranta niya. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at muling nagtipa nang mabilis. May tinatawagan din siya pero hindi iyon sinasagot. Taka akong tumingin sa kanya pero sulyap lang ang ibinalik niya sa akin, tumalikod pa siya para hindi na ako maki-usyoso pa. "Lint*k naman oh! Yawa oy!" gigil na sigaw niya. Sinipa pa niya ang gulong ng sasakyan niya bago juling humarap sa akin at magsalita. "Nakabunggo raw ng sasakyan sina Kim kaya't baka hindi raw sila makapunta. Ang kaso, nasa sasakyan nila 'yung mga pang-ayos ng buhok mo! Hindi ko na sila matawagan pa ngayon. Hay, jusmiyo marimar, tabang ba Lord!" Agad na nagkunot ang noo ko, pati ako ay nakaramdam ng pagkataranta at kaba. Papano na ngayon to? "Hindi na ba talaga matawagan?" Agad siyang umiling bago muling sinubukan ang pagtawag gamit ang kanyang cellphone. "Wala ba tayong mahihiraman man lang? Wala ba sa bahay mo? O sa studio? Lumingon siya sa akin at nagbuntong hininga. "Sira man adto, day! Kaya nga sila Kim na ang pinadala ko kay sila lang ay mayroon!" Pati ako ay inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Avi. Mabuti na lang at ilang segundo lang ay sinagot noya agad ito. "Avi! May pang-ayos ka ba riyan ng buhok? 'Yung pangplantsa or pangkulot?" bungad ko. Maingay ang background sa kabilang linya kaya panigurado'y magkasama na sila ni August. Pati nga ang ibang mga boses ng mga varsity player ay naririnig ko rin. "Ha ano? Bakit sa akin ka naghahanap? On the way na ako sa school, teh! Sana ay kanina ka pa nagsabi!" sabi niya, malakas pa ang boses kaya't malamang ay narinig iyon ng mga kasama niya. Napabuntong hininga ako nang malakas, pilit nilalabanan ang kabang nararamdaman. "Hala teka nga. Bakit ganyan ka huminga? Ayos ka lang ba? May problema ba? Jusko ka, Celestina! May nangyari ba sa 'yo?" Agad nanlambot ang boses ko pero pinigilan kong ipahalata iyon. Naiiyak na ako sa kaba lalo na't iniisip ko rin kung anong klaseng paghahanda ba ang ginawa ko sa loob ng ilang linggo. Hindi biro ang lahat ng binago at pinaganda ko para ang dito. Pero lahat ng iyon ay masisira pa ata dahil sa ganitong pangyayari. "May problema kasi, Av. Wala raw kaming pang-ayos ng buhok. Hindi ko na alam kung saan ba ako makakahiram," naiiyak kong sabi. Matagal na tumahimik ang nasa kabilang linya, pati ang tawanan ng mga lalaking kasama niya ay agad na nawala. Ilang saglit pa ay nakarinig ako nang malalim na hininga. "Nasaan ka ngayon, Hale?" Boses iyon ni Heize. Bakas sa tono niya na naghahalo ang kaba at pag-alala niya para sa akin. Nang marinig ko iyon ay agad na nabuhayan ang loob ko sa hindi malamang dahilan. Basta ang alam ko ay kapag nariyan si Heize, pati ang mga problema ng mga ninuno ko ay mareresolba niya, "Nandito kami ngayon ni Gina sa harap ng school. Hindi pa kami pumapasok dahil nga ano.. nagkaproblema." Agad humarap si Gina sa akin at nagsenyas kung sino raw ang kausap ko. Sinabi ko na si Heize kaya agad din siyang tumigil sa pagkataranta at nakibalita sa kung ano man ang pinag-uusapan namin. "Ano bang mga kailangan?" tanong niya na siyang nakabunot ng tinik sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay naka-survive ako sa limang oral recitation dahil sa ginhawang naramdaman ko. "'Yung ano, pang-ayos ng buhok. Plantsa, pangkulot, panali.." Sumenyas si Gina kaya agad ko siyang tinanguan. "'Tsaka malaking hair spray raw sabi ni Gina." " Oh sige, ako na ang bahala. Pumasok na kayo sa school dahil mainit ngayon sa labas." Tumigil siya saglit nang biglang magtanong sa kanya si Avi. Hindi ko narinig ang isinagot niya dahil agad din siyang bumalik sa pakikipag-usap sa akin. "Kumalma ka na, okay? I-text mo na lang sa akin o kay Avi 'yung mga kailangan mo at ako na ang magbibigay sa 'yo. Just give me an hour." Kaming dalawa ni Gina ay agad na nakahinga nang maluwag. Ni-loudspeaker ko kasi ang tawag kaya naririnig din ni Gina ang mga sinasabi niya. Paniguradong kapag natapos na ang lahat ay muli na naman siyang bubuwelo para mang-asar. Mabuti na lang ngayon at mas matimbang pa ang kaba niya kaya hindi na niya ako gaanong inasar. "Salamat, Heize, ah? Babawi ako promise!" masyaa kong sabi. Hindi na siya sumagot pa dahil agad na inagaw ni Avi ang tawag sa kanya. "Ayan, Hale! Huwag ka na raw kabahan diyan! Bye na muna! Sasamahan muna namin 'tong maghanap ng mga kailangan mo. I-text mo sa akin ha? Bye!" Nang ibaba niya ang tawag ay mabilis ding kumilos si Gina papasok sa sasakyan. Sumenyas pa siya sa akin kayanagad din akong sumama at pumasok sa passenger's seat. Hinintay pa naming mabuksan ng natutylog na security guard ang gate bago kami tuluyang nakapasok. Pagdating namin sa loob ay halos malula kami sa mga estudyanteng maaga palang nagsipuntahan. Karamihan sa kanila ay ang mga fangirls na aligaga sa paggawa ng mga naglalakihang banner para sa mga idol nilang player. Ang iba naman ay nakasuot na ng kani-kanilang sports attire bilang paghahanda para sa kanilang laban. May mga kakilala at kaklase pa akong nakasalubong na bumati at nag-good luck sa akin. "Hale, good luck ha! Galingan mo! I-chi-cheer ka namin!" Nginitian ko ang mga kaklase kong nadaanan namin. "Salamat, guys! Manood kayo ha? Hindi pwedeng hindi ko kayo makita mamaya!" biro ko pa. "Oo naman, teh! Manonood talaga kami para naman masaksihan namin 'yung usap-usapan na frontrunner ka raw." Tumawa si Janah. Agad na nakisali si Welah na may hawak pang tinapay sa kamay. "Sa true! Balita namin, magaling ka raw. Sinadya nga naming hindi manood ng rehearsals niyo eh, para naman ma-shock kami sa mismong D-DAY, 'di ba?" "Ingay mo naman, Weng!" Nagkamot ng ulo ang boy bestfriend nilang mahiyain na si Ronel. Nahihiya siyang bumaling sa akin at pilit na ngumiti. "Galingan mo ha? May banner kami." Bahagya pa akong nagulat dahil sa ilang beses naming pagkikita sa bawat sulok ng school ay ngayon niya lang ako kinausap. Nakita ko pa ang malawak na pagngisi nina Welah at Janah habang nagpapalitan ng tingin. "Eherm, ayos 'yun ah." Si Welah, pilit pinipigilan ang matinding pagngiti. "Very good talaga ah, manok ko 'yan!" Si Janah na nakipag-apir pa sa katabing kaibigan. Muling napakamot ng ulo si Ronel saka pilit na itinulak papalayo ang mga kaibigan. Sumenyas pa siya sa akin na aalis na sila kaya't tumango ako at kumaway sa kanila. Nang makalayo ang kanilang grupo ay agad na sumulpot sa tabi ko si Gina na kanina pa pala nakikinig sa mga pinag-uusapan namin. "Taray ni ate mo, pati pala mga tahimik at mahiyain na boys ay nabibingwit mo. Anong ritwal, ateng? Paki-email naman sa akin at nang masubukan ko!" Humalakhak siya nang malakas bago naunang tahakin ang daan papunta sa backstage. Nang makapasok kami sa loob ay abala na ang lahat. Kung dati ay isang malaking backstage lang ang para sa lahat, ngayon naman ay hinati na ang mga espasyo at nilagyan ng apat na tents. Sa isang tent ay mayroong dalawang candidate at by number iyon. At dahil nga ako ang panghuli, agad kaming nagpunta sa Tent #4 kung saan agad na bumungad sa akin ang maganda kong kalaban na si Alejandra Salvacion. Batchmate siya nila Heize at siya ang itinuturing na pinakasikat sa 3rd year. Pero kung noon ay puro mga mayayabang at maldita ang mga itinuturing na sikat, siya naman ay iba. Tahimik lang siya at nuknukan ng bait. Hindi ko pa siya gaanong nakakausap pero dahil isa akong judgmental na tao ay in-expect ko na agad na mabait siya. Mabuti na nga lang at siya ang kasama ko ngayon at hindi ang mga kalaban kong panay ang tanong sa akin tungkol kay Heize. "Good morning," agad na naghugis puso ang tenga ko nang marinig ang pagbati niya sa akin gamit ang mahinhin niyang boses. Pilit kong itinago ang abot tenga kong ngiti dahil baka mamaya ay isipin niyang isa akong weirdong tao. "Good morning, Alejandra. Nag-breakfast ka na?" tanong ko. Napaubo naman si Gina kaya't bumaling ako nang bahagya sa kanya. Nang tignan ko siya ay nakita ko ang nanunuya niyang tingin bago siya maupo sa designated space na para sa amin. "Hmm.. Hindi pa eh, ikaw ba?" Nanginginig ang kamay ko dahil sa kung anong kilig na nararamdaman. Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi siya magawang kamuhian ng mga babae sa school— kahit babae kasi ay tumitiklop na rin sa kanya! "Hindi pa rin. Pa-deliver na lang tayo?" pag-aya ko pa. Alam kong wala na akong time pa para sa mga gantong bagay pero dahil pasikat ako at full-time bida-bida, ako na mismo ang nag-offer. Bahala na! Sabihan ko na lang si Avi ulit! "Sure! Ano bang food ang gusto mo? Ako na ang mag-bo-book!" Agad niyang inilabas ang kanyang cellphone kaya agad ko siyang pinigilan. "Hindi! Ako na lang, Alejandra. May mapapasuyuan naman ako." Inilabas ko rin ang aking cellphone at nagkunwaring kalmado sa pagtitipa kahit na ang totoo ay natatakot na ako sa posibleng maging reaction ni Avi. Baka mamaya ay agad na magreklamo iyon! "Alec na lang! You can call me by my nickname!" Ngumisi siya. Bago pa ako makapagsalita ay dumating na rin ang kanyang stylist kaya sumenyas na siya sa akin. Tumango na lang ako saka nagpunta sa pwesto namin ni Gina. Busy siya sa pag-aayos ng mga isusuot ko pero nang lingunin niya ako ay halos umangat na ang kilay niya sa pagkakataas nito. "Naku, day. Kaya ba ang manhid mo ay dahil babae pala ang gusto mo?" pambungad na tanong niya na siyang nagpalaki ng mata ko. "Ha?" natatangang tanong ko, bakas ang gulat sa mukha at sa pagsasalita. "Wala, nevermind. Tsk, tsk. Sumbong kita kay Papa Heize eh!" pagbabanta niya. "Speaking of, nasaan na ba raw siya? Kailangan na natin simulang ayusin ang buhok mo para makeup na lang mamaya." Nilabas ko ang cellphone ko at sakto rin ang pagkaka-text ni Avi sa akin. From: Avianne Teh, nauna na kami nila August papuntang school. Si Heize na lang ang naghanap nung mga kailangan mo. Kung may need kang sabihin sa kanya, eto number niya +6390096.. On the way na kami diyan. Agad kong kinuha ang sinabi niyang number at i-ni-text iyon. "Hale 'to. Wer na u? Hanap na u Gina beh. Btw may madadaanan ka bang fast food? Di pa q nag-breakfast. Paambon po sa yaman mo koyah tnx..." Natawa pa ako nang bahagya bago pinindot ang send. Hindi ko kasi alam kung paano makipag-usap nang maayos sa kanya thru text. Mas sanay akong balagbag na makipag-usap in person. Sana nga lang ay maintindihan niya ang mga pinagsasabi ko, ni hindi nga ata nakaranas ng pagiging jejemon ang isang iyon. From: Heize huh? kakagaling ko lang sa salon para manghiram ng mga pangbuhok mo. hindi ka pa pala nakakakain? anong food ba ang gusto mo? Napalunok ako dahil sa pagkapormal ng typings niya. Pati ba naman dito ay nararamdaman ko ang rich aura niya. Agad akong nagtype ng i-re-reply sa kanya. Gusto ko pa sanang itanong kay Alec kung anong gusto niyang pagkain pero nagsisimula na kasi siya sa pag-aayos kaya ako na ang nagdesisyon para ro'n. "Kahit ano, burger na lang saka fries. Pass muna ako sa rice and softdrinks para 'di ako maging bloated mamaya. Dala ka ng marami ha? Marami akong kasama sa tent eh." Tinawag na ako ni Gina kaya itinago ko na rin ang cellphone ko para magsimula na sa pag-aayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD