Nang mag-2nd year kami ay maraming nagbago. Mas naging busy kasi dahil sa activities dahil panibagong prof ang mga nakakasama namin. Kung noon ay mahaba ang oras ko sa library, ngayon naman ay mahigit dalawang oras na lang. Isang oras para tapusin ang mga assignments at isang oras para magbasa. Ang kaso lang, hindi na novels ang binabasa ko, kung ‘di ang mga libro na naglalaman ng lessons namin.
Hindi na rin gaanong nakakapagkita sina Avi at ang kanyang boyfriend. Bukod kasi sa pareho pa silang nag-aadjust sa mga gawaing tambak, na-busy rin sina Augustine sa basketball. Magkakaroon kasi ng Intramurals sa susunod na buwan, kaya rin siguro iniisang bagsak na rin ng mga professor ang mga gawain.
Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nakakatakas ang tenga ko sa kadaldalan ni Heize. Minsan nga lang ay 30 minutes lang iyon dahil busy rin naman siya sa maraming bagay. Dagdag pa iyong mga panibagong rumors na ako raw ang kabit ni Heize kaya naghiwalay sila ni Chelsea. Syempre ay maraming naniwala roon dahil madalas nga kaming nagkakasama ni Heize. Napaulanan pa nga ako ng hate comments ng mga nang-bash dati kay Chelsea. Hindi ko alam kung ano bang trip nila, siguro'y naiirita lang sila dahil nakakasama ko si Heize. Eh dahil lang naman kay Avi at Augustine kaya nagtatagpo ang landas namin.
"Hale, hindi ka sasali sa Miss Intramurals?" bumulong si Avi habang busy sa pakikipag-chat sa kanyang boyfriend. Ngingiti-ngiti pa siya kasabay ng pagtunog ng pagtitipa niya.
"Saan ba mag-a-apply?"
Nakatambay kami ngayon sa field at pinapanood ang soccer team na tinuturuan ng prof namin sa PE. Sa tuwing subject namin sa kanya ay ganito lang ang palaging ginagawa- ang manood sa mga nag-so-soccer sa loob ng dalawang oras.
"Wait. Tanong ko si August."
Nagkibit balikat lang ako at pinanood ang sipaan ng bola sa harap ko. Panay ang pito at senyas ng prof namin (na coach nila) na hindi ko naman naiintindihan. Pansin ko rin ang pagpapasikat ng ibang players, hindi ko lang alam kung kanino. May mga naririnig lang akong kantyawan na nasa klase namin ‘yun pero hindi naman ako interesado kaya't hinayaan ko na lang.
Dinampot ko ang bag ko at kinuha ang pocket book na hiniram ko noong nakaraan sa library. Medyo nagtagal nga lang ito dahil naging busy ako sa mga activities.
"Hoy g*go kayo!" Nang bumaling ako sa field ay nanlaki ang mata ko nang makita papalapit sa akin ang bola nila.
Wala akong nagawa kung ‘di ang gawing shield ang braso ko at hintaying tumama sa akin iyon. Pero hindi iyon nangyari. Wala akong naramdaman. Pero hindi nakatakas sa ilong ko ang pamilyar na amoy ni Heize.
"Mag-ingat naman kayo!" rinig kong sabi niya.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa tabi ko na siya, may kaunting pawis pa at naka-jersey. Pinasadahan niya ng palad ang buhok niya kaya mas nadepina pa ang biceps niya. Napaiwas ako ng tingin.
"May practice game kayo?" tanong ko, diretso ang tingin sa field.
"Mm.. Binigyan kami ng 15-minute break."
"Bakit ka nandito? Saan ka papunta?"
"Hinanap kita." Narinig ko ang paghalakhak niya. "Sasali ka raw sa Miss Intramurals sabi ni August?"
Ang bilis namang kumalat ng balita. Hindi ko pa nga alam kung paano mag-apply eh!
"Balak ko, pero 'di ko kasi alam kung pa'no sumali." sagot ko.
"Samahan kita mamaya. Sa tabi ng gym ay naroon ang Sports Committee, doon daw kukuha ng application form."
Lumingon ako sa kanya. "Huwag na. May practice game pa kayo mamaya, 'di ba?"
"Oo, pero kaya ko namang isingit."
I scoffed. "Huwag na. Kaya ko naman eh. Isasama ko si Avi."
Nagkibit balikat siya at pumayag na lang. Ayaw ko rin kasing magambala pa ang laro nila dahil lang sa pag-su-submit ng form. Kaya ko naman ‘yun gawin nang mag-isa within 5 minutes.
Matapos ang klase ay sinamahan nga ako ni Avi sa office ng Sports Committee. Naasiwa pa ako nang makapasok doon dahil parang nagpapalitan ang mga naroon ng mga makahulugang tingin. Hindi siguro nila in-expect na sasali ako sa gan'to.
Actually, ito ang magiging unang beses kong sumali sa isang pageant sa Maynila. Isang taon na ako rito pero wala naman kasing gaanong contests na masalihan. Sa probinsya lang talaga ang marami. Naalala ko pa nga noon na sa anim na beauty pageants na sinalihan ko, lahat ‘yun ay nakuha ko ang titulo. Sayang nga lang at wala si Papa (na number 1 supporter ko) para panoorin ako sa unang pageant ko sa Maynila.
"Next week sa Friday, 5pm, ay may Elimination sa Hall. Bale 2 representatives per year ang makakasama sa finals," sabi no'ng president nang maibigay ko ang form.
"Okay, thank you."Ngumiti ako.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Avi na sigaw nang sigaw at chini-cheer ang boyfriend niya. Mabuti na lang at hindi siya pinapagalitan ng coach, well, mukhang hindi talaga. Mukha kasing mas ginaganahan pa si Augustine maglaro. Gano'n ba talaga kapag in love?
"Avianne, tara na." tawag ko.
"Mamaya na, Hale. Patapos na rin 'to oh. Antayin na natin!"
Wala akong nagawa kung ‘di ang maupo sa bench at panoorin silang maglaro. Pansin ko pa nga ang pagkakangiti ni Heize habang nagdidribol ng bola. Panigurado'y niyayabangan na naman niya ang kalaban niya.
Inilabas ko ang pocketbook mula kanina at sinimulang basahin iyon. Bukod kasi sa 'di ako interesado sa basketball ay hindi ko rin kayang panoorin si Heize na nakangising nanghuhusga. Gagawin ko lang ding alibi 'tong pagbabasa ko, kahit na wala na naman akong maintindihan.
Dahil nakatuon ang tenga ko sa kanila ay narinig ko ang pagpito ng coach. Ilang saglit pa ay may in-announce pa ito tungkol sa schedule nila. Wala naman din akong naintindihan kaya nagligpit na lang ako ng gamit. Sa wakas ay makakauwi na rin ako.
"Anong sinasakyan mo pauwi?" Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Heize sa gilid ko. Puno pa siya ng pawis at may nakasukbit namang towel sa leeg niya. Hindi ko alam kung anong mahika ang meron sa lalaking 'to dahil mas mabango pa pala siya pag pawisan. Hindi ba mas nakakabaho dapat ‘yun? "Hello? Nakikinig ka ba?"
Agad akong nag-iwas tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Gosh! Nahuli niya ba akong nakatitig sa kanya?
"Nag-ji-jeep ako," maikling sagot ko at mabagal na inayos ang mga nagulong gamit sa bag. Binagalan ko pa iyon nang kaunti sa hindi malamang kadahilanan. Pakiramdam ko kasi ay may sasabihin pa siya. O baka naman tinatamaan na naman ako ng pagka-assumera ko.
"Gabi na, sumabay ka na sa akin."
Napakagat ako ng labi. I know it's a friendly gesture pero nakaramdam ako ng kaunting lukso ng dugo dahil do'n. Siguro ay dahil natatakot lang akong mag-commute dahil pagabi na.
"Hindi ka ba matatagalan pauwi kung ihahatid mo pa 'ko?" tanong ko.
Kinuha niya ang kanyang tubig at ininom ito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang adam's apple niyang gumagalaw din kasabay ng paglunok niya. Nag-iwas ako ng tingin. I suddenly felt shy at him.
"Hindi, madadaan ko naman talaga ang apartment mo sa daan ko pauwi."
Nang dahil sa sinabi niya ay pumayag ako. Ayaw kong maging istorbo pa sa kanya pero dahil nadaraanan niya naman daw, e 'di walang kaso.
"Anong oras ang uwi mo bukas?" tanong niya habang nakatuon ang tingin sa kalsada.
"Baka 5 siguro. Depende kung maaga kong matapos ‘yung pinapagawang activities sa ‘min."
"5 din ang tapos ng training namin. Sabay na rin tayo?"
Hindi ko nahimigan ang pang-aasar at pagbibiro sa boses niya kaya hindi na sumagi sa isip kong niloloko niya lang ako. Baka kasi indian-in niya lang ako at sabihan ng 'it's a prank!'. Talagang masasaktan ko siya kung gano'n.
"Sige, kung mauuna ako ay hihintayin kita sa gym. Kung ikaw naman ang mauuna ay hintayin mo ako sa library."
Tumango lang siya at hindi na nakasagot pa dahil mabilis kaming nakarating sa tapat ng apartment. Katulad ng dati ay pinasalamatan ko siya at mabilis na pumasok sa loob. Nagtaka pa nga ako dahil natanaw ko mula sa bintana na lumiko siya sa kalsadang pabalik sa dinaanan namin kanina.
Ang buong akala ko, ‘yun na ang huling beses na isasabay niya ako. But I was wrong. Sa halos dalawang linggo ay palagi niya akong hinahatid. Sakto lang din talagang nagtutugma ang oras ng pag-uwi namin. Minsan nga lang ay mas nauuna siya pero hinihintay niya pa ako. Siguro ay nasanay lang din siyang may kasabay pauwi.
"Heize!" Tinawag ko si Heize na nakikipagtawanan pa sa kanyang teammates sa gym.
"Bakit?" bungad niyang tanong nang makalapit sa akin.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa pawis niyang umaalingasaw sa bango. Nag-iwas tuloy ako ng tingin at nagkunwaring nanonood sa teammates niyang nagkukwentuhan.
"Anong oras kayo matatapos?"
"1 hour na lang, Hale. Why? Nagmamadali ka ba?" tanong niya.
Nang maramdamang hindi na mainit ang mukha ko ay bumaling na ako sa kanya. "May Elimination pa kami mamayang 5pm sa hall. Una ka na?"
Muli akong napayuko nang makitang binasa niya ang ibabang labi niya.
"Pwede bang manood?" Nagkibit balikat ako. "Hintayin na kita. Gusto kitang mapanood."
Nang dahil sa presensya ni Heize ay bahagya pa akong naasiwa. Mula kasi sa backstage ay tanaw ko siyang nakaupo sa isang silya kasama ang mga kaibigan niya. Ang pinapagawa kasi sa amin ay ang magsuot ng heels at rumampa sa stage. Sa dami namin, naisip kong magiging imposible na masali ako sa mga makakatapak sa Finals.
"s**t! Nanonood sila Heize!" rinig kong sabi ng kasama ko sa backstage.
"Bakit siya nandito? May girlfriend ba s'ya sa mga candidates?"
"Hindi ko alam. Baka naghahanap ng bago!"
Umiwas ako ng tingin at pumila sa pagkakasunod-sunod namin. Pito ang nag-apply na kabatch ko at lima sa amin ang matatanggal. Kabado lang talaga ako dahil isang taon na akong hindi sumabak sa ganito. Sana lang talaga ay mabigyan ko ng hustisya ang anim na 'Best in Catwalk' awards ko galing sa lahat ng sinalihan kong pageant.
Katulad ng palagi kong ginagawa, in-e-examine ko muna ang beat ng music na rarampahan namin. Medyo badass ang tono nito at medyo mabilis ang beat. Kumbaga sa isang pageant, ito ang kadalasang ginagamit sa 'Swimsuit Competition'. Sa mga gan'tong beat ay kinakailangang maging bouncy at playful ka, at dapat maipakita mong ang tugtog mismo ang sumusunod sa ‘yo, at hindi ikaw ang naghahabol sa music. Isa rin sa mga kailangang gawin ay ang sabayan ang beat. Sa ganoong paraan ay mas makokontrol mo ang aura mo sa stage, dahil pangit nga namang tignan na nag-slow walk ka sa isang upbeat na kanta.
Nang bigyan ako ng cue ay agad ko iyong sinimulan paglabas ko. Sa dalawang hakbang mula sa backstage ay ipinagkrus ko ang binti ko, at naka-tiptoe naman ‘yung kanan na nasa unahan. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang at tumayo nang tuwid. Seryoso kong pinasadahan ng tingin ang mga nanonood saka ngumiti nang matamis. Nang magsimula na naman ang pang-unang beat ay doon lang ako naglakad papunta sa likurang gitna. Tumalikod ako at nagtiptoe sa kanang paa na nasa gilid. At iyon din ang ginamit ko para pabaliktad na umikot kaya mas naging maganda iyon sa mata. Narinig ko ang pagkamangha ng mga nanonood kaya kumindat ako bago nagpunta sa kanang parte ng stage. Kumpara sa ginawa ko kanina, dito ay nag-pose ako sa iba't-ibang anggulo na maganda sa paningin. Matapos iyon ay muli akong umikot kaya mas narinig ko pa ang pagkamangha ng ilan. Nagpunta ako sa kaliwang bahagi ng stage at ginawa ang katulad sa kanina. Hanggang sa makarating ako sa gitna ay umikot pa ako na siyang 'signature move' ko, at doon ko narinig ang palakpakan ng mga tao. Kagaya sa laging tinuturo sa akin noon, kapag nasa gitna, tingnan ang lahat ng audience at ngitian ito. Kaya naman nang pasadahan ko silang lahat ng tingin, nahagip ko si Heize na nakangisi sa akin. Pero kakaiba ang ngising niya.
Pakiramdam ko ay proud siya sa akin, gano'n ang dating non.