Chapter 25 Katulad nang dati ay maaga silang nagising at ako na naman ang nahuling bumaba. Hindi na nila ako iniistorbo sa pagtulog ko. Madalas pa nga’y sila pa ang nagtutulak sa ‘kin na magpahinga. Marahan akong bumaba sa hagdan. Medyo mahirap nang gumalaw sa sitwasyon ko ngayon. Nangunguna na ang malaki kong tyan sa paglalakad at ako naman ay nangangalay ang balakang. Sumalubong sa ‘kin ang busy na si JC sa pamimigay ng sabaw sa mga kumakain samantalang si Gelo naman ay nasa kahera at si Mark ang nasa pwesto ni Kuya Dan. Kumunot ang noo ko bago inilibot ang paningin sa buong lugar pero wala akong makitang Kuya Dan na naglalakad o nagpapahinga. Marahan akong lumapit sa pwesto ni Gelo. Habang busy siya sa pag-aabot ng sukli, ako naman ay nakatingin lang sa kanya. “Nasaan na si Kuya

