Kabanata - 3

1909 Words
Mainit ang sikat ng araw kahit maaga pa lang. Bumabagsak ito sa mga yero ng mga barong-barong, nagbubuga ng init na tila baga'y lalagnatin ang mga nakatira roon. Suot ang lumang t-shirt ng ate niya at isang kupas na palda, lumabas si Aleyah sa looban. Gusto lang niyang makalayo kahit konti sa kaloob-loobang kuwarto ng barong-barong na ngayon ay parang libingan. Lumakad siya sa makipot na eskinita, dumaan sa mga bilasang isda, sa amoy ng uling at panis na pagkain, sa iyakan ng mga sanggol at putak ng manok. Tahimik lang siya, kahit durog na durog na ang puso niya. Pero wala siyang magawa kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay. Sa may kanto, sa ilalim ng trapal na may tatak ng lumang softdrink, may isang matabang babae na naka-duster na kulay rosas. May hawak itong plastic fan at sumisigaw sa kalaro nitong bebot sa sungka. “Oy! ‘yong kapatid ni Inday, oh!” nginuso siya ng isang babaeng tambay. Napatigil si Aleyah. “’Yung pokpok?” tanong pa ng isa, halos sabay na ang tawa ng dalawa. Hindi siya sumagot. Ibinaling niya na lang ang mata sa bangketa. Pero bago pa siya makalayo, lumapit na sa kanya si Mamasang—ganoon ang tawag sa matabang babae sa lugar nila. Recruiter ito ng mga babae sa cabaret na nasa kabilang siyudad. “Teka, teka,” malambing pero matalim ang tinig ng babae. “Ikaw si Aleyah, 'di ba? Maganda ka ha. Ilang taon ka na ba, neng?” “Disi-otso,” mahina niyang sagot. “Ay, sakto! Legal na, puwedeng-puwede ka na,” sabay tawa. Hindi na siya kumibo dahil alam niya na ang ibig nitong sabihin. “Sayang naman yang mukha mo kung dito ka lang mag-aagnas sa ikswater. Alam mo ba, may cabaret ako, legal 'yon ha, may permit! Malamig doon, may kuryente buong gabi, libre pagkain, may sariling kwarto.” Tahimik si Aleyah. Alam niya kung anong klaseng lugar ang tinutukoy nito. Hindi na niya kailangan ng paliwanag. Ang ate niya dati ay doon nagsimula, bago naging pokpok sa labas ng club. Sa una, parang hostess lang daw. Taga-kanta, taga-kumbinse. Hanggang sa madala na sa motel. “Maganda ka, bata. Fresh. Malinis ang kutis. Malaki ang kita mo ro’n, lalo na’t estudyante ka. Alam mo ba, gustung-gusto ng mga kustomer ang mga mukhang inosente pero mainit sa katawan.” Nanlamig ang batok niya. Nakadikit na halos sa kanya si Mamasang. Amoy ang pawis, pabango, at second-hand smoke. “Puwede mo pa nga ipagpatuloy ang pag-aaral kung gusto mo. Sagot kita sa enrollment. Ano, ayaw mo ba ng limang libo kada gabi?” Biglang kumabog ang dibdib niya sa halagang ‘yon. Humigpit ang hawak ni Aleyah sa strap ng lumang bag na dala niya. Gusto niyang tumakbo. Pero may tila nagpipigil sa kanya at talagang nasisilaw siya sa limang libo. Ngunit bago siya makasagot, may dumaan na traysikel, at napalingon silang dalawa. Napabuntong-hininga si Mamasang. “Sige. Pag-isipan mo. Huwag mo akong hayaang mauna sa ‘yo ang ibang mas bata pa. Kapag nakapagdesisyon kana, nandito lang ako palagi. Tanungin mo lang si Aling Glo sa tindahan.” Naglakad palayo si Aleyah, tahimik siyang nakatingin sa lupa. Sa bawat hakbang ay para siyang tinutulak sa bangin. At sa bawat tawag ng realidad na walang bigas, walang kandila, at walang kapamilya—lalo siyang natutukso. ***** Mabigat ang katawan ni Aleyah habang paakyat siya sa madilim na hagdan ng gusali ng kolehiyo. Pinagmamasdan niya ang buong paligid pero parang hindi na siya sigurado kung bakit pa niya pinipilit. Malapit na rin ang final exam nila at hindi niya sigurado kung makaka-take pa siya. “Kainis,” bulong ng isa sa mga kaklase niya. “Yung libro nasa National, P480 isa. Di puwede Xerox, bawal, sabi ni prof.” Napakagat-labi si Aleyah. Wala na ngang makain, libro pa? Bukas pa ang schedule niya ng 9am to 7pm, mga subject ang sunod-sunod. Kung hindi siya makakakuha ng libro ngayong gabi, babagsak siya sa project. At kung bumagsak siya, wala na, tapos na ang pangarap niya! Natapos na lamang ang klase niya ni walang lesson na pumpasok sa utak niya. Kanina nga nag recitation pero nganga lang siya. Dumaan siya sa mga palengke, sa mga inuman sa kalsada, sa mga tindahan ng balot. Palalim nang palalim ang gabi, palamig nang palamig ang hangin. Pero tumitigas ang loob niya. Sa wakas, tumigil siya sa harap ng maliit na parlor sa may gilid ng eskinita—ang tambayan ni Mamasang. Bukas pa ito, maliwanag. Amoy gin at yosi. Nakaupo sa plastik na upuan si Mamasang, nakaangat ang isa niyang paa habang minamanikyur ng isang bakla. Hawak ang sigarilyo, parang reyna sa trono. Nang makita si Aleyah, agad itong napangiti. Isang ngiting punung-puno ng pananalo. “O, ayan ka na pala,” sabi niya, tumayo agad at itinapon ang sigarilyo sa semento, pinisa gamit ang tsinelas. “Alam ko na kung bakit ka nandito.” Hindi nakatingin si Aleyah sa kanya. Pinisil-pisil lang niya ang tali ng bag. “Kailangan mo ng pera, tama?” Marahan lang siyang tumango. Pumalatak ang babae, sa sobrang saya nito ay labas ang gilagid. Lumapit si Mamasang at hinawakan ang balikat ni Aleyah. “Alam mo, sa ganda mong ’yan, kahit sa first night mo pa lang, baka triple pa sa inaasahan mong kita ang makuha mo. Lalo na at bata ka pa, mukhang birhen ka pa, ‘diba?” Napakagat-labi si Aleyah. “Huwag ninyo po akong ibenta sa matatanda.” “Syempre hindi,” mabilis na sagot ni Mamasang. “Fresh ka pa. Unang gabi mo, isasama kita sa VIP room. Hindi mo kailangan makipag-s*x agad kung ayaw mo. Hostess ka lang muna. Magpakita ng ngiti, ng lambing. Sayaw-sayaw kaunti. Magpapadala ng alak ’yung mga hayok sa iyo. Diyan pa lang, may kita ka na.” Napalunok na naman siya, napakadaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Pero kung hostess lang muna siya ibig sabihin hindi siya magagalaw? “May kwarto ba doon?” tanong niyang mahina. “Oo naman. Malinis, may pinto, may lock, may CCTV sa labas pero walang camera sa loob. Safe ka.” Nagkatinginan sila. At sa unang pagkakataon, tumango si Aleyah ng tingin, pilit tinatakpan ng mahahabang pilikmata ang luhang pilit sumisingaw. “Puwede po ba ngayon na agad?” Biglang lumiwanag ang mukha ni Mamasang, parang nanalo sa bingo. “Aba, sipag ng bata. Ganyan ang gusto ko!” Tinawag nito ang baklang manikyurista. “Tawagin mo si Mang Dolfo, paandarin ’yung van. May isasakay tayo.” Muli siyang napalunok, tumingin lang siya kay Mamasang na malawak ang ngiti. Nang mapansin nitong natatakot siya ay agad itong lumapit at hinahawi ang kanyang buhok. “Huwag lang mag-aalala, Aleyah. Aalagaan kita! unang kita ko pa lang sa ‘yo alam kong limpak-limpak nang salapi ang kikitain natin.” Pilit siyang ngumiti kahit labi ang pagkabahala. Habang hinihintay nila ang van ay niyaya siya ni Mamasang sa loob ng bahay nito. Sa likod ng maliit na parlor ay may banyo na yari sa pinagtagpi-tagping plywood, may kurtinang plastik na may mantsa ng luma’t nanuyong tubig. Doon siya ipinasok ni Mamasang. “Maligo ka, neng. Gamitin mo ’tong sabon, para mawala ang amoy ng kalsada sa ‘yo. Gusto ng mga customer, amoy artista.” Inabot sa kanya ang maliit na tuwalya at isang puting damit na halos manipis na parang telang panlambot. Ang sabon, mamula-mula at mabango—bagay na ngayon lang niya nahawakan. Hindi siya nagsalita at hinubad niya ang kanyang lumang damit at pumasok sa malamig na banyo. Habang binubuhusan ang katawan, marahang gumulong ang luha sa pisngi niya, kasabay ng tubig na parang nanghuhugas pero hindi sapat para hugasan ang bigat sa puso niya. Paglabas niya ng banyo ay naroon si Mamasang, hawak ang isang hanger. Isang maliit na pulang dress—mas maikli pa sa mga paldang nasusuot ng mga estudyanteng may side-line sa bar. Backless, sleeveless, at may malalim na hiwa sa harap. “’Yan ang isuot mo. Simple lang. Sexy pero hindi malaswa.” Wala siyang sinabi. Isinuot niya ang damit tapos humarap siya sa salamin, hindi na niya halos makilala ang sarili. Wala siyang maayos na tulog at kain, maputla, pero sa pulang damit ay nagmukha siyang... babae. Hindi na bata. Naglabas si Mamasang ng maliit na make-up kit sabay lapit sa kanya. “Huwag kang gagalaw ha. Light lang, ayoko ka magmukhang prosti sa unang gabi. Gusto nila pa-inosente.” Nilagyan siya ng konting foundation, blush, at tint sa labi. Hindi gaanong makapal, pero sapat para iangat ang kanyang hitsura. Tinirintas ng mabilis ang kalahating buhok, habang nakalaylay ang ilan sa magkabilang pisngi. “Ang ganda mo, ‘day. Huwag kang mag-alala, hindi kita isasabak sa kung ano agad. Uupo ka lang. Titikim ng konting alak. Sasalubong sa mga VIP. Kapag gusto ka nila, may bonus.” Tanging tango lang ang sagot niya sa lahat ng sinabi nito. Maya-maya, dumating ang isang puting van. May sticker ito sa likod na "VIP Services." Bumukas ang pinto. Naroon si Mang Dolfo, ang driver. Matanda, kalbo, may suot na shades kahit gabi. “Ready na, Ma’am,” sabi nito. “Sige, neng sakay na tayo!” tila batang nagtitili si Mamasang. Umakyat si Aleyah sa van. Umupo siya sa gitna ng malambot na upuan. Hindi niya alam kung anong direksyon ang patutunguhan ng sasakyan—literal at simbolikal. Umupo sa tabi niya si Mamasang saka hinahawakan ang tuhod niya. “Naku magaspang ang tuhod mo. Hindi ka ba naglo-lotion?” tanong nito. “Makain nga wala ako, lotion pa kaya?” sagot niyang pabalang. Pero imbes na magalit ay humagikhik si Mamasang. Saka siya pinangakoan nang kung anu-ano at magagandang salita. Ilang sandali pa ay tahimik na ang kalsada. Si Mamasang ay abala sa cellphone, may kausap. Si Aleyah ay nakatingin lang sa labas, sa mga ilaw ng kalsada, sa mga pulang bumbilyang kumikislap sa mga bar, sa mga lalaki’t babaeng naglalakad sa gilid ng daan. Pagdating sa harap ng cabaret, bumukas ang pinto ng van. Isang malaking gusaling may neon lights. Nakapaskil sa itaas. CLUB – VIP NIGHTLY SHOWS. May bouncer sa pintuan. May mga babaeng naka-line-up sa gilid, nakangiti pero malamig ang mata. Bigla siyang napahawak sa damit ni Mamasang. “Natatakot po ako, eh. Kung sana nandito ang ate ko!” nahihikbi na siya pero bago pa malaglag ang luha niya ay inayos nito ang make-up niya sabay ng pagbulong. “Ngayon lang ito mahirap, Aleyah. Pero bukas, sanay ka na. At makikita mo, hindi mo na iisipin ang libro mo, ang ulam mo, o kung may babalik pa bang ate sa buhay mo. Kasi ang mundo rito—ibang klaseng larangan. At ikaw, Aleyah, mamumulaklak din.” Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa babae. Pero hinawakan na siya nito sa likod saka marahang itinulak papasok. At sa unang hakbang niya sa loob ng club, ramdam ni Aleyah ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang papalapit nang papalapit sa LED light. May isang babae ang lumapit sa kanya at ani nito ay hinabilin na siya ni Mamasang at ito daw ang bahala sa kanya. Bago siya ilabas sa club floor, ipapasok muna siya sa dressing room kasama ang iba pang mga babae. Dito niya makikilala ang mga senior girls—may maayos, may mapang-api, may laspag. May magtatanong kung “baguhan” siya at mayroon ring mga napataas ang kilay sa kanya habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD