Kabanata - 9

2173 Words

Unang bugso ng amoy ang sumalubong sa kanya. Ang hangin sa loob ng squatters’ area ay siksik at mabaho. Mga halong kanal, usok ng uling, pinakuluang tuyo, at pawis ng mga tao na dikit-dikit ang tirahan. Ang mga dingding ng barung-barong ay manipis na plywood, yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero na tuwing mahangin ay nagkakaskasan. Mga bata ang unang pumukaw sa kanyang paningin. May isang grupo ng limang bata na naglalaro ng holen sa basang semento, hindi alintana ang dungis na kumapit sa kanilang mga paa. May isa pang batang babae, marungis ang mukha, umiiyak habang hinahabol ang tsinelas na nahulog sa kanal. Ang isa namang batang paslit ay walang saplot pang-ibaba, umiiyak sa gutom, hinihila-hila ang dede ng ina nitong nakaupo sa bangketa at walang imik na nagsasalin ng gin sa baso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD