HINDI ko namalayan na nakatulog ako kagabi. Sa sobrang lambot ng kama, ang lamig ng aircon, at ang katahimikan ng kwarto—para akong tinakasan ng lahat ng problema ko. Napakasarap pala ng buhay ng mga mayayaman. Sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako nakatulog sa napakalambot na kama at lamig ng paligid. At nagising na lang ako kinabukasan, maliwanag na ang araw. Pero bigla lang akong nanibago dahil wala na ang nakasanayan kong amoy at ingay ng magulong iskwater na bumubungad sa akin tuwing umaga. Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagpasok ko, halos maiyak ako sa ganda ng tiles, salamin, may shower pa. Pero doon ko narealize na hindi ko alam kung paano ito buksan. Hinawakan ko ang gripo sa lababo, mahina ang agos ng tubig. Walang timba, walang tabo. Nakatitig ako sa shower, inii

