"Av." Napaatras at napasandal ako sa aking sasakyan ng makita ko si Kristoff sa aking harapan.
Tinaasan ko siya ng kilay, inirapan, at lalampasan sana ng bigla na lang niya na iniharang ang kamay niya.
Napabaling ako sa kamay niya na nasa hood ng aking sasakyan. I greeted my teeth dahil sa inis. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo lang siya na nalapit sa akin physically. Madali lang naman sana lumusot eh, yun ay kung wala akong hawak na dalawang bag at wala akong suot na backpack.
Sa sobrang lapit din ay hindi ganon kadaling umikot para sa kabilang gilid niya ako dumaan.
"Alis!" Sabi ko sa isang kalmadong boses pero may diin. Pasalamat siya at may hawak ang dalawa kong kamay kaya hindi ko siya masasampal.
"Ayaw. Ni hindi mo man lang sinasagot tawag ko kaya bakit kita lalayuan?" Mas lalo lang akong nagalit sa sagot niya. Nagtiim ang bagang ko dahil sa pagpipigil.
"Lumayo ka." Sabi ko sa isang mas malakas at mas galit na boses. Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya nasa pader lang ang paningin ko. Kung kaya lang tumunaw ng semento ang masamang tingin kanina pa natunaw ang pader.
"I love you."
"Hmm." Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa. I smirked.
"I'm serious. Handa naman akong patunayan iyon sa iyo. Inaamin ko mali yung hinalikan kita ng walang permiso mo, pero hindi naman masama ang intensyon ko sayo." Habang nagsasalita siya ay inililipat ko naman ang isang bag sa kaliwa ko kamay.
"Are you done? Now, leave." This time tinapunan ko na siya ng isang masamang tingin at itinulak siya gamit ang kanang kamay. He seemed not to expect it kaya madali ko lang na nagawa.
Gusto ko lang matawa sa sarili ko kasi ako ang nagsabi ng leave, pero the moment na napalayo ako sa kaniya ay ako ang umalis sa harap niya.
Pero this crazy Kristoff grabbed my wrist.
"Argg, ano ba?" Inis na sabi ko sa kaniya at binawi ang kamay ko sa pagkakawak niya. Kita ko naman ang takot sa mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"I want to graduate peacefully, please lang." Pagmamakaawa o sa kaniya. "Wala akong mauuwian na pamilya kapag hindi ako nakapagtapos." Humugot naman ako ng isang malalim na hininga.
"Lucky for you na mayroong pamilya na nag-aantay, sa akin kasi wala. Ayaw kong magdagdag ng problema kaya huwag ka ng dumagdag sa mga problema ko, kasi ang dami na ng pasan pasan ko kaya please lang Kristoff. Please lang! Lubayan mo ako."
He couldn't say a thing kasi matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya. Good thing he did not follow me.
"Good evening." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pintuan.
"Welcome back." Bati ni Shen. Talagang dumungaw pa siya sa mula sa kusina para makita ako.
"Kumusta ang pagmamalagi mo doon sa kaibigan mo?" Tanong niya.
"Okay lang naman. Wala pa ba si Gia?"
"Nasa kwarto niya, hindi ka lang siguro narinig."
Tumango lang naman ako bilang sagot.
"May pagkain pala ako dito. Pinadalhan ako ng kaibigan ko. Initin na lang natin." Sabi ko sabay lagay ng isang maliit na bag na may lamang pagkain.
"Ilagay mo na lang diyaan at ako na ang mag-iinit niyan, Para naman maipasok mo na yung gamit mo sa kwarto."
"Salamat Shen. At saka yung Tupperware at bag niyo pala 'yan salamat." Sabi ko ng may malaking ngiti sa labi. Tinanguan niya lang ako.
Pagkatapos kong iwanan ang pagkain sa mesa ay naglakad na ako papasok sa aking kuwarto. Inilagay ko ang bag na may lamang damit sa ibabaw ng higaan.
Nalabhan na naman iyon kaya diretso na lang na ilalagay sa cabinet. Halos tatlong linggo kami na wala dito mabuti na alang at malinis naman ang kwarto. Pero palalitan ko pa rin and bed sheet and pillow case. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ng pillow case ng bumukas ang pinto na siyang nagpalingon sa akin.
"Andito ka na nga." Bubgad ni Gia at niyakap ako.
"Na miss ko kayo ni Shen." Bumitaw siya sa yakap para makita ako. "Ang swerte mo pa at kasama mo si Kristoff mag bakasyon, Mr. LVU na yun beh."
Hindi ko alam kung anong irereact ko kaya pabiro ko nalang na hinapas ang braso niya at tumawa.
"Isumbong kita sa jowa mo." Iginiya ko naman siya palabas ng kwarto. "Tapos na ba si Shen? Halika na tulungan na lang natin siya."
Naiwan ko tuloy ang ginagawa ko ng wala sa oras.
We ate dinner together. Kwento kwento sa kung anong mga kaganapan. Natatahimik naman ako sa tuwing nababangit ang pangalan ni Kristoff. Matapos naming kumain ay bumalik naman ako sa pagpapalit ng pillowcase.
Kinabukasan ay nag linis naman kami ng dormitory. Wala namang ganon ka raming kalat, mga alikabok lang na nasa sahig na kailangang walisan, mga alikabok sa bintana na kailangan linisan, at kurtina na dapat palitan at labhan.
The following day ang paligid naman ng dorm ang kailangang linisan. Nagtanggal kami ng mga damo at nagwalis ng mga natuyong dahon pati na rin mga dumi.
Sunday night matapos namin na mag linis ay nagtipon lang kaming tatlo sa salas, hawak ang tig iisang canned drinks na ipinadala din pala ni Andrea.
"Ano ginawa niyo doon sa condo ng kaibigan mo?" Tanong ni Gia. Nalaman ko nalang kasi na nagpunta pala siya sa tahanan nila Shen dalawang araw matapos ang new year hindi na niya ako na abutan.
"Nag-inom, nag kwentuhan, kumain, at nag movie marathon."
"Did you get drunk?"
Nabitin naman ang pag-inom ko ng canned drink dahil sa tanong. Nilingon ko naman si Shen na nagtanong at nahihiyang tumango.
"Oh, that's new."
"Malasing? Hindi naman."
"Oh so that is not your first time?" Gulat na tanong ni Gia.
"Akala ko hindi ka umi-inom." Natawa naman ako sa reaksyon ni Gia. Hindi talaga siya makapaniwala.
"I do, occasionally. Yung lasing na lasing naman, with friends lang."
"At what age did you start drinking."
"Hmm" Nag iisip pa 'ko.
"Una akong makainom at the age of eight yata o nine."
"What? That's too young." React nanan ni Shen.
"Ganito kasi yun. There was an occasion sa bahay. Tapos ng wala ng bisita, nagliligpit na si papa I tasted the beer na naiwan. Yun lang yun and it was just a very small amount. Pero nasundan naman ay at the age of 18 na."
"So when was the first time na nalasing ka talaga?"
"Nung birthday ni Rayven. April."
"Paano ka malasing?" This time si Shen naman ang nagtanong.
"Sabi nila maingay at madaldal ako."
"You should drink with us next time, para mapatunayan natin yan."
"I agree." Pag sang-ayon naman ni Gia kay Shen.
I couldn't help but laugh. Maybe kapag hindi na busy, I'll drink with them. I have never tried na makipag inuman talaga with them.
Nang bumalik na ang klase hindi ko alam kung anong nangyayaari, pero kapag napapadaan ako ay tumitingin sa akin ang mga estudyante. May iba nagbubulungan pa talaga. Na conscious tuloy ako kaya napa pasok ako sa rest room ng hindi oras. Maayos naman ang itsura ko hindi naman madungis ang mukha ko kasi umaga pa lang, at naligo naman ako. Inamoy ko naman ang sarili ko, hindi naman ako mabaho.
Tiningnan ko ang suot kong damit, maayos nama. Ito naman yung kadalasan kong isinusuot, isang kulay puting v-neck t-shirt at jeans tapos sapatos. Tiningnan ko naman ang pwetan ko baka may tagos, kaya sa akin halos lahat ng tingin,pero wala din naman.
Kahit na sa labas ng cubicles hindi ko naiwasn ang mga mapanuring tingin ng mga tao. Habang paakyat naman ako ganon pa rin. Hindi ko alam kung nagkakamali ba ako o hindi, pero yung tingin talaga ng iba parang galit na.
"Ano ba kasing nangyayari?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko.
Pagpasok na pagpasok ko naman sa classroom ay sa akin agad ang tingin ng lahat. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at naghanap ng mauupuan.
Agad naman akong nagtungno sa lugar kung saan ako madalas na naka upo, doon sa malapit sa bintana wala pa kasing umuukupa. Nasa harap ko pa rin nakaupo si Joy at ang kanang kamay niya na si Gema. Kahit naupo na ako sa upuan ko ay pansin ko pa rin ang mga tingin na ipinupukol ng mga kaklase ko sa akin. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang mga palihim na pagmamasid sa akin ni Joy.
"Avi." Napalingon naman ako sa nagsalita. Isang lalaki na hindi ko kilala at hindi din sa department namin nagmula. Kung pagbabasehan ang suot niyang scrub ay alam na agad na nursing student eto.
"Pinabibigay sayo ni Rayven." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
Agad ko namang kinuha iyon para hindi na makapag attract na ng atensyon, then the man left.
"Nagyon mo sabihing hindi mo nilalandi si Kristoff." Napabaling naman ako kay Joy na nakatayo at nagpupuyos sa galit.
Narinig ko naman ang bulong bulungan ng mga kaklase ko. All eyes are on me and Joy.
"I'm not flirting with anyone, okay? Ngayon hindi ko alam kung bakit niya ako padadalhan ng ganito. Maybe it's just a friendly gift, late present or whatsoever. Huwag mong lagyan ng malisya ang lahat pwede ba."
I know it is not a late present or what. Akala ko pa naman titigilan niya na ako pero ano to?
Hindi na naman pa nakasagot pa si Joy dahil dumating ang aming professor. Medyo na late si Themarie sa pagpasok kaya hindi niya nadatnan ang pangyayari kanina.
Akala ko tapos na si Joy pero bago pa man ako makalabas ay hinarang na naman niya ako.
"Ano na naman?" Tanong ko sa kaniya.
"Sabi mo hindi mo nilalandi si Kristoff then why is he giving that to you?" This time mas mahinahon na siya. Napatingin naman ako sa hawak kong paper bag na bigay kanina.
"Hindi ko nga alam. Flirting was not on my list of priorities. Isa lang ang laman ng utak ko ang makapagtapos now please excuse me."
"Are you sure?" She did not shout at me or minalditahan man lang ako. She just asked me politely, and that's new.
"Yes." With that I leave. Hindi ako sumama kay Them, plano ko na umuwi sa dorm, doon ako kakain.
I was about to put the paper bag sa basurahan without even knowing kung ano ang laman non ng may pumigil sa akin.