Ika-tatlumpo't dalawang Kabanata

2130 Words
"Bakit mo itatapon 'yan?" He coldly asked. "Kasi galing sayo." At padarang ko na binawi ang kamay ko. "You won't even bother to look what's inside?" "What for? Hindi naman ako interesado." Sabi ko at akmang itataoon na naman iyon sa basurahan pero pinigilan na naman niya ako. Pilit ko na inaagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero nagmatigas din siya. "SABI KO SAYO LUBAYAN MO AKO! SAYO NA 'YANG LETSE MONG REGALO!" Sabi ko at isinaksak ko sa dibdib niya ang paper bag at nakawala ako sa kaniya. "May sapak yata sa utak ang isang yun at hindi nakakaintindi?" Galit kong sabi sa sarili habang naglalakad papasok sa dorm. Hindi naman siya sumunod. Mabuti na lang at walang tao kanina. Kinahapunan naman habang naglalakad ako papunta sa library hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sa akin pa rin ang tingin ng karamihan. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito at nag focus sa gagawin ko. I was in the middle of putting the books back in the shelves ng biglang sumulpot si Kristoff. Ano ba? Hindi ba talaga ako lulubayan ng lalaking ito? Kukuha na sana siya ng libro ng iniwas ko ang cart para wala siyang madampot. "How was your day?" "Gusto mo ba ng isaw? Ililibre kita." "What is your favorite book ililibre kita?" "Libre ka ba sa Sunday? Labas naman tayo, ay nagsisismba ka pala, after mong mag church na lang." He was asking a lot of questions, striking to start a conversation pero hindi ko siya sinasagot. Para siyang langaw na napaka ingay at pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko at baka masinghalan ko siya, nasa library pa naman kami. "Bye ma'am." Sabi ko sa librarian ng matapos ako. Hindi naman karamihan ang mga books na ibinalik kaya madali lang ako na natapos. I was on my way to the dorm pero buntot pa rin ng buntot si Kristoff sa akin. In the middle of walking ay napahinto sa pagsasalita si Kristoff dahil tumunog ang telepono ko. "Anong kailangan mo?" Tanong ko agad ng masagot ko ang tawag ni Rayven. "Are you free this Sunday?" "Yes." "Nice, let's go out then." "With whom?" "Tayong dalawa lang?" Hindi ko naman ma pigilan na tapunan ng masamang tingin si Kristof kasi kinakalabit niya ako. Nauna naman akong maglakad sa kaniya. "Oo, roadtrip tayo o kaya kain may nabalitaan akong maaarap na kainan malapit lang naman kaya puntahan na natin." "O sige." "Sino ba kasi 'yan?" Lumayo naman ako ulit sa lumapit at hindi na nakapagpigil na si Kristoff. "Sino yun?" Tanong ni Rayven na nasa kabilang linya. "Just someone." Sagot ko naman. "Kailan nga ulit iyon?" Tanong ko just to break the silence. "This Sunday after natin mag church." "Okay Sunday then, bye." "Bye." After that, I hung up the call. "I asked you first." Galit na sabi ni Kristoff. What made him think na sasama ako sa kaniya? Mabilis ako na naglakad para makalayo sa kaniya pero sa laki ng mga bias niya ay nahahabol niya lang ako. "Av, I asked you first." Hindi ko talaga siya kinibo. Natigil lang siya sa pagsunod sa akin ng nakapasok na ako sa area ng girls dormitory. Finally, at makakapagpahinga na din. Agad akong tumalon sa aking higaan. "AV!" Napalabas naman ako ng kwarto sa lakas ng sigaw ni Gia. "Oh my, hindi mo sinabi sa akin." "Na?" Naguguluhang tanong mo sa kaniya. "May something na sa inyo ni Kristoff." "What?" Gulat na tanong ko sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Nanalaki ang mata ko sa nakita ko. Kristoff updated his cover of photo of me and him. That photo was taken minutes after new year. Sa picture ay ako na nakapikit at nakangiti, habang siya naman ay nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Kita din sa litrato ang fireworks. Hindi ko akalain na he would get that far. How dare he put me in this kind of mess? How dare he post a picture of us in his social media account without my consent? Strike 2 na siya huh. That's probably why grabe kung maka tingin sa akin ang mga nadadaanan kong mga kamag-aral kanina. "There is nothing going on between me and Kristoff. That picture was taken noong new year. I had a smile on my face kasi he did something hilarious. It's not what you guys are thinking." Pagapapaliwanag ko kay Gia. Good thing she did not ask further at naniwala agad siya sa akin. After Gia left, I immediately opened my social media account. I searched for Kristoff's account then reported the photo, hoping that the site would take it down. He posted it 3 days after the new year pa pala, ngayon ko lang nalaman. He didn't put a caption on it naman, the people just assume it. Nailapag ko nalang ang telepono ko at naihilamos ang palad sa mukha. "Kaya pala, kaya pala. Argh tatangalan talaga kita ng bituka." Natigil naman ako sa pagtutorture kay Kristoff sa utak ko at napabaling sa umunog na phone. Nag notify ang messaging app ko para sa panibagong mensahe. John: You should update your profile picture. Sige na, request ko naman. "Oo nga pala." Naalala ko na noong nag burol kami ay sinabihan niya ako na mag update. Agad ko naman na pinuntahan ang email ko at dinownload ang litrato na ipinasa niya. And then updated my profile picture na last year pa. For the caption, I just put an emoji of a hill. Then that's it. I already updated it. I took a screenshot and send it to John. John Very good, you are so pretty. I expressed my gratitude to him naman. Maingay din ang group chat but hindi na ako nakisali pa kasi I have things to finish. The following day pumapasok lang ako kapag minute na lang ay magsisismula na ang klase para hindi na ako makatanggap pa ng mga kung ano. Kapag labasan naman ay susunod agad ako sa professor para walang magkamaling lumapit sa akin. I avoided eating at the cafeteria, sa karendirya na ako sa labas kumakain para lang talaga iwasan siya. Papasok na ako ngayon sa loob ng school. I was drinking bottled water ng nakita ko si Kristoff. Mabilis naman ako na nagpalit ng daanan. Mas malayo pero okay lang kasi mas tahimik ang buhay ko. "Ma'am pwede ho bang may mga times na umaga ko na aayusin o ibabalik ang mga used book to their respective places po." "Bakit may conflict ba sa schedule mo?" Sabi niya sabay parang may hinahanap. "Hindi naman ho ma'am, may mga times lang ho kasi na ang lalaki ng vacants ko sa morning, tapos kapag gabi ho may mga hinahabol po ako. "Okay lang naman basta ba you need to come here lang every afternoon pa rin para naman kapag nag close ng library ay walang nag kalat o naiwan na libro sa mesa. Okay lang ba?" "Okay na okay po ma'am." Now I have to even change my schedule para lang hindi magtagpo ang landas namin ni Kristoff. Friday, matapos ang klse ay sumama ako sa pagpapananghalian sa sa cafeteria nauna na sila Themarie doon, habang ako ay nahuli at andito pa naglalakad patungo sa cafeteria. Kinailangan ko na namang lumihis ng ibang daanan dahil kay Kristoff. "Av." Napapikit naman ako ng mariin at mas lalong binilisan ang paglalakad ko. "Kung mamalasin ka nga naman." Sabi ko sa sarili ko. Bakit ba kasi napansin pa niya ako. Nabuhayan naman ako ng loob ng makakita ng Comfort room. Agaran naman akong pumasok. Nakita ko pa ang pagbaling sa akin ng mga babaeng nasa loob. Tingnan natin kung makakasunod ka pa. May isa pa kasing pintuan palabas sa CR na nagkokonekta sa Gym. He called pero never kong sinasagot. Isang araw kumatok si Shen sa kwarto. "Nasa labas si kristoff Av, baka gusto ming batiin." "Hindi na. I'm busy." Sabi ko at saka isinarado ni Shen ang pintuan. Tumayo naman ako sa pagkakahiga at inilock ang pintuan. Mahirap na at baka pumasok iyon dito. Hanggang labas lang talaga ang mga lalaki pero naninigurado lang ako kasi baka papasukin ni Shen, hindi pa naman alam ni Shen ang lahat. Totoo naman na busy talaga ako. I have to create lesson plan and find related research para sa research namin. Minutes later na realize ko na tama ang naging desisyon ko na isarado ang pintuan dahil may kumatok at ng magsalita ay si Kristoff nga. Buti naman at hindi na naki epal pa sila Gia at Shen. "You closed your door?" Tanong sa akin ni Shen ng lumabas na ako. "Oo I did, nagbihis kasi ako kanina baka may pumasok bigla kaya isinarado ko, nakalimutan ko na bukasan. Bakit kumatok ka ba?" Pagmamaang maangan ko. "Si Kristoff kanina, hindi mo ba narinig?" Umakto naman ako na nagulat. "Talaga? Hinidi ko narinig kasi naka earphones ako." Tumago naman siya. The next day maaga ako nagising kasi may lakad ako. Nakapagpaalam na naman ako kagabi na hindi ako makakasabay kasi may separate na lakad ako. "Good morning." Sabi ni Rayven sa kabilang linya. Maaga niya akong tinawagan ngayon. "Good morning. O ano na naman? Hindi ba tayo matutuloy?" Tanong ko habang naka-upo sa kama. "Syempre tuloy tayo. Tumawag lang ako para ipaalala sayo ang lakad natin ngayon." Base sa boses niya ay mahahalata mo na kagigising niya lang din. Hindi mo mahihimigan ang pagiging maloko niya, seryoso lang talaga siya. "Okay." Pagkatapos non ay binabaan na niya agad ako ng tawag. Nagluto na muna ako ng agahan. "You're up early." Sabi naman ni Shen na pumasok sa kusina at kagigising lang. Magulo pa ang buhok. "Maaga ang lakad ko ngayon eh." Sagot ko sa kaniya. Tumango tango siya at naglakad patungo sa Comfort Room habang nagkakamot ng ulo. Sabay kami na kumain tatlo. "Ready ka na ba?" "Hindi pa sandali naman, hindi pa ako nakakapag-ayos." "Huh?" OA na sabi niya. "Huwag kang OA nakapagbihis na ako mag-aayos na lang ako ng mukha." Sabi ko sabay loudspeaker sa kaniya. "Ang aga mo naman kasi." Sabi ko habang tinatanggal ang tuwalya sa ulo ko. Naglagay lang ako ng face powder, nagkilay, at nag tint para hindi naman mag mukhang walang kulay ang labi ko. "Nasa labas ka na ba talaga?" Tanong ko pa uli, nagsusuklay na ako ng buhok, hindi ko na ibo-blowdry pa ito. Wet look nalang hindi naman masamang tingnan. "Oo nga, gusto mo puntahan pa kita diyan." "Huwag na, eto na at tapos na ako." Sabi ko sabay tayo sa table at kinuha ang bag na dadalhin ko. "Ibaba ko na." "Palabas ka na?" "Palabas ng dorm." "Sige bilisan mo." Demanding naman neto. Pinatay ko na ang tawag at tiningnan ng maka isang ulit pa yung sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting dress, puting doll shoes, at isang puting sling bag na may chain sling. Then I'm good to go. "Alis na ako." Paalam ko sa mga kasama ko. Palabas na sana ako ng premises ng girls dormitory ng makita ko na nakaupo si Kristoff sa bench sa labas ng dorm. Agaran naman ako na tumalikod. "Mukhang mas mahaba ang lalakarin mo Av." Sabi ko sa sarili ko tinahak ang mas malayong daan. Dalawa kasi ang entrance at exit ng lugar pero mas malapit talaga doon sa kabila. Kapag doon ka kasi dumaan pwede ka ng dumiretso sa parking na syempre malapit lang sa gate ng university. Kung dito kasi sa daan na ito, ay luluusot ito sa social work na building na kung saan nasa halos dulo na ng school, dadaanan pa ang education department, at iba pang department hanggang sa makalabas ka. Pinadalhan ko naman ng mensahe si Rayven na matatagalan ako ng kaunti. Hindi pa man ako nakakapagsimba ay mukhang madadagdagan ang kasalanan ko. Medyo malapit na ako sa gate nang makita ko si Kristoff na nakatayo sa hindi kalayuan at nagtitipa sa telepono niya. Agad naman ako na nagtago at lumihis ng daan. Ilang sandali pa ay nag vibrate ang cellphoen ko, may tumatawag. Hindi ko na sinagot at nagpatuloy na lang. Napabuntong hininga naman ako ng ilang hakbang na lang at makakalabas na ako. "Av." Napalingon naman ako, nakita ko na tumatakbo si Kristoff papunta sa kung nasaan ako. Agad akong lumbas para mahanap na si Rayven. "Nasaan ba yun." Sabi ko ng hindi ko makita ang sasakyan ni Rayven. Panay naman ang lingon ko kasi si Kristoff papalapit na. "Av." Malapit na talaga siya sa gate. Tatawid na sana ako ng biglaang may pumarada na sasakyan sa harap ko. "Pasok ka na." Sabi ni Rayven, nakasilip siya sa bintana na mas malapit sa front seat. "Avi." Bago pa man ako maabutan ni Kristoff ay nakasakay na ako sa sasakyan at napaandar na ito ni Rayven palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD